WAY#24-[Encounters.]
Winnie's POV
"Mommy papasok ako ngayon okay? Nakakatamad dito sa buhay." Sabi ko kay Mommy habang inaayos ko yong bag ko. Sabi nya kasi, wag na daw akong pumasok tutal School fair lang naman namin, pero mas mababagot lang ako dito sa buhay.
"Hmp sige na nga! Tutal first time mong makaka'experience ng School fair sa bago mong School." Sabi ni Mommy at pinagbuksan nya ako ng pinto. I just waived my hands and kissed her cheeks bago ako umalis papuntang school.
Nung makarating na ako sa School. Dumeretso ako sa field kasi nagtext kanina si Pao sakin na pumunta dun. Busy si Lyza kaya siya lang muna ang pagtitiisan kong makasama.
Nung nasa field na'ko, nakita kong nandun na si Pao pero nagtaka ako dahil may kasama syang babae. Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila alam na lumapit ako.
"Pao!" Napalingon sya sakin.
"Winnie! It's been a long time. Infairness, I missed you" Sabi ni Vyannie at yumakap sakin. Siya pala ang kasama ni Pao.
"Yeah. Na'miss din kita. Three days kitang hindi nakita!" Sagot ko at napatingin ako kay Pao. Nakabusangot ang mukha nya. Problema na naman nito?
"I've been buzy this past few days eh." Sagot ni Vyannie.
"Busy? Gumawa ka'rin ng research?" Singit ni Pao. Anong research ang pinagsasasabi nya? Hindi pa naman kami pinapasubmit ng Prof namin ah.
"Huh?"
"Wala. Nevermind." Cold na sabi ni Pao kay Vyannie. Loko Loko talaga to.
Nagkibit'balikat nalang si Vyannie at tumingin uli sakin.
"Anyway, samahan nyo naman ako sa Ice cream Parlor na malapit dito sa School. I'm craving for it eh." Sabi nya nang naka'ngiti. Nag nod naman ako while smiling too at tumingin ako kay Pao.
"Pao sama ka!"
"Ayoko. Kayo nalang." Kinurot ko yong braso nya. Ang arte'arte ayaw pang sumama.
"Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka!" At pinandilatan ko sya ng mata.
"Tss. sabi ko nga! Pasalama't ka talaga at.."
"At??"
"Wala." I rolled my eyes at him at sumunod na ako kay Vyannie. Ganun din sya. Naglakad na kami palabas ng School at pumunta sa malapit na Ice cream parlor.
Chocolate ice cream ang pinili ko na nasa cup at strawberry naman yong kay Vyannie. Isang galloon pa yong binili nya. Grabe mauubos nya ba 'yun? Si Pao naman, umayaw sa ice cream at nakinig nalang sya ng music sa earphones nya. Ano ba tong lalaking to, ayaw makisama! Hmp,
"Kevin! Here!" napalingon ako sa kinawayan ni Vyannie and there, I saw my long lost boyfriend. Teka, magkakilala si Kevin at Vyannie?
"Kevin?" Napatayo pa ako nung makita nya 'ko.
"H-Hey!?" Parang gulat na sabi ni Kevin.
"Kev, meet Win--"
"Ah kilala ko si Winnie syempre!" Biglang putol ni Kevin sa sasabihin sana ni Vyannie. Nagulat ako nung bigla nya akong hilahin at akbayan.
"Syempre kasi girlfriend ko to eh." he said and pinched my cheeks.
"WHAT? GIRLFRIEND?" Sigaw ni Vyannie na halatang nagulat.
"Ah oo Vyannie! Siya yong sinasabi kong boyfriend ko. Mabuti naman at magkakilala na pala kayo." I smiled at tumingin ako kay Kevin at Vyannie.
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romance"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...