WAY#21-[By your side.]
Winnie's POV
Ang tagal naman ni Kevin! Asan naba yun? Kanina ko pa tntext pero hindi nagrereply. Napanu na kaya yun? Kinakabahan tuloy ako na baka may nangyaring masama dun.
"Ms.Yui magsasara na kami ng library. Bumalik ka nalang dito bukas!" Napalingon ako sa librarian. Kinuha ko na yong bag ko at tumayo na.
"Ah sige po ma'am!" naglakad na ako palabas ng library. Medyo madilim na din sa labas. Kinuha ko ulit yong phone ko at sinubukang i'dial yong number ni Kevin.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Paulit ulit nalang ganun. Operator ang sumasagot. Kanina nagriring pa yun ah. Ba't ngayon naka off na? Aist.
Hindi ko na namalayan na nasa waitingshed na pala ako. Umupo muna ako dun at hihintayin ko lang muna siya sandali. 6 palang naman eh. Baka nandun pa siya sa loob ng school.
"Ehem." napatingin ako sa tumikhim.
"H-Hoy anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na nga!" Ano naman kaya ang ginagawa ni Pao dito? Kanina ko pa kaya siya pina'alis sa library kanina, kala ko nga umuwi na 'to.
"Ako nga dapat ang nagpapauwi sayo kasi masama sa babae ang mag pagabe! Ano pa bang ginagawa mo dito ha?" umerap lang ako. Makapanermon kala mo tatay ko. Psh.
"Umuwi kana nga Winnie!"
"Pakialam mo ba ha? Eh sa may hinihintay pa ako eh!"
"Tss." napailing lang siya at umiwas na ng tingin.
"Eh ikaw ba't hindi kapa umuuwi ha?" Nilagyan ko talaga ng pagtataray ang tono ng pananalita ko para hindi niya masabing concern ako. Psh.
"May hinihintay rin ako!" sinulubong niya yong tingin ko kaya iniwas ko agad ang mata ko.
Nagtingin tingin ako sa paligid kong may kotse siyang dala. Siguro naman meron. Magpapagabe ba to kung wala?
"Anong sasakyan mo pauwi?" bigla niyang tanong kaya nabasag yong katahimikan.
"Syempre kotse ni Kevin!"
"Panu kung hindi ka nun ihatid?"
"Ihahatid ako nun kaya nga--"
"Panu nga kung hindi?" Psh. Ang Kulit?
"Oh edi magtataxi!"
"Tss. Delikado!"
"Hindi yun! marunong akong magmartial arts nu! Isang pang manny pacquiao punch ko lang yun at flying kick, tumba na agad si mamang masamang driver nu!" bigla akong napaayos ng upo at ibinalik ang sungit sungitang gestures ko nung marealize na napangiti pala ako.
"Ayan. Bumabalik ang kadaldalan mo!" Pang aasar niya at Nakangiting aso pa.
"Tse! Wag mo nga akong kausapin! Napapadaldal tuloy ako!" Mas lumawak yong ngiti niya.
"Ayan kasi nagsusungit'sungitan pa!" Pabulong niyang sabi pero rinig ko naman.
"Psh. Kainis ka!" at tumayo ako dahil naaalibadbaran ako sa presensya niya.
"Hoi san ka pupunta?"
"Papasok sa campus! Hahanapin ko si Kevin."
"Seriously? Ang laki laki ng Hillson University Winnie! Mahihirapan kang mahanap siya!" Sabi niya habang hinahabol ako. Lakad takbo narin ang ginagawa ko para hindi niya ako maabutan. Kainis kung may makakita samin, iisipin talagang hinahabol ako ng rapist. Pero malabo rin, kasi ang gwapo namang rapist nito.

BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Romance"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...