Chapter 13-Medicine

176 23 0
                                    

WAY#13-[Medicine]

Winnie's POV

 "Baby gising na! May pasok kapa!" nagising naman ako dahil sa kaka'alog ni Mommy sa katawan ko. Aist naman inaantok pa ako eh! at isa pa, parang ayaw kong bumangon! parang hindi maganda ang pakiramdam ko.

 "Mommy 5 minutes!"

 "Baby hindi pwede! 15 minutes nalang malelate kana! eh hindi ka pa nga naliligo!"

 "Haist. hindi nalang ako papasok! Ang sama ng pakiramdam ko eh!"

 "Ha? Bakit baby?" sabi ni Mommy at kinapa yong noo ko.

 "NAKU!! MAY LAGNAT KA!!!"

 "OA Mmy? Kaylangan sumisigaw? Eh may lagnat pala ako eh kaya dapat lang hindi ako pumasok!"

 "Oo nga! sige'sige kukuha lang ako ng maligamgam na tubig para ipunas sayo! gagawan nalang din kita ng sopas!"

 "Okay. Thanks Mom!" 

 "Anything for you Baby!" sabi ni Mommy at lumabas na siya sa kwarto ko. Aist. So may lagnat pala ako? Naku hindi kami magkikita ni Babe ngayon. Dapat sana ngayon ako mag eexplain kung bakit hindi ako nakasabay sa kanya kahapon, kaso ito nga! At ang masama pa, text ako ng text sakanya mula pa kagabe pero ni'isa hindi siya nagreply! Haist. mukang nagtatampo! Anong gagawin ko? Ayaw kong nag aaway kami eh huhu.

Maya'maya pumasok na uli si Mommy sa kwarto ko dala yong maliit na batsya. syempre pinunasan na ako ni Mommy and everything. Humiga na ulit ako sa kama after kong magpalit ng damit. Magpapahinga lang muna ako.

*Bzzzt*Bzzzt*

Biglang nag vibrate yong cp ko sa sidetable. kinuha ko yun kahit nakakatamad.

From: Pao^^

Winnie bat d ka pumsok?

Ah si Pao lang pala eh! Trinay kong mag type. Over kaya ko pa naman!

To: Pao^^

Bkt? Miss mo ko agad? -_-

SENT.

Galing nu? nakuha ko pang mang asar eh may sakit na nga ako!

*Bzzzt*Bzzzt*

From: Pao^^

Di. nagtanong lng si Lyza. assuming ka nman :P

Psh. Ganun? Pinapahiya ako ng mokong na to ah!

To: Pao^^

Ewan ko sau! May lagnat ako kya wag ka na ngang txt ng txt! -_-

SENT.

Hinintay kong magvibrate uli ang phone ko pero hindi na siya nagreply. Psh. tinotoo nga! Hindi man lang nag alala na may lagnat ako! Tss Haist. makatulog na nga!

**

Paolo's POV

 "Hoy Mike mauna na ako!" 

 "Ano? Ang early pa oh! maya na!"

 "Tsh. may pupuntahan pa ako eh! Diyan kana!" hindi kona hinintay yong sagot ni Mike at lumabas na ako ng Room. Pupuntahan ko pa si Winnie sa bahay nila eh. Mangungumusta! Actually hindi naman talaga si Lyza ang naghahanap sa kanya kanina eh, ang sarili ko lang talaga! Ewan pero hinahanap ko siya lagi eh! Wala kasi akong maasar.

Kabisado ko pa naman ang daan papunta sa kanila kaya nakarating agad ako dun. Nag door bell lang ako at yong Mommy niya ang nagbukas ng pinto sa Gate.

 "Oh Mr.pogi? Anong ginagawa mo dito?"

 "Ah. Magandang hapon po. Binibisita ko lang po si Winnie kasi napag alaman kong may sakit siya?"

 "Ah oo hijo! May lagnat ang baby ko! Buti nalang at concern ka sa kanya! Halika pasok ka!" pumasok naman ako sa bahay nila. Buti nalang mabait ang mommy ni Winnie. 

 "Sakto hijo, tapos ko ng lutuin tong sopas ni Winnie! Ikaw nalang ang magdala nito sa kwarto niya ha?"

 "Ah sige po!" sabi ko at inabot yong makaong na may lamang sopas. 

 "Ah-eh, asan po ang kwarto ni Winnie?"

 "Ah sa may violet na pinto sa taas."

 "Sige po!" Umakyat na ako sa itaas, madaming pinto dun. Pero sabi ng Mommy niya, voilet daw kaya dun na ako kumatok.

 "Bukas yan Mommy! Alam mo na ngang may lagnat ako, tas ako pa yong pagbubukasin mo!" sabi ni Winnie sa loob. Psh, ang taray niya talaga. Pumasok na ako at baka magalit pa ang mahal na prinsesa. 

 "P-Pao?? Anong ginagawa mo dito?"

 "Ito binibisita ka! Mataas paba ang lagnat mo?" sabi ko at kinapa yong noo niya. Naku mataas parin. umupo ako sa gilid ng kama niya. Grabe naman tong si Winnie, halos violet yong mga gamit sa kwarto niya eh. Hindi naman halatang yun ang paborito niyang kulay ano?

 "Ito kumain kana para mainitan yang katawan mo!" napa'upo siya sa kama at sumandal siya sa headboard. Susubuan ko sana siya pero pinigilan niya ang kamay ko.

 "Ako na! May kamay ako diba?"

 "Psh. ako na! May lagnat ka eh!"

 "Oh sige kaw nalang ang kumain!" sabi niya at nag crossed arms. Ang stubborn naman nito.

 "Dali na! say ahh!" sabi ko at linapit na yong kutsara sa bibig niya. tinignan niya lang yun at tumingin din sakin.

 "Aist ang kulit mo!" sabi niya at binuka na yong bibig niya. Kinain na niya ang sopas. Hay salamat nanalo ako! 

 "Oh diba mas masarap kong sinusubuan!" sabi ko sa kanya. 

 "Cheh! Kaw naman ang *munch* *munch* mapilit eh!"

 "Uy. Dont talk when your mouth is full!" 

 "Sus. kaw ah daig mo pa si Mommy!" 

 "Ganun talaga eh! siyanga pala, asan ang boyfriend mo?" opps, mukang mali ata yong tinanong ko. Lumungkot yong mukha niya eh.

 "Ewan. hindi ko alam! Hindi pa siya nag tetext simula kagabe eh!" 

 "Ha? Bakit? Alam niya ba na may sakit ka ngayon?" umiling siiya. 

 "Tss. okay lang yan, nandito naman ako eh!" sinamaan niya lang ako ng tingin.

 "Oh tapos na akong kumain! Lumabas kana nga dito! Matutulog uli ako!" sabi niya. Ito talaga parati akong pinagtutulakan!

 "Oh sige! Uwi na rin ako Winnie! Pagaling ka little sis ha?"

 "psh. oo na! Ingat sa pag uwi!"

 "Wow. concern?" 

 "Ewan ko sayo!"

 "Di mabiro eh. Ohsya Bye Winnie!" sabi ko at humiga na siya sa kama. Inayos ko yong kumot niya at kiniss ko siya sa forehead. halatang nagulat siya pero nginitian ko lang siya. Bakit pwede namang brotherly kiss lang yun ah?

 "Pustahan tayo, magaling kana bukas! Yun ang gamot eh! hehe." tumakbo na ako palabas ng kwarto niya dahil baka siya sumabog XD

 "PAO!!!!!!!!!!" narinig kong sigaw niya sa loob. Naku inistress ko na naman si Winnie! Wala, Ganun talaga eh!

**

Ways To Know If Your Boyfriend is Cheating On You [COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon