Chapter 28-Ready to Save you.

218 23 0
                                    

WAY#28-[Ready to Save you.]

Winnie's POV

Napamulat ako ng mata nung damampi sa mukha ko ang sinag ng araw. Nahayaan ko palang nakabukas ang kurtina sa veranda kagabe. Tumingin ako sa orasan na na nasa sidetable ko, at napa'upo ako nung 8:15am na ang oras.

Patay malelate ako nito! May long quiz pa naman kami sa first subject. Gosh ba't ngayon lang ako nagising?

Tumakbo agad ako sa Cr at naligo. Pagkababa ko, nagtanong pa si Mommy kung ba't nalate ako ng gising.

"Ba't naman kashi hindi nyo ako ginishing. May quizh pa naman kami sha firsht shubject." Sabi ko habang kagat'kagat ang pandesal at the same time, binabatones ang sout kong damit.

"Ah hehe. Kakagising ko lang din eh." Napa'face falm nalang ako sa sagot niya. Tume'teen ager 'tong si Mommy.

*knocks on the door*

Binuksan ni Mommy 'yong pinto at bumungad ang mukha ni Pao.

"Hoy ano na naman ang ginagawa mo dito!?"

"Diba sabi ko sayo kagabe na ihahatid kita sa school ngayon." Ngiting'ngiti nyang sabi. Aangal pa sana ako pero nagsalita si Mommy.

"Ay sakto Pao at malelate na 'tong si Winnie! Halika pasok. At kunting hintay kalang muna sa kanya ha?" Sabi ni Mommy na agad namang sinunod ni Pao at naupo sa couch.

"Opo naman tita. Hihintayin ko talaga si Winnie." Sagot niya sabay baling ng tingin sakin with matching malawak na ngiti. Hindi nalang ako sumagot dahil Waah! Malelate na talaga ako!

Kinuha ko 'yong rubber shoes ko at sinout 'yun habang nagsusuklay. Aist ang hirap mag multi-tasking.

"Uy mas mahihirapan kang isintas 'yan kung hindi ka uupo dito!" Biglang sabi ni Pao at pinat niya yong space na nasa tabi niya. Wala akong nagawa dahil hinila nya ako.

Habang sinisintas ko 'yong rubber shoes ko ay biglang kinuha ni Pao 'yong suklay na nakabuhol sa buhok ko.

"Hoy anong ginagawa mo!?"

"Sinusukluyan ka para hindi kana mahirapan!"

"Ako na! May kamay ako!" Pilit kong kinukaha 'yong suklay sa kanya pero nilalayo niya.

"Sige ka mag'agawan pa tayo ng malate tayong dalawa." Napairap nalang ako at bumalik nalang sa pagsisintas, habang siya enjoy na enjoy sa pagsusuklay sa buhok ko. Bakla ata 'to eh.

"Ang sweet naman!" Komento ni Mommy habang nakatingin saming dalawa.

"Tss." Inagaw ko na kay Pao 'yong suklay nung matapos na akong mag sintas. Kinuha ko na 'yong bag ko at nagkiss muna sa cheeks ni Mommy bago lumabas.

"Bye Tita!" Paalam ni Pao kay Mommy.

"Bye hijo! Ingat kayo." Masigla namang sagot ni Mommy. Hay naku, dapat talaga sila nalang ang naging mag ina.

Sumakay kami sa kotse ni Pao at hindi ko siya inimik hanggang nakarating na kami sa School. At lintek lang dahil nag start na ang quiz nung makarating kami sa Room. Na'rattle tuloy ako. Mabuti nalang at madali lang 'yong quiz kaya bawing'bawi ako sa Score kahit 10 items ang na'miss ko.

**

Nung uwian ay sabay na naman kami ni Pao. Ewan ko ba sa lalaking 'to at masyadong lapit ng lapit sakin. Siya nga ang nagdadala ng mga gamit ko eh. Tapos pag nagpapabili ako ng kung ano'ano, binibili nya agad ng walang reklamo. Haay. Siguro ginagawa nya 'to para madistruct ako at hindi na mag isip sa walanghiyang lalaking 'yun.

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon