Chapter 20-2 Years ago.

217 23 0
                                    

WAY#20-[2 Years ago.]

Third person's POV

Masayang naglalakad si Kevin papunta sa Wilmart High dahil Schoolfair nila ngayon. Kasabay ng okasyon na ito ay ang monthsary nila ng kanyang girlfriend na si Nikka. Masasabi niyang siya ang pinakaswerteng lalaki dahil ang girlfriend niya ay hinahangaan ng karamihan, bukod sa maganda ito, sikat rin ito dahil sa pagiging cheerleader sa school nila. Kaklase niya si Nikka at pareho pa silang 2nd year.

Bitbit ni Kevin ang flowers at gift na binili niya para kay Nikka. Gusto niyang surpresahin ang Girlfriend. Ngunit dahil nga Schoolfair nila, kalat kalat ang mga istudyante kaya nahirapan siyang hanapin si Nikka.

"Ilalagay ko nalang to sa locker niya. Magiiwan nalang ako ng note!" Sabi ni Kevin sa sarili. Gusto niya talagang ibigay yun ng personal pero kanina pa niya tinetxt at tinatawagan ang Girlfriend pero hindi nito sinasagot.

Binuksan niya ang locker ni Nikka. Alam niya ang code dahil madalas na siya ang naglalagay ng mga gamit ng babae sa locker nito. Masaya niyang isinara ang locker matapos ilagay ang bulaklak at regalo doon. Iniisip niya palang ang magiging reaksyon ng girlfriend ay na'eexcite na siya.

Papaalis na siya ng may marinig na ungol na nanggagaling sa likod. Sa dulo ng mga lockers.

"Uhhmp. Raphael!" sinundan niya ang pinanggalingan ng ingay. Umikot siya sa likod kung saan kakaunti lang ang pumupunta doon dahil madilim.

"Gosh you're so Good!" Kinabahan siya ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Nanlumo siya at Napako sa kinatatayuan niya ng makumpirma ang kanyang hinala.

Ang Girlfriend niya ay nakikipag make out kay Rafhael na isang basketball captain sa School nila. Napakuyom siya ng kamao. Galit na galit siya sa nakikita niya. Gusto niyang bugbugin ang lalaki ngunit wala siyang lakas ng loob kaya humakbang nalang siya paatras at naglakad paalis habang nagmumura.

***

Tinawagan agad ni Kevin ang kanyang mga kabarkada upang yayain sa Bar. Gusto niyang maglasing at piliting tanggalin ang nalaman niyang pagtataksil ng Girlfriend niya sa kanya.

"Hanep dre, makati naman pala yang si Nikka eh." komento nang isa niyang kabarkada. Hindi niya kasi naiwasang ikwento sa mga kaibigan niya ang nakita niya kanina.

"One month pa ngalang kayo nagloloko na agad siya! Tsk." Mas lalo siyang naiinis sa katotohanang naririnig niya. Mahigpit narin ang hawak niya sa baso niya. Nilagok niya agad ang alak doon at mas lalong sumakit ang ulo niya.

"Dre, si Raphael yan ah! Sugurin mo na bilis!" tinignan niya ang tinuro ng kabarkada at mas lalo siyang nainis ng makitang pangiti.ngiti pa ito. Hindi na siya nakapagpigil at sinugod niya ito.

"Oh pare! It's nice to see you here!" Sabi nung Raphael pero malakas na suntok ang ginanti niyang pambati sa lalaki.

"Fvck! ang kapal ng mukha mong suntukin ako! Tangna ka!"

*Boogsh*

At suntukan ang naganap sa dalawa. Pareho ng putok ang mga labi dahil sa malakas na suntokan nila at marami ng pumipigil pero hindi parin sila paawat.

"Oh my Gosh what's happening here? What's the use of those fvcking bouncer here in this bar?" At dun lang naglapitan ang mga bouncer dahil sa sigaw ni Nikka na nasaksihan ang nangyayari.

"What's wrong with you Kevin? Look at you! You're totally devasted! You even punch Raphael!! Gosh you suck!"

"So kasama mo pala yang lalaking yan dito? Ako yong Boyfriend mo pero sa kanya ka lumalandi!" Galit na galit na sigaw ni Kevin habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kanya ng dalawang bouncer.

"Gosh didn't I tell you that were already through? Raphael is now my boyfriend! Duh. Kevin youre just a waist of time! Youre too nice! Wala kang thrill! Boring boyfriend!" mas lalong nagalit si Kevin sa narinig niya.

"Ano bang wala sakin na nagustuhan mo sa gagong Raphael na yan ha?"

"Anong wala sayo? Duh. Raphael is a Basketball Captain, famous! unlike you? You're just an ordinary student! He's hot and you're not. Yeah you're somewhat smart but it's not enough! You're not an ideal boyfriend for me!" Dahil sa masasakit na salitang naririnig niya sa babaeng mahal niya ay boung lakas niyang sinipa ang mesa na malapit sa kanya. Basag ang mga baso at bote doon. Bago niya tuluyang lisanin ang bar ay isang malakas na suntok muna ang ginawa niya kay Raphael na ikinabagsak at ikinawalan ng malay nito.

***

"Anong problema mong bata ka ha? Para lang sa babae nagkakaganyan ka?" galit na sabi ng ina ni Kevin ng malaman ang mga ginawa nitong scandalo.

"At pinagsabihan na kitang wag pumunta sa bar pero sinusuway mo parin ako!" Hindi parin sumagot si Kevin at hinayaang mag sermon ang ina niya.

"Nakung bata ka! Dahil sa ginawa mong yan mapipilitan akong ipatransfer ka sa ibang School! Doon kana titira sa Lola mo!" Hindi kumibo si Kevin dahil wala na siyang pakialam kung ano ang gawin sa kanya ng ina niya. Isa pa, gusto narin niyang umalis sa Willmart High dahil ayaw niyang makita ang babaeng nagpaiba sa pagkatao niya.

**

Bagot na nakapila si Kevin para sa pagpapaenrol niya sa St.Mary. Kahit ayaw niya sa School na yun, wala parin siyang magagawa dahil parusa yun sa kanya ng kanyang ina.

Habang nakaupo siya ay may nahagip ang mata niya. Isang simpleng babae ngunit maganda sa paningin niya. May kinakausap itong isa pang babae.

"Hey! Kilala mo ba yong babaeng yun?" Hindi niya napigilang magtanong sa katabi niya sa pila kahit hindi niya iyon kakilala.

"Ah yong naka floral dress ba? Winnie ang pangalan niya! Isa sa mga pride of the School!" Sagot ng katabi niya. Napatango'tango nalang siya at hindi na nagtanong.

Inaamin nya na unang kita niya palang sa babae ay nakuha na agad nito ang atensyon niya.

"Well, mukhang hindi na rin masama na nag transfer ako dito!" sa isip isip ni Kevin.

***

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon