Chapter 10

38 3 1
                                    

TOJIRO

Pagkalabas namin ng cafeteria ay naiiling nalang ako habang nakangiti.

Sa wakas...

Sabi ko sa isip ko.

"Kuya Tojiro ano ba yang aasikasuhin mo at kasama pa kaming buong Death Gang?" tanong ni Jiro.

"Oo nga, mas gusto ko pa dun sa cafeteria kase andun si Ake" nakangusong sabi ni Joon Jae.

Nakatikim naman siya nang batok kay Sky.

"Yuck pre, ngumuso ka ba talaga? You're so gross"

"Hahaha! Pucha pre, Joon Jae. Ang tagal na nating magkakasama may itinatago ka palang kabadingan, kadiri!" nandidiri ngang sabi ni Kevin.

"Eww pre, ewws lang. Wag mo kaming hawaan ng kabadingan mo" sabi ni Steven. Nabatukan naman siya ni Joon Jae.

"Gago! Bading ka din pre bading!!! Anong eww ewws? Anong eww ewws? At saka kayong tatlo ah, kung makabading wagas hindi ako bading noh!" nanggagalaiting sigaw ni Joon Jae.

"Sige nga pre, kung hindi ka bading halikan mo nga ko. Hahaha!" natatawang buyo ni Kaizer.

"GAGO!!!" pikon na pikon na sigaw ni Joon Jae. Akmang sasapakin na niya si Kaizer, buti naawat ni Jiro.

"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhan 'to" napatingin ako sa nagsalita, si Akai pala kasama sina Mitsuhiko, Suichi, Sakura, at sina Senpai Ichigo at Kakashi.

"Uy kayo pala, hahaha. Wag niyo silang pansinin mga asar pikon lang ang mga yan. Hmm.. ano palang meron? Kumpleto ata kayo" tanong ko kay Akai.

Bihira lang makumpleto 'tong mga 'to, lalo na kung hindi importante.

"Yayayain sana namin si Hime na kumain sa labas kasama kayo" sagot ni Kakashi.

Inilinga naman ni Ichigo ang paningin nya sa grupo namin at biglang nagsalubong ang kilay.

Alam ko na to.

"Where is, Baby Ake?" baling tanong niya sakin.

Sabi na.

"Nasa cafeteria kasama si hmmp hmmp.." singit ni Joon Jae pero tinakpan ko agad ang bibig nya.

Tsk! Daldal!

"Nasa cafeteria nga siya Senpai, pero sabi ko pumasok na siya pagkatapos niyang kumain. Late na din kase" sabi ko habang bahagyang tumingin pa sa pambisig na relo ko.

"Bakit hindi nyo sinamahan? At sino yung sinasabi ni Joon Jae na kasama nya?" nakangising tanong ni Kakashi habang nilalaro sa daliri niya ang kunai nya. Si Ichigo naman magkasalubong pa din ang kilay na nakatingin sakin.

Gulp! Hayy, ano ba 'tong pinasok ko?

"Ano kase, may aasikasuhin ako sa office dahil ako ang nagmamanage nitong school. Isinama ko na ang Death Gang dahil..."

"Si couz Ake ba yun? Mukhang inis na inis sya, hahaha" natatawang sabi ni Sakura.

"Ha?" napatingin ako sa direksyong itinuro nya at nakita si Ake na binabatukan si Vincent. Si Vincent naman ipinang sasalag ang braso nya sa ulo.

Pfftt! Hahaha!

"Hmmp hmmp.. Pwee ang alat ng kamay mo Kuya Toji, pero hahaha, buti nga sa Vincent na yan, siguro dahil yan dun sa adobo na may pinya. Psh!"

Napatingin ako kay Joon Jae.

Bakit ba ngayon pa to nagkaganito?

Nasapo ko ang noo ko. Yari na.

Napatingin ako kina Senpai dahil sa itim na awrang inilalabas nila.

Shit ka, Joon Jae!

Naramdaman din yun nina Akai kaya dali dali nilang binitbit palayo ang Death Gang. Nakita ko pang pumapalag sila lalo na ang reaksyon ni Jiro na nagtataka pero sinenyasan ko silang sumunod nalang

"Si Sei ba yung nakikita namin?" malamig na tanong ni Ichigo.

"At ano yung sa pinya? Diba alam mo namang.." naglabas agad ako nang kunai at ipinansalag sa mga shuriken na lumilipad sa direksyon ko.

Shit! Buti nalang class hour ngayon.

"Alam mong andito si Sei at wala ka man lang balak sabihin sa amin yun?" malamig at walang emosyon na sabi ni Ichigo.

Fuck! Ang bilis nya talaga. Nasa likod ko na agad sya at nakatutok ang katana niya sa leeg ko habang sakal sakal ako.

"A-ack.. S-senpai sa-sabihin ko naman sa i-inyo" hirap na hirap na salita ko.

"Ichigo, itigil mo yan" sigaw ni Akai sa kanya pero parang walang naririnig si Ichigo. Dumudugo na ang gilid ng leeg ko.

Si Kakashi naman ay pinagtutulungang labanan nina Mitsuhiko at Suichi. Binato naman ni Sakura nang mga shuriken si Ichigo kaya nagkaroon ako nang pagkakataong makaalis at makatalon sa puno.

Napahawak ako sa leeg ko na dumudugo at napapikit kung hindi ako nakaalis dun tiyak na papatayin niya talaga ako.

Alam ko ang iniisip nyo na napaka OA nilang dalawa nang dahil lang sa pinya at yung tinutukoy nilang Sei, pero kung buhay na ni Ake ang pag uusapan, nagiging ganyan talaga sila. Kaya naiintindihan ko kung bakit biglang nabuhay ang demonyo sa katawan nila. After all, Ake is their weakness.

Napatingin ako sa baba at nakitang tulog na si Kakashi pero may sugat sina Mitsuhiko at Suichi, ganun din sina Sakura at Akai. Ang mas nakakagulat ay sakal sakal na ni Ichigo si Vincent habang nakangisi. Wala kang mababakas na emosyon sa mata niya at si Akemi na hawak hawak ang katana ni Ichigo at nakatutok sa leeg ng Kuya nya. May mga galos at sugat din siya sa katawan at punit ang ibang parte nang damit nya.

"Kuya strawberry. Wake up, please!" nagpipigil ng luhang sabi ni Ake. Binitiwan niya ang katana at yumakap kay Ichigo habang nagpipigil ng luha.

"Please, Kuya ko bumalik kana!" on that cue, binitiwan ni Ichigo si Vincent na habol habol ang hininga, nahimatay naman bigla si Ichigo.

Agad akong tumalon pababa sa puno para alalayan si Ake sa Kuya niya at inihiga namin siya nang maayos sa damuhan.

Niyakap ko si Ake nang mahigpit habang hinahaplos ang buhok at hinalikan ang noo nya.

"Sshh, Ake Daijogu! Daijogu!"(It's alright! Its alright!)

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon