Chapter 11-Sweetest Revenge

220 26 3
                                    

WAY#11-[Sweetest Revenge]

Winnie's POV

Oh Yeah! Andami naming kinita! Panu ba naman? Yong mga bakla kanina, nagtawag pa nang whole federation nila! At ayun, bumili rin sila! Ang swerte talaga ng mascot ko! Haha. At asan na ang Mascot ko? Ayun nasa Cr, bz sa kakatanggal ng lipstick sa pagmumukha niya! Hahaha Poor Pao! Napatigil naman ako sa kakatawa dahil kinatok ako ni Mommy sa kwarto. Naku panira ng moment lol.

 "Baby wag ka ngang mag kulong diyan! Alam mo namang may bisita ka eh! Pahiramin mo siya ng towel mo dali!" sabi ni Mommy. Kumuha naman ako ng isang towel sa Closet ko at binuksan ko yong pinto ng kwarto.

 "Ano bang ginawa niyo ni Mr.Pogi at madami ang lipstick nun sa mukha?"

 "Hahaha. Pfft wala!" Hindi ko parin mapigilang matawa kasi naman pag naaalala ko yong mukha ni Pao kanina habang hinahalikan siya sa pisngi ng mga bakla. para siyang matatae na ewan. Priceless!

 "Uy. tumatawa kalang diyan ah? Naku anak bawal ang two wives!"

 "Two wives ka diyan? Ewan ko sayo Mommy! Iba na naman ang iniisip mo!" napatawa lang siya. "Aist. Asan naba si Pao?" dagdag ko.

 "Hm, Nasa sala siya!" sagot ni Mommy at pumunta naman ako dun. nandun nga siya at nanonood ng Tv.

 "Wow feel at home!" sabi ko at napatingin naman siya sakin. Binato ko sa kanya yong towel at pinunas naman niya sa mukha niya.

 "Ang tagal mo kasing bumaba eh! Thanks pala dito sa towel! May konting concern karin naman pala eh!"

 "Haha konti lang! Actually hindi nga kita pahihiramin niyan kong hindi lang sinabi ni Mommy eh!" Natatawa kong sabi.

 "Psh. Ang sam mo talaga Winnie!" 

 "I know right!" sabi ko at bumelat sa kanya. Nag pout lang siya pero hindi na nagsalita dahil nagpunas na siya uli.

Nanood nalang ako ng TV. Pero ano ba yang palabas? bat pang alien yong language? Hindi ko maintindihan eh! Malipat nga! pero kainis asan naba yong remote?

 "Hoy Pao yong remote?"

 "Aba Malay ko! Yong Mommy mo yong nagpili ng channel na yan eh!" sabi niya. Ah kaya pala pang Alien yong language kasi si Mommy yong pumili. Abnoy din talaga! Sa screen ko na nga lang ililipat. 

Isang pindot nalang sana para sa Cinema one pero.. ajkldshnckdp!! 

 "WAAHH!! BUTIKI!!!" napatakbo ako pabalik sa sofa. BAKIT MAY BUTIKI DON? eh sinabi ko na kay Mommy na ipahuli kay Daddy yong lahat ng butiki dito sa bahay pero agjklsnjhwa! Bakit meron pa? Huhu.

 "Teka, takot ka sa butiki?" tanong ni Pao. Napa'nod naman ako ng isang libong beses! OA? May phobia kasi ako diyan eh!

Nakita ko siyang lumapit dun sa may TV. Kukunin niya ata yong butiki.

 "Sige Pao! itapon mo ha?? Salamat talaga!" kinuha nga niya yong butiki at unti'unting..

 "H-Hoy! Hoy!! PAO!! WAAHH!! WAAGG!!" nilalapit niya kasi sakin. Hindi ko na napigilan kaya napatakbo ako. At lecheng manok! Inaasar ba ako nito? hinahabol kasi ako eh!!

At ayun, nagpaikot'ikot na kami sa Sala!! Langya.

 "KYAAAH!! ISUSUMBONG TALAGA KITA KAY MOMMY!!!"

 "HAHAHAHA!!!" 

 "PAO TUMIGIL KANA!! SASAPAKIN TALAGA KITA MAMAYA!!!"

 "HAHAHAHA!!!"

 "MOMMY!!! DADDY!!!"

 "HAHAHAHA!!!"

 "PAO ISAAAA!!!!"

 "DALAWA!! HAHAHA!!"

 "PAO!!! TAMA NA!! huhu.. *sniff* *sob*" napa'upo ako sa sahig at yinakap ko yong kamay ko sa tuhod ko. Ayaw niya kasi tumigil sa pang aasar eh!! nakakapagod kaya tumakbo!

 "Hala? Umiiyak ka??"

 "AY HINDI!! Tumatawa ako grabe ang saya!" Napasinghot ako.

 "Uy sorry! Joke ko lang naman yun eh! oh ayan itatapon ko na!!" sabi niya at tinapon nga niya sa bintana. Hinawakan niya naman yong dalawa kong wrist para makatayo ako. 

 "Ewan ko sayo!" sabi ko at tinanggal ko yong kamay niya sa wrist ko.

 "Sorry na talaga little sis!" sabi niya at yinakap niya ako. Hinagod niya yong likod ko.

 "Little sis mo mukha mo! anong akala mo sakin bata?"

 "Eh para ka kasing bata eh! para akong nagpapatahan ng nakababata kong kapatid na umiiyak!" 

 "Eh ikaw naman kasi ang dahilan kong ba't ako umiiyak eh! Inaasar mo ako!"

 "Haha ganti ko lang naman yun sa ginawa mo kanina eh!"

 "Ah ganun? Kaya pala!" at hinampas ko siya ng malakas sa braso, pero langya ako parin ang nasaktan! bakal ata yong braso niya eh!

 "Haha ang cute mo Winnie!" Natatawa niyang sabi.

 "Ano?"

 "Haha. Ang ibig kong sabihin, parang ang cute mong gawing little sis! isip bata ka kasi!"

 "Ako? Isip bata? Mas lalo ka naman nu!" at inerapan ko siya at pinunasan ko na yong mga luha ko. Umupo nalang ako sa sofa at ginaya niya ako. Unconsciously, napatingin ako sa wall clock. At dun ko lang narealize na gabi na pala at nandito pa ang mokong nato!

 "Hoy wala kabang planong umuwi? feeling mo naman bahay mo to!"

 "Hala oo nga nu!" napakamot siya sa batok niya. "Sige pala magpapa'alam lang ako sa Mommy mo!"

 "Naku wag na! baka yayain ka pa niya na maghapunan dito nu!"

 "Edi mabuti yun!"

 "Cheh! Ayoko! May atraso ka pa nga eh! Uwi kana! Chupe!" at tinulak tulak ko siya sa pinto.

 "Oo na wag mo na akong tulakin! lalabas naman ako eh! Sige, bye little Sis!"

 "Eww. Little Sis? Duh."

 "Sabihin mo munang 'Bye Kuya!"

 "Ayoko nga!"

 "Bahala ka hindi ako uuwi pag hindi mo yun sinabi!"

 "Psh oo na! Bye Kuya! *rolled eyes*" ngumiti lang siya at sa wakas lumabas narin ng pinto. Sinigurado ko muna na nakalabas siya sa gate bago ko sarhan 'yun. 

Nung nakaalis na siya, nakahinga naman ako ng maluwag. Kainis talaga yong si Pao. Nakakastress siya! Dadami ang wringkles ko sakanya eh! Naku Makapag hapunan na nga!

**

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon