Chapter 35-Unexpected Visitor.

183 15 0
                                    

WAY[#35]-Unexpected Visitor.

Winnie's PoV

Nakatingin lang ako kay Pao habang pinagmamasdan siyang busy sa pagluluto. I can't believe that he can cook. Dinaig niya pa ako na kahit pagprito ay hindi ko kayang gawin. At kahit marami silang katulong ay parang sanay na sanay siya sa gawain pang kusina.

"Ahm, wala ba talaga akong pwedeng maitulong?" Tanong ko habang nakasandal sa sink at nakatingin sa paghahalo niya.

"Seriously winnie? Bisita kita kaya wala kang dapat gawin. Then earlier you insisted to help pero haros tumangis ka na dahil lang sa paghiwa ng sibuyas." Sabi niya at napasimangot ako.

"Ikaw kaya ang maghiwa ng sibuyas kung hindi ka umiyak!" Singhal ko at napahalhak siya.

"Hindi ako ganun." Sabi niya at mas lalo akong napasimangot. Lumayo ako sa kanya at umupo sa stool. Porket magaling siyang magluto nang'aasar na siya!

"Winnie?" Tawag niya pero hindi ko siya nilingon. "Luto na oh." sabi niya pero hindi ako nagsalita.

"Love?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tinawag niya. ngumiti siya at agad akong umirap. Love? Ang korny!

Narinig ko siyang napatawa. Naramdaman kong lumapit siya sakin at nilapag niya 'yong pagkain sa side ko. Hindi pa rin ako kumibo.

"Uy may nagpapalambing." Sabi niya na may tonong pang'aasar. Naramdaman ko pa 'yong kamay niya sa bewang ko at nilagay niya 'yong baba niya sa shoulder ko.

"No need to be moody love, pwede naman kitang turuan magluto eh o pwede rin namang ako nalang ang parating magluluto para sayo." panunuyo niya at effective na sana pero nakakairitang pakinggan 'yong endearment niya.

"Tigilan mo nga 'yang kaka'love mo dyan. Ang sakit sa tenga."

"Pero love--"

"Isa pa at sasampalin na kita." Sabi ko at napatawa lang siya.

"Alright. Alright. Hindi na" sabi niya at natatawang itinaas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.

"Let's eat?" Sabi niya at kumuha ng isa pang stool at tumabi sakin. Kinuha niya ang isang tinidor at kumuha ng carbonara.

"Say ahh." sinusubuan niya ako ng carbonara at napataas ang kilay ko.

"Anu ako bata?"

"Eh! Sige na! Wag killjoy." Sabi niya at napairap muna ako bago kinain ang carbonara na sinusubo niya.

"How is it?"

"Hindi masarap." Sabi ko at napasimangot siya. "Kasi sobrang sarap." Dugtong ko at nagliwanag ang ekspresyon ng mukha niya.

"Really? Mabuti naman at nagustuhan mo! I made this with love." Sabi niya at napangiti na lang ako. "Ganun? So dapat palang ubusin ko 'to." Kumindat ako.

"Crap. Don't do that! You're seducing me."

"Ano?"

"Nothing." Sabi niya at nag iwas ng tingin. Hindi ko na siya pinansin at kumain nalang ako.

Hinawakan niya ang bewang ko at humilig sa balikat ko.

"Hoy anuba! Hindi ako makakain ng maayos." Saway ko pero hindi siya nakinig at hinigpitan lang ang hawak sa bewang ko.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siya.

××

"Ingat ka winnie ah? Balik ka dito." Nakangiting paalam ni Tita habang kumakaway sa gate ng bahay nila.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon