SPECIAL CHAPTER - SPORTS FESTIVAL

46 4 0
                                    

JIRO

Ngayon ang unang sports festival na gaganapin sa Seirin simula nang maupo si Kuya Tojiro bilang dean.

Kumpara noong si daddy pa ang namamahala, mas masaya at maingay ang sports fest ngayon.

Dahil ba sa karanasan at agwat ng edad? Hmm..

"AKE!"

"Urusai, Toji!"(Shut up)

Napatingin ako sa direksyon nina Kuya Tojiro at Ake na kanina pa nagbabangayan sa harap ng food stall.

May mga iba't ibang boot kase dito na itinayo nang bawat student per class per year at isa na doon ang boot namin which is food boot na ang tema ay mga street foods sa pangunguna ni Ake. Siya kase ang itinalaga nang adviser namin na si Sir Jayme.

Marami ang umangal at tumutol sa tema na ibinigay ni Ake kesyo 'cheap daw' lalo na yung mayayaman namin na kaklase pero may magagawa ba naman sila kay Akemi?

"I told you. Wag niyo 'kong iaassign sa kahit ano kase ginagawa ko kung ano ang gusto ko. Whether you like it or I'll force you to like it." are what she said.

"Urusai! Urusai! Urusai!" sigaw ni Ake sa mismong mukha ni Kuya Tojiro habang nakatakip pa ang parehong kamay sa tenga niya. Si Kuya naman ay sa halip na mainis ay parang mas nag-eenjoy pa na asarin yung isa.

Curious ba kayo kung ano ang pinag aawayan nila? Ako rin, LOL.

TOJIRO

"Urusai! Urusai! Urusai!" sigaw ni Ake sa mismong mukha ko habang nakatakip ang parehong kamay sa tenga niya.

"Sige na Ake, please! Ikaw lang ang pambato nang section natin dun." pagmamakaawa ko pa habang nakayakap sa bewang niya.

Sa totoo lang ay nag eenjoy ako na asarin siya. Once a month ko lang makita ang side niya na ganito.

Alam niyo yun girls, diba?

Meron kase siyang buwanang dalaw ngayon kaya kakaiba ang saltik niya. Mabuti nga at napilit ko siyang pumasok ngayon kase kapag ganito siya ay nagiging tamadin siya at mas gusto niya na nasa bahay lang at nakahiga lalo na kapag first day at last day ng period niya. Namimilipit siya sa sakit kaya mas gusto niya kapag hinihilot ko ang tiyan at puson niya hanggang sa makatulog siya.

Tinanong ko kung gusto niya nang 'fries' kase may nabasa ako sa app na Peysbuk na ganun daw ang kadalasan na hinihingi nang mga may period sa jowa nila pero ang sabi ni Ake..

"Nani-kore?! Ang kailangan ko ay tampons at kamay mo."(What the heck was that?!)

"Nakita mo na ba akong gumamit ng baril? Are you making fun of me being a Japanese?" she said and her voice cracked.

Ang tinutukoy niya ay ang loyalty niya sa pag gamit ng katana. Pero teka, Watashi mo nihonjindesu!(I am also a Japanese!)

Nakaupo kase ako habang nakayakap sa bewang niya para hindi siya makaalis kaya hindi ko nakikita ang mukha niya kaya naman nagulat ako nang makita ang nangingilid na luha sa kanyang mata.

Talking about mood swings.

OH MY GOD!!! I mentally shout.

Bigla akong nagpanik kase hindi ko man nakikita kung sino ang parating pero naririnig ko naman ang kabi-kabilang sigaw ng mga taga-hanga nila. Ramdam ko din ang malamig at nakamamatay na titig sa likuran ng ulo ko.

"Sshhh! Sshhh! Sorry! Sorry!" pangaamo ko sa tuluyan ng umiyak na si Ake.

Hindi ko na rin alam kung pinapatahimik ko ba siya o kino-comfort dahil sa pagpapanik at takot sa demonyo este sa delubyong parating sa likuran ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon