WAY[#36]-Strong hold
Winnie's PoV
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.
"Ahrg!" Ibinato ko sa kama 'yong cellphone ko dahil sa inis. Naiiyak na'ko. Pang ilang contact ko na ba 'yun kay Pao pero puro ganun lang ang naririnig ko!
Wala pa namang pasok ngayon kaya hindi kame magkikita. Kagabe pa nga ako hindi mapakali. Wala ba talaga siyang planong kausapin ako? Haay.
Naglakad ako papuntang veranda at hinawi ko 'yong curtains. Tumingin ako sa baba hoping na makita ko si Pao. Pero nadismaya lang ako nung hindi ko manlang makita ang kotse niya. Nakakainis. Kung kaylan gusto ko siyang pumunta dito saka pa siya hindi nagpapakita!
Teka? Ba't hindi na lang ako ang pumunta sa bahay nila? Tama! Tutal gusto rin naman ni Tita na bumalik ako dun.
Nagpalit lang ako ng maayos na damit at bumaba na ako ng kwarto. Nag'iwan muna ako ng sticky note sa fridge na nagsasabing na kayna Pao lang ako. para pag uwi ni Mommy hindi siya mag'alala.
Nagpara na rin ako ng taxi at sinabi ang village nila Pao.
Huminga ako ng malalim nung nasa harap na ako ng malaking bahay nila Pao. Sana naman kausapin ako ng mokong na 'yun kundi sisipain ko siya kung masayang ang effort kong pumunta dito.
"Ahm hello po!" Bati ko sa guard na nakabantay sa malaking gate.
"Uy ma'am! Kayo 'yong girlfriend ni sir Paolo nu?" Nakangiting sabi ni kuya guard at tumango nalang ako habang pilit na ngumingiti.
"Naku pasok kayo ma'am!" At binuksan niya 'yong gate at 'yong kaninang pilit na ngiti ko ay naging totoo. Nagpasalamat lang ako kay kuya guard at pumasok na rin ako.
"Hija?" Napalingon ako sa likod at nakita ko si Tita na nakasout pang hardinera. Ngumiti ako agad.
"Mabuti naman at napabisita ka! Halika pasok." At tinanggal ni Tita 'yong gloves na sout niya at iginiya ako papasok. "Naku pasensya na at ang rumi ko. Inayos ko kasi ang garden."
"Kayo lang ho mag'isa?" Tanong ko. Andami naman nilang katulong eh.
"Ay hindi naman, nagpapatulong din ako kay Aling meling. Gusto ko kasi ako ang nagpapaganda ng garden namin. Anyway, gusto mo ba ng juice hija?" Tanong ni Tita na agad ko namang tinanggihan.
"Naku po tita wag na. Hindi naman ako nauuhaw." Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil ang bait'bait ni Tita sakin. Tapos sinasaktan ko pa ang anak niya. Siguro hindi niya alam ang nangyari samin ni Pao. Akala ko ikekwento niya dahil malapit si Pao sa mommy niya.
"A-Ahm tita, asan nga po pala si Pao?"
"Ay naku hija nagpapasalamat din ako na pumunta ka dito! Andun si Pao sa kwarto niya! Magtatanghali na pero tulog pa rin. Hindi pa din kumakain. Akyatin mo nga at baka sumunod 'yun sayo." Sabi ni Tita at napatango naman agad ako.
"Sige po kakausapin ko." At sinamahan ako ni Tita sa taas dahil hindi ko alam ang kwarto ni Pao.
Agad naman akong kumatok pero wala akong naririnig sa loob.
"Anak, andito si Winnie! Buksan mo 'yong pinto." Sabi ni Tita pero wala paring sumasagot.
"Pao?" Kumatok ako pero wala paring nagbubukas. Nagkatinginan kami ni Tita.
May kinapa siya sa bulsa niya at may nilabas na susi. Spare key ata 'yun ng kwarto ni Pao.
"Ikaw na ang magbukas hija! Hindi naman siya magagalit kung ikaw." Nag nod ako kay Tita at binuksan ko na 'yong pinto. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng kwarto na parang pabango ni Pao.
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romance"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...