Chapter 23

22 3 0
                                    

SOMEONE

Pagkadating na pagkadating sa lugar ay swabe kong ipinark ang sasakyan at halos hindi na sumayad ang mga paa ko sa lupa sa pagmamadali. Pabalya kong binuksan ang pinto ng isang hideout at halos matigil ang mga ginagawa nila at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin, maliban sa isa na mahimbing ang tulog sa isang sulok, pero batid kong nakilala nya ang presensya ko dahil bahagyang nangunot ang kanyang noo. Siguro ay hindi inaasahan ang biglaang pagpunta ko, pero hindi ko nalang sila pinagtuunan nang pansin pa at agad na hinanap nang mga mata ang pakay ko.

Madali ko lang syang nakita dahil bukod sa sya lang ang may wirdong ayos nang buhok ay sya lang rin ang hindi humarap at nagulat sa presensya ko.

Or so I thought.

Dahan dahan ko syang nilapitan at napasinghal sa ginagawa nya. Naglilinis sya ng motor nya pero yung way nang paglilinis nya ay kakaiba, bukod sa mabilis ang motion nang kamay nya ay halata namang kinakabahan sya at yung part lang na yun nang motor ang nililinis nya dahil yung iba ay madumi pa at naglagay pa sya ng headphone na hindi naman nakasaksak yung jack na nakapagpadagdag lalo ng aking inis.

"Pretending that you didn't feel my presence eh, Reaper?" nag stiff naman sya at natigil na ang kanyang kunwaring paglilinis. I smirk at naging matunog yun, hindi rin nakalampas sa pandinig ko ang bahagyang paglunok nya.

Natawa ako sa isip ko. I'm enjoying this.

Agad ko syang nilapitan, dinakma ang tenga at sapilitan syang itinayo.

"Aww! Ouch! Aray! Shibo! masakit! Ar-Ouch! Shibo!" halos maiyak na sya dahil sa pagpingot ko at namumula na rin ang tenga nya.

"Bakit mo sya sinugatan?" tanong ko habang dalwang tenga na nya ngayon ang pingot pingot ko.

Halos mapuno naman nang tawanan sa loob nang hideout nila maliban sa isa na mulat na ngayon at nakasmirk lang sa sulok. Mga loko. Pero hindi ko nalang ulit sila pinagtuunan nang pansin at mas nagpokus sa lalaking namimilipit sa tabi ko.

"Aray! Sino ba yang... Ouch! Wag mo sabihing sinambot nya?... Aray! Shibo, masakit na! Hindi ko naman alam na ganun ang gagawin nya! My precious ears" binitiwan ko na ang tenga nya dahil yung eardrums ko naman ang mapapahamak. Tsk!

"Kung ginawa mo yun dahil curious ka lang, wag mo ng uulitin kesehodang natamaan ang ego mo o nagkaroon ka lang nang interes" nakatanggap pa sya ng isang batok sakin bago ko harapin ang iba at tanguan sila isa isa. Tinahak na ang daan palabas at nagmamadaling sumakay sa sasakyan at pinaharurot paalis.

REAPER

Pagkatapos nang madugo este dumugo ng tenga ko matapos pingutin ni Shibo, na lumantak naman nang alis, pumunta lang ata dito para gawin yun, ay nakatanggap ako ng masigabong tawanan sa mga kasamahan ko well except kay Zero na tahimik naman palagi. Sya lang ata ang tunay kong kaibigan sa mga 'to.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon