Chapter 22-Expectations.

185 23 4
                                    

WAY#22-[Expectations.]

Winnie's POV

Masigla akong gumising dahil espesyal saakin ang araw na to. Monthsary namin ni Kevin. Mabuti nalang at walang pasok kaya mas maeenjoy namin ang araw nato. Kinuha ko yong phone ko pero in my dissapointment, walang text na galing sa kanya. Ah baka naman kasi tulog pa. Ang aga ko kasing gumising.

Bumaba na ako para mag almusal. At tamang tama dahil tapos na mag luto si Mommy.

"Uy baby, kung kelan walang pasok saka ka gumising ng maaga?" Bungad ni Mommy habang nilalagyan ng pagkain ang plate ko.

"Eh ewan ko rin Mommy, dahil ata excited akong mag bake!"

"Excited mag bake? Para saan?"

"Duh. Monthsary kaya namin ni Kevin ngayon. Remember?" Napatango'tango si Mommy. Anyare sa kanya? Noong una siya pa ang mas unang nakaka'alala dun at mas excited pa nga siya sakin nun, pero ngayon biglang nakalimutan?

"Syanga pala Baby, naiwan ata to ni Pao kagabe nung hinatid ka niya!" At may inabot si Mom na plastic bag sakin. Swinsey Pharmacy? Yun ang nakasulat sa plastic bag. Tinignan ko ang laman, may mga medicine at may reseta din galing sa Haite Int. Hospital. Teka, ito yong hospital na may mga magagaling na doctor ah? At ang mga mayayaman lang ang nakaka avail ng service nila? Oh well, baka naman para sa Mom niya ang mga gamot nato? Naku engot talaga yong si Pao at nakalimutan pa to dito.

"Ibigay ko nalang to sakanya mamaya!" I said at nagpatuloy na ako sa pagkain.

**

"Wow ang sarap!" Sabi ko nung matapos naming i'bake yong cake. Siguradong magugustuhan to ni Kevin dahil paborito niya ang chocolate cake!

Naligo na ako't nagayos dahil pupuntahan ko si Kevin sa condo niya. Hindi kasi nagrereply sa mga txt ko eh kaya susupresahin ko nalang siya dun. Nagpaalam na ako kay Mommy at pumunta na ako sa condominium niya.

Habang hinihintay kong magbukas ang elevator. Inayos ko yong sout kong damit pero nagulat ako pag angat ko ng tingin.

"Vyannie??"

"Ohw Hi Winnie! What are you doing here?" Sabi niya nung makalabas sa lift. Pansin ko lang na ang sout niyang damit ngayon ay ang sout niya rin kahapon.

"Ahh eh, dito nag stestay ang boyfriend ko eh." I retorted.

"Really? What a coincidence! My boyfriend is also staying here!" Nakangiti niyang sabi at napangiti rin ako.

"Talaga? Ikaw ha. Hindi mo manlang naikwento sakin na may boyfriend kana pala? Pero sabagay hindi na ako magugulat kasi maganda ka!"

"Haha. You're so bolero Winnie. Actually, kahapon lang kami nagkabalikan and I'm so Happy!"

"Halata nga!" At nagtawanan kaming dalawa.

"Oh well, I need to go Winnie. Go to your Boyfriend now! Introduce him to me some day ha? Bye." At nagsimula na siyang maglakad na parang model pero lumingon uli sakin. "Winnie, don't forget to use protection ok?" halos lumuwa yong mata ko sa pagkagulat dahil sa sinabi niya. Ramdam ko din ang pamumula ko. Naku ibang klase ding mag isip si Vyannie.

I take the lift and pressed 13. Nung nasa floor na ako ng condo ni Kevin, pinindot ko na yong doorbell. Antogol buksan!

"May naiwan ka Nik--Winnie??"

"Hi Babe!" Nakangiti kong sabi at nilingon lingon niya pa yong likod ko bago ako papasukin. Eh? Anyare sakanya?

"Anong ginagawa mo dito?"

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon