Chapter 1-Perfect life with HIM

893 47 26
                                    

A/N: I would like to thank khimkhim20 for the awesome cover of this story! Thanks for sharing your talent to those aspiring writers just like me! :)

-*-

WAY#1-[Perfect Life with him.]

Winnie's POV

Hi! Ako nga pala si Winnie the Pooh. Di joke lang, I'm Winnie Stella Yui. Mag fi'first year college na pala ako sa darating na pasukan. Actually kinakabahan ako pero at the same time excited din. Naku! Naku!

Kasalukuyan akong nag memake up dahil may lakad ako. Saan ang lakad ko? Hulaan niyo. Pag ang babae wagas kong magpaganda satingin niyo sa'an kaya siya pupunta?

Tama ka! Sa date ng jowa niya! Bigyan kita ng points dun.

"Hoy winnie! andito na yong boyfriend mo! lumabas kana diyan!" rinig kong sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko.

Tumingin ako ulit sa mahiwagang salamin ko at syempre pag ikaw ang may-ari, maganda ka talaga dahil nasanay na ito sa pagmumukha mo lol.

Pagbaba ko sa hagdan, nakito ko siya na naka upo sa sofa namin at napatayo siya ng nakita niya ako.

"Babe!" sabi niya ng nakangiti. Shocks ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

Siya si Kevin Villaruel. ang Uber thoughtful, lovable and loyal Boyfriend ko. Sinagot ko siya nong 4th year high school pa kame. At ngayon ay May 20 kung saan ito ang araw ng First Anniversary ng relationship namin kaya kame may date ngayon. Ilabas ang confetti please!

Tanggap naman ni mama ang relasyon namin dahil boto sila mom at dad kay Kevin kasi naman mabait at gentleman 'yong Babe ko.

"You look Stunning babe!" sabi niya na ikinapabebe ko.

"Thank you. Ikaw din babe! hehe." sagot ko naman.

"Oh sa harap ko pa talaga kayo nag lambingan! Lumayas na kayo!" singit ni mommy na ikinatawa namin. Ang astig ni mommy magpalayas diba.

"Maka palayas ka naman mommy! sige alis na kame! di kita dadalhan ng pasalubong sige ka." sabi ko kay mommy. Ganyan talaga kami, parang magkapatid lang kong mag usap pero syempre love na love ako ni mommy nu because I'm their only princess.

"I don't care. Wala ka namang allowance bukas eh"

"Luh naman! Effective 'yong pangblackmail mo ha. Wag kang magalala dalhan kita ng maraming polboron pagbalik ko." Sabi ko sabay kiss sa checks niya.

"Oh sya Kevin! Ingatan mo ang princess ko ha? know your limitations always okay?" Pagpapa-alala ni mommy.

"Yes tita I will." Nakangiting sabi ni Kevin at lumabas na kami ng bahay.

We went to his car and he opened the door for me. Habang nasa kotse kame ay nag ring ang phone ko.

♪BlackPink in your area! BlackPink in your area! Been a bad girl, I know I am, And I'm so hot I need a fan. I don't want a boy I need a man♪

Tinignan ko kung sino ang caller at napangiti ako.

"Hello?"

"OMG friend! Happy Anniversary sa inyo ni Kevin! So anu? Anong plano niyo?" That's Lyza. My Bestfriend.

"Ahm ito.. were on our way to our date na!" sagot ko.

"Kyaaah! talaga? Kasama mo na pala siya ngayon? anubayan baka nakakistorbo na ako! Sige, Sige I need to end this call na kaya Enjoy ka friend ha?" Masigla niyang sabi.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon