-End-

260 16 2
                                    


Winnie's POV

Ilang weeks na ang nakalipas simula nung away namin ni Pao. Dahil sa pangyayaring 'yun, mas tumatag pa ang relasyon namin dalawa.

At ngayon nandito kami ni Pao sa lumang gusali at nakatingin lang kami sa mga bituin sa taas. Nagiging paborito na naming lugar 'to at marami na kaming memories na nabubuild up dito.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at nakaakbay siya sakin.

Ang saya ng pakiramdam ko. It's so good to feel his warmth. Promise ko talaga sa sarili ko na hindi ko na itatake for granted si Pao. At kahit wala kaming masyadong ginagawa ni Pao ngayon, randam ko parin ang saya dahil katabi at kasama ko siya ngayon at kahit hangin lang ang tangi naming naririnig, naguusap naman ang mga puso namin.

Tinignan ko si Pao, nakapikit lang siya habang ninanam-nam ang simoy ng hangin.

"Uy may problema ba?" Tanong ko at napamulat siya ng mata at tumingin sakin.

"Wala. Ang saya ko lang. Sana parati tayong ganito." Sabi niya at ngumiti naman ako.

"Oo naman. Parati tayong ganito kung hindi ka magloloko." Sabi ko at napasimangot siya.

"Ba't mo ba iniisip na magloloko ako? Hindi ko gagawin 'yun nu. Hindi naman lahat ng lalaki pare'pareho eh. May mga gago lang talaga na sinisira ang reputasyon ng mga kalalakihan. Kaya minsan genegenaralize ng mga babae ang tingin nila sa'min."

"Oo na. Defensive mo." Sabi ko at natawa. Ngumiti na rin siya at yumakap sakin.

"Winnie?"

"Hmm?"

"Panu kung bumalik 'yong sakit ko dati? Anong gagawin mo?" Tanong niya at bigla ko siyang hinampas ng malakas sa braso.

"Aray. Nagtatanong lang eh." Napakamot siya sa ulo niya.

"Wag mo ngang sabihin 'yan. Ang dami ng pwede mong itanong wag lang 'yan." Sabi ko at ngumiti siya.

"Wag ka ngang matakot. Hindi naman na 'yun babalik eh. Sinigurado na namin 'yun sa doctor." Sabi niya at parang nabunotan ng tinik ang dibdib ko. Akala ko matutulad 'yong lovestory namin sa ibang mga libro gaya ng 'the fault in our stars' o 'yong 'a walk to remember' na namatay 'yong isa eh. Jusko wag naman! Mas masakit pa 'yun sa maloko eh!

Pinitik niya ang ilong ko kaya napabalik ako sa realidad. Sinimangotan ko siya dahil medyo masakit. Pero nawala naman agad dahil hinalikan niya 'yon. Hehe.

"Teka nga pala Pao, may kukunin lang ako." Tumayo ako at nagtaka naman siya. Kinuha ko 'yong bag ko at naghalungkat. Nakita ko 'yong box na may lamang dog tag na binili ko sa mall nung isang araw. Ang cute kasi dahil may letter P dun at may bullcup na pendant.

Umupo uli ako sa tabi niya at binuksan 'yong box. Nagtaka pa siya pero ngumiti lang ako.

"Nakita ko 'to sa mall, ang cute niya kasi at ikaw ang una kong naisip kaya binili ko na." Inabot ko sa kanya 'yong dog tag.

"Akin 'to?"

"Ay hindi. Para sa akin regalo ko sa sarili ko. Akin na nga!" kukunin ko na sana pero nilayo niya. Ngumiti naman siya at bigla niya akong yinakap.

"Thank you. First time kong makakatanggap ng ganito mula sayo." Hinaplos ko lang ang likod niya at napangiti nalang ako. Konti lang naman ang binigay ko pero sobra niyang naappreciate agad.

"Teka nga pala, ako ang magsosout sayo."

"Ha?" hindi ko siya sinagot at inagaw muli sa kanya 'yong dog tag.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon