Epilogue

245 21 4
                                    

Epilogue

Forever?

Meron nga ba nun?

Kasi nung nainlove ako noon, sobra ang paniniwala ko na meron talaga nun.

Pero nung nasaktan ako, nakalimutan ko bigla ang kahulugan ng salitang 'yun.

Para bang akala ko perpekto na ang lahat, pero sa isang iglap, hindi pa pala.

Kaya sobrang natakot akong magmahal uli.. Natakot na baka masaktan uli..

Pero sabi nga nila, Kung may nawawala may dumarating.

Maaaring nilisan ka nila sa masakit na paraan pero may darating paring tao na iibsan ang lahat ng sakit.

Ang taong patutunayan sayong hindi lahat ng tao sasaktan ka, kundi mamahalin ka din.

Ang taong tanggap ka at mamahalin ka kahit ano kapa.

At ang taong patutunayan niyang siya ang karapatdapat sayo at hindi ang iba.

At masasabi mo nalang sa sarili mo na lahat ng sakit na naramdaman ng puso mo mula sa mga taong nanakit sayo, ay nagsilbing leksyon lang at nagpatatag pa sayo.

Masasabi mong worth it lahat ng sakit na naramdamam mo kung makilala mo na ang para sayo.

Kaya sobrang nagsisisi ako nung nagpaka'miserable ako dahil lang niloko ako. Hindi yun dapat naging dahilan para sirain ang buhay ko.

Masakit? Oo sobra. pero gaya nga ng sinabi ng taong importante sakin, na damdamin lang ang masakit satin, hindi katulad ng iba na may literal na karamdaman. Gusto nilang madugtungan ang buhay nila kaya sobrang swerte natin.

Dapat pahalagahan natin ang buhay na meron tayo at wag nating sayangin. Dahil ang masakit na nararamdaman ay panandalian lang. mawawala ito at maghihilom din.

Kaya sobrang pasasalamat ko na kahit anong mangyari, hindi niya ako iniwan. nanatili siya sa side ko.

Nagpapasalanat ako sa diyos na siya ang binigay sakin ng Diyos.

Isang lalaking ubod ng kulit at nakuha akong pagtiisan, kahit ang sama ng ugali ko sa kanya at parati ko siyang sinusungitan, iniintindi niya parin ako.

Ang lalaking kaylan man ay nagbibigay ng ngiti sa mga labi ko.

Kaya ang akala kong sarado ng puso ay mabubuksan pa pala.

Ang puso kong akala ko ay hindi na sasaya pero mas sumaya pa pala.

Ang puso kong akala kong manhid na ay pipintig pa pala.

At lahat ng 'yun ay dahil sakanya..

"Happy 4th Anniversay Love!" napatigil ako sa pag-iisip dahil biglang may humalik sa pisngi ko.

Boses palang, alam kong siya 'to.

Si Paolo Hernandez. ang lalaking minahal ako ng totoo.

Ngumiti ako sa kanya at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Ba't mukang malalim ang iniisip mo? may problema ba?" tanong niya at agad akong umiling.

"Wala lang. Iniisip ko lang kong gaano ako kaswerte sayo." I said and I heard him chuckled.

"Sus 'yun lang pala eh. maliit na bagay." sabi niya at natawa.

"Siyanga pala, may pupuntahan tayo ngayon. Ipinagpaalam na kita sa Mommy mo."

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon