WAY[#34]-Getting to know him.
Winnie's PoV
Andito kami ngayon sa bahay ni Pao na dinaig pa ang laki ng bahay namin. Sabi ko na mayaman to eh. Pero hindi 'yun ang isyu dahil ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang nakakahiya. Ilang beses akong tumanggi na pumunta dito pero nag pumilit talaga siyang ipakilala ako sa Mommy niya.
Mapupunit na rin ang labi ko sa kakangiti dahil kanina pa nakatitig ang Mommy ni Pao sakin. Magkaharap kasi kami ng inuupuan.
"Mmy you're scaring my girlfriend! Kanina nyo pa siya tinitigtan kulang nalang kainin niyo." Saway ni Pao pero hindi natinag ang mommy niya. Nakatingin parin ito sakin at nakangiti.
"Anak naman! Masayang masaya lang ako dahil may girlfriend kana! At ang ganda pa!" masiglang sabi ng mommy ni Pao habang hindi parin hinihiwalay ang tingin sakin. Nakangiti lang rin ako sa kanya. At nakakangawit na sobra.
"Aist naman! Mmy ikuha mo lang muna kami ng juice. Baka nauuhaw na si Winnie."
"Nagpakuha na ako sa maid." Sagot ng mommy niya.
"Eh gusto ko kayo ang gumawa! Ang sarap niyo kayang magtimpla. Please?" At nag puppy eyes pa si Pao sa mommy niya kaya natawa tuloy ako.
"Oh sige na nga! Naku pag ginagamitan mo talaga ako ng ganyang tingin hindi kita matiis!" sagot ng mommy niya saka tumayo. Pero bigla uli siyang lumingon samin, partikularly sakin. "Hija ginamitan ka rin ba niya nang ganung tingin kaya mo siya sinagot?"
"Ma!!!" Saway ni Pao.
"Sabi ko nga kukuha na ng juice." Sabi nito at dali'daling naglakad paalis. Natawa nalang ako.
"Pasensya na kay mommy." Sabi ni Pao na napakamot pa sa ulo niya.
"Ok lang nu! Ang saya niyo ngang tignan eh. Mama's boy ka rin pala anu?" I said then giggled.
"Tsk. Medyo lang nu." Sagot ni Pao.
"Anong medyo? Sobrang mama's boy mo kaya." Sabay kaming napalingon ni Pao sa nagsalita.
"Ma!? Ano pang ginagawa mo dito? Sumasali ka naman sa usapan eh. Magtimpla ka na sa kitchen please?" May paglalambing na may halong inis na sabi ni Pao.
"Hehe sorry anak, wala na pala tayong juice. Bumili ka muna sa 7eleven!"
"Ano? Kakagrocery niyo lang kahapon tas wala na?" Sagot ni Pao na puno ng pagtataka. Napatawa nalang ang mommy niya.
"Eh baka kinain ng pusa."
"Mmy hindi kumakain ng powdered juice ang pusa." Poker face na sabi ni Pao at natatawa nalang talaga ako sa kanila. Ang kulit nilang mag ina. Dinaig kami ni Mommy.
"Basta bumilii ka na dun! Dali na at baka nauuhaw na si Winnie!" Sabi nito at pinagtulakan si Pao. Tumingin pa sakin si pao na parang nagtatanong na ok lang bang iwan niya muna ako, kaya nag nod naman ako agad habang nakangiti.
"Babalik ako agad." Paalam niya at ngumiti lang ako habang sinusundan ko siya ng tingin palabas.
"Hay salamat! Masosolo na rin kita hija." Napalingon ako sa mommy ni Pao at umupo siya sa tabi ko. Ngumiti siya sakin ng malawak. Ang bait sobra.
"Ahm pasensya na po kung naka'abala po ako ngayon dito Mrs.Hernandez."
"Ay jusko hija scratch that Mrs. Hernandez! Mommy Pearl nalang ang itawag mo sakin. tutal future daughter in-law na naman kita e." Napahagikhik si Tita Pearl at ganun din ako. Nakakahiya namang mag mommy kaya Tita lang muna ang itatawag ko. Hindi naman ako katulad ni Pao na walanghiya at ang lakas maka'mommy sa ina ko.
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romans"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...