Chapter 33-Trust

211 17 0
                                    

WAY[#33]-Trust

Winnie's PoV

Weeks and months passed by simula ng makompirma ko na may nararamdaman na ako kay Pao. Nung mga araw na 'yun, tuloy pa rin siya sa panliligaw. At hindi ko pa siya sinasagot kahit gustong'gusto ko na. Parang naghahanap lang din ako ng tamang tyempo. 'Yong tipong magiging espesyal 'yun at hindi namin makakalimutan. Mabuti nalang din at marunong maghintay si Pao.

"Baby matagal kapa ba dyan? Andito na si Pao sa baba." Agad akong napatingin sa pinto dahil sa sinabi ni Mommy.

"Opo mmy. Andyan na!" Sabi ko at sumulyap uli sa salamin at inayos ang damit ko. Lumabas na rin ako ng kwarto.

Pagkababa ko ay nakita ko si Pao na nakaupo sa couch. Agad naman siyang napatayo nung makita niya ako.

"Hi." Nakangiti niyang sabi.

Napa'irap nalang ako habang umiiling. Ang pormal naman ng bati niya. Para namang hindi kami close.

"Halika na nga!" Agad ko siyang kinaladkad at nagpa'alam na kami kay Mommy.

Pupunta kami ngayon sa mall, bibili kami ng sosoutin dahil bukas na ang Hillson night. Oh right. Alam kong rush hour na. Kaya nga bibili nalang ako dahil wala ng time magpagawa. Dapat nga si Lyza ang kasama ko eh. Nag insist nga lang si Pao na siya nalang. Tsk.

Nung makarating na kami sa mall, dumeretso agad kami sa sikat na boutique dun. Display palang sa labas, marami na ang magaganda!

Kumuha naman ako ng mga violet na cocktail dress para sukatin. Maglalakad na sana ako sa fitting room nung hawakan ni Pao ang braso ko.

"Violet na naman? Mas bagay sayo ang yellow." Kinunotan ko ng noo si Pao at tinignan ko 'yong mga violet dress na bitbit ko.

"Favorite color ko 'to eh. Pakealam mo ba?" He just shrugged.

"Just sayin'. Sorry." He said and shrugged.

Naglakad nalang uli ako papunta sa fitting room pero bigla akong napatigil dahil may nakita akong magandang yellow dress. Kinuha ko yun at nagpatuloy sa paglalakad.

Paolo's PoV

Patingin'tingin lang ako sa paligid habang nakaupo at hinihintay na lumabas si Winnie sa fitting room. Hindi ko alam na ganito pala mag shopping ang mga babae. Ang tagal. Pero okay lang. Si Winnie naman 'to eh! Pagpapasagot nga sa kanya kaya kong maghintay ito pa kayang mag shopping lang?

Natigil ako sa pag'iisip nung bumukas ang kurtina ng fitting room. I was surprised to see a beautiful woman wearing a yellow dress.

She's really gorgeous! Bagay sa kanya ang napili nyang damit.

"Hoy Pao! Nakikinig ka ba?" I was taken aback nung kumaway si Winnie sa harap ko.

"Ha? Ano 'yun?"

"Ang sabi ko, bagay ba sakin?" She said and I smiled.

"Oo naman! Akala ko ba gusto mo ng violet? Eh bat yellow 'yan?"

"Kasi sabi mo bagay sakin ang ganitong kulay." Mas lalong lumawak ang ngiti ko. So kino'consider niya na rin pala ang sinasabi ko?

"Bakit nakangiti ka dyan?" Nakataas kilay niyang tanong. I chuckled.

"Wala. Bawal?" She just rolled her eyes at tinalikuran ako.

"Uy san ka pupunta?" I asked.

"Babalik sa fitting room! Madami pa akong yellow dress na itatry!"

"Seryuso? Kanina pa tayo dito oh. Bagay na naman 'yang sout mo ngayon eh!"

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon