WAY#27-[Healing Hearts]
Pagkauwi ko sa bahay. Sinalubong ako ni Mommy na halatang nag alala kung saan ako nanggaling. Pero hindi ako nag aksayang magpaliwanag at nilampasan ko lang siya at umakyat na ako sa kwarto.
Pagkasarang'pagkasara ng pinto. Nagsimula akong magbasag ng gamit. Ang picture frame na may larawan namin ni Kevin ay inihagis ko sa dingding. Ang teddy bear na nasa kama ko ay tinusok'tusok ko gamit ang gunting. Nagkasugat pa nga ang kamay ko pero hindi ko ininda ang sakit. Mas masakit kasi ang sugat na nasa puso ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit nagawa sakin to ni Kevin? Mahal na Mahal ko siya. Binigay ko ang lahat ng tiwala ko sa kanya pero sinira niya lang.
"UHRG!!" Binato ko ng figurines ang flatscreen tv. Basag.
"Oh my God! What's happening with you Winnie!?" Gulat na sabi ni Mommy na kakapasok lang ng kwarto dala ang spare key.
"Leave me alone Mom!!" Sigaw ko kay Mommy at nagtalukbong ako ng kumot. Hanggang kelan ba mauubos ang tubig sa mata ko?
"What's wrong with you ha? Ba't ka nagkakaganyan? Ba't ka nagbabasag!?" Hinablot niya ang braso ko dahilan para mapa'upo ako sa kama.
"Wala kanang pakialam dun Mom!!"
*slaaap*
Mas lalo akong napahagulhul nung sampalin ako ni Mommy.
"You deserve that slap! Hindi dahil hindi kita mahal kundi dahil kaylangan mo 'yun! Nang magising ka at marealize mong mali na 'yang ginagawa mo! For Pete's sake Winnie, I'm your Mom! How can you say na wala akong pakialam!?" Hindi ako nakasagot at patuloy lang ako sa pag iyak. Ano ba 'tong nangyayari sakin? Pati kay Mommy nawawalan na ako ng respeto.
"M-Mommy.. I'm Sorry. Hindi ko sinasadya." Napabuntong hininga si Mommy at bigla nya akong yinakap.
"And this hug, you also need this. Ng marealize mong hindi ka nag iisa. Maraming nagmamahal sa'yo Baby. Andito ako! Ang daddy mo na kahit nasa malayo ay mahal na mahal ka nun. 'Yong mga kaibigan mo! Hindi ko alam ang problema mo but don't act this way. Don't make yourself down! Mas lalo kang mahihirapan nyan." Totoo ngang Mother's knows best. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Naramdaman kong mahal na mahal niya ako. May tumulo na namang luha sa mata ko. Pero hindi na dahil sa galit na nasa puso ko kundi dahil sa gratitude that God gave me the best Mom.
"Take a rest now Baby! Wag kanang umiyak! Kung ano man 'yang problema mo, always keep in your mind that everything will be alright soon okay?" At pinunasan ni Mommy ang mga luha ko. She guided me to lay on my bed and she kissed my forehead.
Sana nga Mom. Sana nga paggising ko bukas ay maayos na ang lahat.
**
Morning,
Kahit masama ang pakiramdam ko, pinilit ko paring bumangon at pumasok sa School. Ayokong bigyan uli ng sakit ng ulo si Mommy kaya pumasok nalang ako imbes na magkulong sa kwarto at mag iiyak. Isa pa, pagod na ako. Feeling ko nga ay anytime, dugo na ang lalabas sa mata ko dahil sa kaka'iyak.
At dahil tinanghali ako ng gising, alam kong 2nd class na namin ngayon. Hindi ako nakapasok sa PE class namin.
"Grabe! Ang ganda pa naman niyang babae. Kaso nagpabuntis agad!"
"Oo nga eh! Kaya pala nahilo siya sa field kanina!"
"Business'Ad ang course nya diba? Sayang sira agad ang kinabukasan. Batang ina! Tsk."
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romansa"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...