Chapter 7-Epic Fail

214 33 3
                                    

WAY#7-[Epic Fail]

Paolo's POV

 "Son ito yong bago mong polo sleeves! Ito yong soutin mo sa party ha?" sabi ni Mom habang may hawak na damit na ngayon ko lang nakita.

 "Mom naman! bumili pa talaga kayo! eh andami ko namang damit na pwede pang isout!" 

 "Hay naku anak! pabayaan mo na ang mommy mo! minsan ka lang makipag socialize kaya kaylangang presentable ka! Bababa na ako okay? tawagin mo nalang ako kung kaylangan mo ako!" at lumabas na siya sa kwarto ko. *sighed* si Mom talaga! Sinout ko nalang yong binili niya para hindi na kami magtalo.

Pupunta pala ako sa party ni Alexa. hindi ko alam kung bakit niya ako ininvite eh hindi naman kami parehu nang course. Siguro dahil pareho kaming sa Hillson academy nag graduate ng highschool. And I didn't refuse her invitation dahil gusto ko rin maranasan ang ganun. Actually first time kong umattend ng party! yeah! lame right? Hindi kasi ako masyadong lumalakwatsa noong nag u'undergo pa ako sa surgery. Ngayon lang talaga!

Matapos kung magbihis, bumaba na ako. Pinayagan naman ako ni Mommy na gamitin ang kotse kaya 'yun ang ginamit ko papunta sa bahay nila Alexa.

Nasa labas na ako ng bahay nila at maraming men in black. Papasok na sana ako pero hinarangan nila ako.

 "Sir, family name?" sabi nung isa.

 "Ba't ko sasabihin sayo? kidnapper ka nu?" lalagpasan ko na sana sila pero hinawakan nila yong braso ko. Kainis.

 "Anuba?? hindi ko dala yong credit card ko kaya hindi ko kayo mababayaran ng ransom! Pwede bukas nalang kayo humingi!?"

 "Sir hindi pa po kayo pwedeng pumasok!"

 "Bakit ba?" langya ganito ba yong mga party!? Kainis naman! hindi nalang sana ako pumunta!

 "Pao! Bro andito ka na pala!" napatingin ako sa nagsalita. si Mike pala.

 "Ba't hindi kapa pumapasok?"

 "Ito kasing mga kidnapper! humihingi ng ransom!" sabi ko.

 "Ano?" napatingin si Mike dun sa mga kidnapper.

 "Eh sir hindi po! tinatanong lang naman namin yong family name niya pero pinagkamalan niya kaming kidnapper!" paliwanag ng isa.

 "Pfft. haha! Epic ka talaga pare! Tinatanong lang nila yong family name mo para tignan sa guest list nila! at hindi sila kidnapper! guard sila! Pfft. Halika na nga! Haha!"

 "Aba tinatawanan mo na ako Mike?" Poker face kong sabi.

 "Hindi naman! hehe! Pasensya na kayo dito mga boss! Hernando yong family name nya! siguradong nandiyan yan!" sabi ni Mike sa mga Guards 'kuno'.

Sa wakas pinapasok na rin ako. Napadpad kami sa pool area ng bahay. Hmm, Malaki rin ang bahay nitong si Alexa. at madami ring bisita. yong ilan naliligo sa pool.

 "Pare ba't hindi mo sinabing pool party pala to? tignan mo yong sarili ko, balot na balot!" siniko ko si Mike kasi nagliliwanag lang ang mga mata sa mga babaeng nakikita niya.

 "Ha? Ah Haha! edi mabuti yun! unique ka pre!" sabi niya lang. Lintek naman to! Hindi matinong kausap.

 "Sige pare! enjoy ka muna diyan! magpapaka enjoy lang muna ako ha?" sabi niya at lumapit sa mga babae. Tss. now what? Anong gagawin ko ngayon?

**

Winnie's POV

Sinundo ako ni Babe para pumunta sa party. Nakalimutan ko pa nga yun eh! Nung magtext siya na papunta na siya sa bahay, dun ko lang naalala na pupunta pala kami sa party ng kaklase niya. At ayun, kung anu yong nahawakan kong damit, yun na 'yong sinout ko. Sa pagkamalas'malas kanina, nawawala yong mga flat sandals ko kaya napilitan tuloy akong mag heels. kainis! ang sakit tuloy sa paa.

Nung nasa gate na kami ng bahay, may mga guards na nagtanong kung anu 'yong family name namin, syempre Villaruel lang yong sinabi namin at sinabi ni Kevin na kapatid niya ako para makalusot kami. Galing magpalusot ng boyfriend ko nu? Atleast nakapasok kaming dalawa.

May mga caterer na nagsabi na sa pool area daw ang venue, at shock ako dahil yong iba, nakaswimsuit. yong lalake, naka beach shorts or swimming trunks. Shocks kakahiya yong sout namin! ako nakabestida na pink with high heels habang si Kevin naman nakapolo shirt at pants. Bat naman kasi hindi nagtanong si Kevin! pinagtitinginan na tuloy kami.

 "Pare mabuti nama't nandito kana!" sabi nung hindi ko kilalang lalake at nag buddy hand gestures sila.

 "Magpalit kana ng pang swimming mo brad!" sabi rin ng isa pang lalake.

 "Ah wala akong dala! hindi niyo naman kasi sinabi na pool party pala to eh!" sabi ni Kevin. teka parang OP ako nito ah?

 "Ganun? Hindi ba namin sinabi yun? ah hayaan mo na! sasabihan nalang namin si Alexa! siguradong handa 'yun para sayo!"

 "Ehem!!" tumikhim na ako para naman mahalata ni Kevin na andito pa ako.

 "Ay pare! Si Winnie nga pala! Girlfriend ko!"

 "WHAT??" over makareact 'tong dalawa! bakit? maganda naman ako ah!

 "Ba't ganyan kayo makareact?" sabi ko. Aba mataray na kung mataray! eh sa nakakaoffend sila eh! Tch.

 "Ah mali yang iniisip mo! nabigla lang talaga kami kasi kasama ka ni Kevin!" paliwanag nung isa.

 "Bakit? may sinabi ba kayong bawal magsama?" sabi naman ni Kevin.

 "Ah? haha wala ba kaming sinabi? este Hi Winnie! ako nga pala si Errick! ito naman si Ced!" at napakamut pa sa ulo yong Errick daw.

 "Patay tayo niyan!" sabi nung Ced.

 "Bakit naman kayo patay?" sabi ni Kevin.

 "Ah wala naman! hehe. Sige maiwan muna namin kayo! Bye Winnie!" sabi nung Errick at umalis na sila. Ang weird nang dalawang yun ah? Naku yun ba yong mga kaibigan ni Kevin? Baka maging bad influence yun sa babe ko! Naku lagot talaga yong dalawang yun sakin!!

**

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon