WAY#3-[The Start?]
(A/N: Fastforward tayo mga tsong xD)
Winnie's POV
One month na ang nakakalipas at medyo nakapag adjust na'ko sa new school namin. Marami na akong friends at medyo kasundo ko na rin Si Pao. Pero MEDYO lang ha? naiirita parin kasi ako sa kanya eh. hehe.
Minsan na lang din ako sinusundo at hinahatid ni Babe kasi medyo busy na siya. Pero bumabawi naman siya sakin. Apat na beses parin kaming nagdedate sa isang week kaya okay na 'yun.
"Hoy Ms.Daydreamer!!"
"Ayy kabute!! anu kaba? ba't ka nangugulat ha??" inis kong sabi kay Pao.
"Hindi ako nanggugulat no! Eh kasi naman, 'nananaginip nang gising nakatulala sa hangin'!" sabay irap niya sakin. Aba't siya pa ang nang'iirap? Bakla ata to eh!
"Whatever! Pwede ba layuan mu'ko? na sosofucate ako pag malapit ka sakin!" sabi ko sa kanya at ako naman ang umirap.
"taray naman! Tatanda ka ng dalaga niyan eh!" sabi nya.
"Ako tatanda ng dalaga? hello may fiance na nga ako eh! ikaw nga ata ang magpa'pare dahil walang girlfriend." binelatan ko siya.
"Tss. porket may boyfriend!" sabi niya na biglang lumungkot ang mukha, at nag walk out. haha asar talo.
Nagligpit na'ko ng mga gamit ko at lumabas na. Yeeeh excited ako ngayon kasi nag text si Kevin na sabay kaming mag lunch today. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkakasabay eh.
Papunta na ako don nang makasalubong ko nanaman si Pao. Pero this time kasama na niya si Lyza. Hindi ko pa pala nakekwenyo sa inyo na halos lage na 'yang sumasabay si Pao samin sa paglulunch. Pero syempre pag kami lang tatlo, hindi ako sumasabay sa kanila pag kasama ko si Kev.
"Oh friend sabay ka samin?" sabi ni Lyza.
"Hindi friend eh! kasabay ko ngayon si Kevin." sagot ko ng nakangiti.
"Eh kasabay pala eh! Tara na Lyza!" hinugot na ni Pao si Lyza habang naka kunot pa yong noo niya. Epal talaga yon.
Maya-maya biglang may yumakap sa bewang ko. pag tingin ko biglang nawala ang pagkainis ko.
"Tara na! Gutom na ang Babe mo eh!" sabi ni kevin.
Pumunta na kami sa Cefeteria at kumain, Madami akong kwenento sa kanya. Ganun din siya. Sinusubuan niya pa nga ako eh.
"How sweet!! Baka langgamin na kayo niyan Kevin!" sabi nong babaeng lumapit samin. Actually tatlo silang mukhang clown dahil sa kakapal ng make-up. Sino ba tong mga to?
Tumingin lang si Babe sa kanila at bumalik ulit sa pagkain.
"Pwede ba kaming umupo dito? can you see, wala ng bakante eh." sabi nung girl.
"Ah ngayon ko lang nalaman na kumakain pala kayo dito? akala ko ba never pa kayong kumain sa cheap na lugar na'to?" sarkastikong sabi ni Kevin.
"Oh Kevin! Don't be rude! Sabi kasi nila Suzy sakin masarap daw yong pagkain dito kaya we want to try! diba girls?"
"Ou nga!" the two girls said in unison.
"Okay lang yan kevin! Malaki naman kasi yong kinuha nating table eh. kasya pa naman satin kaya ok lang na dito kayo kumain!" sabi ko nalang sa tatlo kahit nakakainis.
"Ohw thank you! You're such a nice girl!" ngumiti sakin yong isa na halata namang peke.
Kumain nalang kame at hindi na ako nagsalita. Pansin ko rin na parang naiirita si Kevin sa presensya nitong tatlo.
"Oh Bdw, Hindi pa namin na formally introduce ang name namin right? ako nga pala sa Alexa, and this is Suzy and Elis! and you are?"
"She's Winnie! My GIRLFRIEND!!" sasagot sana ako pero inunahan ako ni Kev at siya ang sumagot. pinagdi'inan niya talaga yong salitang Girlfriend.
"Ohhw I see? It's very NICE to finally meet you Ms.Winnie!" teka parang sarkastic yun ah?
"Syanga pala, mga Med students din kami! kaklase namin si Kevin! At alam mo ba, hindi yan mahilig makipag usap sa iba! kaya nga we're trying to be close to him!" sabi na naman ng Alexa.
"Talaga?" tinaasan ko na siya ng kilay. Napansin niya ata na nag iba yong mood ko kaya tumaas rin ang kilay niya. Aba!
"You know what Alexa? you're annoying! nakikisabay ka na nga ang ingay mo pa! Just eat ok?" sabi ni Kevin. Ang rude talaga ng boyfriend ko! Pero mas ok yun nu kesa makipag flirt.
Umirap lang si Alexa at dahil ata sa hindi na niya nakayanan kaya nag walk out kasama yong mga alipores niya.
"Babe, why you gonna be so rude? Hehe." sabi ko with melody.
"Psh. eh nakaistorbo sila sa atin eh! hindi tuloy kita masolo!"
"Haha ewan ko sayo babe! kumain ka na nga lang!" sabi ko at sinubuan ko siya.
Matapos naming kumain, sinumpong na naman yong katamaran namin ni babe. Napagdesisyunan naming hindi pumasok. ang bait namin nu? Pumunta lang muna kami sa park at pumwesto sa madalas naming tambayan, sa may ilalim ng puno. mahangin dun eh.
Umupo na ako sa damuhan at ginawa nyang unan yong lap ko habang nakahawak siya sa kamay ko. Naku baka langgamin kami nito! haha.
"Babe thank you!" sabi ko habang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ng boyfriend ko.
"Para san babe?" sabi nya na nakapikit parin.
"Sa pagiging mabuti at loyal na boyfriend mo sakin!" Nakangiti kong sabi.
"Nah. May bayad yun nu!" sabi niya.
"Hah? anu naman?"
"Kiss!?" nakangiti niyang sabi at minulat na niya yong mata nya.
"Ah ganun?" napangiti rin ako at..
*tsuup*
"eehh naman! ba't sa ilong?" haha natatawa ako sa reaksiyon niya.
"Eh saan mo ba gusto?"
"Gusto ko dito.." sabi nya at nginuso niya yong labi niya. hehe ang cute talaga ng Kevin ko. Nag lean down ulit ako at..
*tsuup*
"Naman eh!! inaasar mo ba ako babe? ba't sa noo?"
"Hahahaha! ang cute mo kasi eh! Oh ito na! atat ah!? haha!" at hinalikan ko na talaga sya sa lips. kinabig naman niya yong ulo ko kaya napatagal ang halik niya. Hinampas ko yong braso niya dahil nangangawit yong leeg ko.
"Aray babe ang sakit sa leeg ah! abuso ka!"
"Hahaha! ganti ko lang yun sa pang'aasar mo kanina!"
"Tsh. such a meanie!" sabi ko nalang at sumandal sa puno. Pumikit na uli siya at hinaplos ko yong buhok niya. Ang ganda ng ambience dito ah! lalo na't kasama ko si Babe.
Sana tumigil ang oras at matagal pa kaming maging ganito bago maging busy ulit si Kevin. Haaay.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/30603276-288-k566322.jpg)
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romance"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...