WAY#19-[Crossing their paths]
Paolo's POV
AT THE LIBRARY-
"Ayan maghanap ka ng mga information diyan na pwedeng magamit sa research natin!" napatingin ako kay Winnie na may binagsak na napakaraming libro sa harap ko.
"Seryuso? Ang dami niyan ah!" reklamo ko naman.
"Wag ka na ngang magreklamo! Yan na ngalang ang naitutulong mo eh!" pagtataray niya sakin. Hay naku ang sungit talaga ng babaeng to.
Napasandal nalang ako sa upuan ko. Kainis naman may Research pa kami. Minor subject nga lang namin to, pinahihirapan pa kami. At ito pa masaklap, by pairs yong paggawa at ang swerte ko masyado na si Winnie ang nkapartner ko. Hanep! Gumagawa na nga ako ng paraan para iwasan siya diba? Pero lintik na tadhana sadyang nananadya!
"Oh anu pang tinutanga tunganga mo diyan? Magsimula kana!" Tsk. Nagsimula na akong magbuklat ng libro dahil galit na yong isa diyan. Naku iniisip ko palang na maging Girlfriend to, siguradong bugbug sarado talaga ako dito. Pero pag ako naging boyfriend niya, bugbug sarado din siya sakin nu! Bugbug sarado sa pagmamahal! Bwahaha.
"Anong nginingitian mo diyan Mr.Hernandez? Comedy ba yong binabasa mo ha?" napa'angat ang tingin ko kay Winnie. Nakakunot noo siya. Ano na naman ang kasalanan ko?
"H-Hindi? May naalala lang akong nakakatawa. Eh ano bang problema mo dun?" Try ko ngang mag galit-galitan din kala niya siya lang ang marunong.
Tumaas ang kilay niya.
"Imbes na magdaydream ka diyan, magtrahabo kana para matapos na at makauwi na tayo!"
"Shh. Quiet! Don't make it too loud miss!" Saway ng librarian.
"Sorry Ma'am!" sabi ni Winnie at umerap na naman sakin. Umiling nalang ako at nagsimula uling mambuklat ng libro. Hindi na ako makikipag talo sa kanya dahil baka magkapikonan pa kami.
**
Winnie's POV
Nakaka'asar tong si Pao! Pinagalitan pa tuloy ako ng librarian. Ayaw kasing umayos ng lalaking to eh. Napatingin ako sa kanya at seryuso na siyang naghahanap ng mga info habang nakaturo pa yong isang daliri niya sa mga sentence na binabasa niya. Pfft. Parang bata! Tsk.
♪BlackPink in your area! BlackPink in your area! Been a bad girl, I know I am, And I'm so hot I need a fan. I don't want a boy I need a man♪
Agad kong kinuha yong phone ko. Si Vyannie ang tumatawag. Sinagot ko agad.
"Hello?" napatingin sakin si Pao.
[Hey Girl where are you? I already convinced our Prof that i can join you with your Research!]
"Talaga? Ibig sabihin tatlo tayo?" Wala kasing partner si Vyannie kasi absent siya nung first subject namin sa afternoon class.
[Yeah. So where are you know?]
"Nandito kami sa library. Naghahanap lang kami ng mga source!"
[okay. I'm on my way there.]
*toot*
"Sino yun?" tanong agad ni Pao.
"Si Vyannie. Kasali daw siya satin!"
"Ha? So tatlo tayo? Kala ko ba by pairs lang?"
"Ayaw mu yun na tatlo tayo? Mas madali tayong matatapos at para maiwasan ko na yong pagmumukha mo!" Napa tsked lang siya sa sinabi ko.
Maya'maya dumating na nga si Vyannie. Umupo siya sa tabi ko na kaharap ni Pao.
"So you're Winnie's research partner?"
BINABASA MO ANG
Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]
Roman d'amour"Friend satingin ko niloloko kana talaga ng boyfriend mo eh! kung nalilito kana at naghihinala, basahin mo to!" "Ways to know if your Boyfriend is cheating on you: 1.See if his mood changes. 2.Notice What he Does. 3.He have New Habbits. 4.Notice...