Chapter 5-Paolo Hernandez

257 36 1
                                    

WAY#5-[Paolo Hernandez]

Paolo's POV

Kilala niyo na ba ako? Well kung hindi pa, bahala kayo! Tinatamad akong magpakilala eh! Hayaan nyo, makikilala nyo rin ako sa takdang panahon!

Nandito na ako sa room namin pero hindi ko pa nakikita si Ms.Winnie Taray! Teka ba't ko ba hinahanap yun? nasanay lang kasi akong may nagtataray sakin kaya ganun. Kinuha ko nalang yong mga action figures ko. actually collection ko to, thousands na nga yong ganito ko sa bahay eh. wala lang! dito na natoun yong atensyon ko simula nung.. Haay basta!!

Natapos yong klase namin at naglabasan na kami sa room. Nakita ko si Lyza at lumapit siya sakin. tinatanong kung nakita ko daw si Winnie.

"Hindi ata pumasok eh! wala sya sa room kanina!" sabi ko.

"Ganun ba? naku baka kasama na naman yun ni Kevin! tsk. nag cutting pa yong dalawa!"

"Ah Lyza, ilang taon na ba yong relasyon nila?" Tanong ko.

"Nag One year na sila nitong May 20! bakit mo naman natanong?"

"Ah wala naman! matagal na pala sila ah?"

"Ou nga eh! kakainggit! parati ngang sinasabi ni Winnie sakin na feeling nya daw si Kevin na ang para sa kanya. hmp pero possible naman kasi mabuting boyfriend si Kevin sa kanya!" sabi ni Lyza.

"Hmm depende! meron talagang iba na akala nila para sa kanila na pero hindi pa pala!"

"Ngeh? May pinanghuhugutan ka brad?"

"Haha ewan!"

"Psh sige na uwi na ako! nagiging seryuso kana eh! Babosh!" kumaway lang ako at umalis na sya. Naging close ko na rin yan sina Lyza. Pero ewan ko kung close ba ang maitatawag ko kay Winnie. Ewan ko pero parang asar na asar siya sakin palagi eh, wala naman akong ginagawa? well oo meron akong nagawa nung una naming pagkikita pero hindi ko naman yun sinasadya ah! Psh.

Pagka'uwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Mommy. kinuha nya yong bag ko at pina'upo niya ako sa sofa. tss ang overprotective niya talaga.

"Mom you don't need to treat me like a kid!"

"Its because I care for you a lot Son! Hindi mo naman ako masisisi! God gave as a second chance kaya hindi ko na sasayangin to!" sabi ni mommy.

"Yun na nga mom! Sa ginagawa mo, parang feeling ko hindi pa ako normal! ma don't worry! tapos na ang surgery ko diba? wag mo na akong ituring na parang may taning!"

"Son don't say that! ayoko ng marinig yun! Ok fine! hindi na ako magiging over protective!" nag iba na ang mood ni Mommy. Alam kong nafrustrate siya.

"Oh sya pinagluto kita ng paborito mo! halika na at siguradong mapaparami na naman ang kain mo!" Nakangiting sabi niya. Bilib talaga ako sa Mommy ko, madali siyang ngumingiti. kaya nga ako lumaban eh, para sa kanya! para hindi ko na siya makitang umiiyak. dahil pag masaya ang mom ko, masaya na rin ako. Even if I know na there's a part of me na alam kong may kulang! Hayaan na! sana masaya na siya kung nasaan na sya ngayon.

"Wow mom ang sarap ah!" sabi ko habang tintikman yong caldereta.

"Obcourse anak! para sayo eh! sige kain ka lang ng kain ha?! pagkatapos niyan, magpahinga kana ok?" tumango nalang ako. kasasabi palang niya kanina na hindi na siya magiging over protective pero ayan na naman! Haay hayaan na nga! Hindi mo talaga masisisi ang isang ina.

***

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon