Way[#34]-Relationship Goals
Winnie's PoV
Natapos ang Sembreak at back to normal na naman kami. Hello Schooldays! Hello Assignments! Hello Profs!
Hello Allowance ngalang ang namiss ko! √
At ngayon, naiimbyerna na naman ako sa napakahabang vacant hours ko. Ganito ba talaga pag college? Ang hahaba ng vacant? Haay.
I yawned at nag inat'inat pa.
"Inaantok ka Winnie?" Napatingin ako kay Pao na tiniklop ang librong binabasa niya.
Oo nga pala, balik na sa school si Pao. Irregular ngalang dahil marami na siyang na'miss. Eh kasi naman may pa'transfer-transfer pang nalalaman. Hmp.
Pero mabuti nalang talaga at bumalik na siya kundi wala akong kasama ngayon.
"Malapit na akong makatulog actually. Ang boring eh!" Sabi ko sabay pangalumbaba.
"Hmm.. ganun ba?" Hinawakan niya yung baba niya na parang nag'iisip.
Ba't parang ang gwapo ni Pao sa paningin ko ngayon? Ang cute kasi ng nerd glass na sout niya. Nakataas pa 'yong buhok niya na medyo blonde. Nakapolo pa siya na nakafold hanggang siko niya. Kaya ang cool niya tuloy tignan. Aist!
"Wat if maglaro tayo!?" Napataas ang kilay ko sa biglang suggestion niya.
"Maglaro? Ng ano? Andito kaya tayo sa library. Walang pwedeng laruin." I said.
"Itong libro oh!" Turo niya sa isang story book. Teka wag mong sabihing magpupunit kami?
"Ganito 'yong mechanics, ako sa kaliwang page, ikaw ang sa kanan. Kung sino ang may pinaka maraming tao na nasa page, siya 'yong panalo!"
"Waah! Sige! Mahilig kaming maglaro niyan nung bata pa ako!" Tuwang'tuwa kong sabi. Na'miss ko 'yun.
"Ganun ba? Eh parehos pala tayo eh!" Nakangiting sabi ni Pao.
"Pero anong gagawin pag matalo?" Dagdag niya.
"Ano ba? Ahm, Gusto ko sampal sa pisngi tas lalagyan ng lipstick sa mukha!" Sabi ko.
"Parang hindi ko naman kayang sampalin ka! Wag 'yun! Ahm, Kiss nalang pwede?"
"W-What? Ayoko nga!!" Napaiwas ako ng tingin dahil nakangiti siya.
"Sa pisngi lang naman eh!"
"Ayoko! Baka kung anong sabihin nung mga makakita!"
"Ako naman ang hahalik eh! So parang ang labas, ninakawan lang kita. Sige na Winnie! Pag ikaw naman ang nanalo, sampal at lipstick naman ang abot ko eh!" I rolled my eyes. Likas na makulit talaga ang lalaking 'to.
"Fine! Ang kulit mo! As if naman manalo ka!"
"Let's see.." he said ang grinned.
Binuksan na niya 'yong libro at nilipat sa first page. Nasa introduction. Ililipat na sana niya sa kasunod ng pigilan ko siya.
"Ops! Ops! May picture ng author oh! Nasa page ko! Sayo wala! Panalo ako! Hihi." Napakamot siya sa ulo niya kaya ni'ready ko ang kamay ko at sinampal ko siya sa pisngi sabay sabi ng 'akin lang ang asawa ko nicole'. Hahaha. Ang dami kong tawa nung hindi na mapinta 'yong mukha ni Pao.
"Araay! Ang lakas nun! Ganun mo talaga ako ka'mahal nu?" Tinawanan ko lang siya at nilagyan ko na ng lipstick 'yong mukha niya. Hihihi.
Naka'ilang page na kami at puro ako ang nananalo. Buti nalang nasa kanan ako! Namumula na nga 'yong pisngi ni Pao at madami ng lipstick sa mukha niya. Haha.
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romansa"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...