Chapter 15-Just for him

198 22 0
                                    

WAY#15-[Just for him]

Winnie's POV

Whoah! atlast natapos ko rin irecord yong total sales! at viola! ang laki ng income namin! Ang galing! Haay nastress ako kaya hihiga lang muna ako sa kama ko.

BlackPink in your area! BlackPink in your area! Been a bad girl, I know I am, And I’m so hot I need a fan. I don’t want a boy I need a man♪

Napaupo ako sa kama ko dahil biglang nag ring ang phone ko, kinuha ko yun mula sa sidetable at pagtingin ko sa caller, napakunot ang noo ko. Sasagutin ko ba to o hindi? Nag promise na ako sa sarili ko na iiwasan ko na si Pao para hindi na magalit si Kevin eh. Kaya binalik ko nalang yun sa sidetable ko.

BlackPink in your area! BlackPink in your area! Been a bad girl, I know I am, And I’m so hot I need a fan. I don’t want a boy I need a man♪

Anubayan! ang kulit talaga ni Pao!! Bahala nga siya! Pinabayaan ko ang phone ko na mag ring hanggang sa tumigil na yun.

BlackPink in your area! BlackPink in your area! Been a bad girl, I know I am, And I’m so hot I need a fan. I don’t want a boy I need a man♪

Aist! Grabe talaga ang kakulitan ni Pao! Nakakayamot! Tawag ng tawag! kinuha ko nalang ng padabog yong phone ko at inaccept para matigilan na ang kakulitan ni Pao.

 "Ano bang kaylangan mo Pao?" medyo irita kong sabi. Wala naman akong narinig na nagsalita sa kabilang linya. Aist! tumawag tawag pa tas wala naman palang sasabihin!

 "This is not Pao.." napalaki ang mata ko at napatakip sa bibig ng ibang boses ang narinig ko. Napatingin ako sa caller at hindi nga talaga si Pao.

 "Ah.. B-Babe! Hehe sorry akala ko--"

 "Are you expecting him to call you??" nakadetect ako ng galit sa tono niya. Patay.

 "Ah.. kasi kanina tumawag siya! hindi ko nga sinasagot eh, kaso nakulitan ako kasi ring ng ring kaya yun akala ko siya parin ang tumatawag!" paliwanag ko. Sana naman hindi na siya magalit.

 "Hmm, okay!" lumawak naman agad ang ngiti ko nung sinabi niyang okay.

 "Bdw babe, sunduin kita mamaya ha? kain tayo sa labas!" 

 "Wow really?? Sure. Anong oras?" Yiieh. Naexcite ako bigla! Ngayon nalang kasi nagyaya si Babe lumabas eh.

 "Mga 1pm babe." napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko, 10 am na. May tatlong oras pa ako para maghanda. 

 "Oh sige Babe!" 

 "Okay. Bye Babe."

 "Bye din!" Call ended.

Tumayo agad ako sa kama ko at pumunta na sa Cr para maligo ang all. Naku kaylangan magpa pretty ako. hihi.

-Fast Forward-

 "Wow Baby ang ganda mo!" sabi ni Mommy nung bumaba ako. Nakadress ako ng Purple ngayon at purple stilleto ang shoes ko. Favorite color ko eh!

 "Saan pala ang punta mo?"

 "Ay oo nga pala Mommy, I forgot to tell you na may Date pala kami ni Kevin ngayon!"

 "Date? bat ngayon ka lang nagpaalam?" nakakunot noong tanong ni Mommy.

 "Hehe sorry nakalimutan ko dahil sa sobrang excitement eh!" napalitan naman ng ngiti ang mukha ni Mommy. 

 "Oh sige! Ingat kayo ha?" nag nod lang ako. Maya'maya may bumusina na sa labas. Yieeh si Babe na to!

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon