WAY[#33.2]
Winnie's PoV
Kulang nalang ay matunaw ako dahil kanina pa nakatingin si Pao sakin. Hindi rin tuloy ako makakain dahil nakakailang.
Ba't ba siya nakatingin? Ba't hindi niya atupagin ang date niya? Iniwan niya ba porket maganda ako ngayon? Hmp!
"Winnie, let's have a dance?" Napatingin ako kay Jay na inaabot na ang kamay niya sakin. Napatingin uli ako kay Pao at naging masama ang aura niya. Nagseselos ba siya? Buti nga sa kanya!
"Okay." Sabi ko at inabot ang kamay niya. Pumunta kami sa dance floor at nagsayaw.
Tinignan ko uli ang kinaroroonan ni Pao at nainis ako nung may niyaya siyang isayaw. At pumwesto pa talaga sila malapit samin. Ang sarap talagang sapatosin ni Pao.
"Ahm winnie?" Bored akong napatingin kay Jay. "May gusto sana akong sabihin." Dugtong niya.
"Ano 'yun?"
"Pwede ba akong--Aray!" napatingin ako sa dalawang pares na haros angkinin ang dance floor o talagang sinasadya lang talaga ni Pao na banggain si Jay.
"I think kaylangan na nating umupo. Meron kasing iba dyan na haros angkinin ang dance floor." Sabi ko at naunang maglakad sa table namin.
Nakakabuyset! Dahil sa inis ko, naglakad ako palabas ng venue. Uuwi na ngalang ako. Hindi naman pala magandang ideya na pumunta pa ako dito.
Nakapara na ako ng taxi nung may humablot sa kamay ko. Nung lingonin ko ay mas lalo akong na badtrip.
"Manong pasensya na hindi po siya sasakay." Sabi ni Pao sa taxi driver at umandar 'yun paalis.
"Ba't mo ba pinaalis? Uuwi na dapat ako nun eh!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ka uuwi hangga't hindi tayo nag uusap!" Kalmado niyang sabi habang nakatingin siya sakin ng seryuso.
Ang gwapo naman niya ngayon! Bagay talaga sa kanya 'yong puting suit na sout niya hindi katulad ng iba na nakasout rin ng white suit na nagmumukhang tagasundo na galing sa langit. Sa kanya ang cool tignan. Wait? Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Bat bigla kong inobserbahan ang looks niya ngayon? Psh.
"W-Wala tayong dapat pag usapan." Sabi ko at nag iwas ng tingin. "Uuwi na nga ako!" At pilit kong tinatanggal ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"Hindi! Sa kotse ka sasakay." Sabi niya at tinulak'tulak ako.
"Ano ba Pao! Ayoko nga sabi!" At tinutulak ko rin siya pabalik. Mukha kaming tanga sa totoo lang. San ka nakakita ng dalawang naka formal attire na parang batang nagtutulakan sa kalye?
"Winnie naman eh! Kaylangan nating mag'usap dahil merom tayong misunderstanding."
"Misunderstanding mong mukha mo!" Sabi ko at umerap sa kanya. He looks frustrated. At natatawa ako dahil naiinis na siya.
"Kung ayaw mong makuha sa madaling usapan, idadaan kita sa pilitan." Sabi niya at nagitla ako nung buhatin niya ako. At ang sweet dahil buhat sako!
"Pao!! Ibaba mo ako!" Sigaw ko at pinaghahampas ko siya sa likod. Hindi siya natinag at nadala niya ako sa kotse niya.
"Winnie please listen to me." He said ang sighed. Sige na nga titigil na ako sa pag iinarte.
"Yong sinabi sayo kanina ni Mike, hindi totoo 'yun." Napa'irap ako. Ah so magdedeny pa siya?
"Hindi ko date 'yun."
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romance"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...