AKEMI
"Okay class! Listen!" pinukpok pa nya ng dalawang beses ang ibabaw nang lamesa gamit ang kamay nya para makuha ang atensyon namin.
Meet Professor Jayme De Guzman. Ang P.E instructor namin at ang nag iisang guro na tinitilian at pinagkakaguluhan lang naman nang mga kababaihan at mga kabadingan palibhasa ay binata pa at talaga namang mabait. Sa edad nyang 35 na hindi mo mahahalata sa mukha nya. Masasabi kong hindi nalalayo ang kagwapuhan nya sa mga Kuya ko.
Nagsipag-upuan naman kami ng maayos at nakinig sa sasabihin nya. Kakatapos nya lang kase na magturo at ireview kami para sa paparating na major exams.
"Alam at ramdam nyo na naman siguro na malapit na kayong magbakasyon dahil binubugbog na namin kayo sa sunud-sunod na pag rereview na para sa inyo rin naman. Kaya yung mga nagrereklamo dyan ay tiis-tiis lang muna."
May mga narinig akong nagsipag ungutan marahil ay mga natamaan sa sinabi ni Prof na nakapag patawa lang naman sa huli.
"At dahil dyan..may challenge ako para sa inyo na tiyak na makakatulong din naman sa inyo at magagamit nyo sa mga future activities natin."
"Ano po yan sir?" tanong nung kagrupo ni Ayato na si Toya.
"Gusto ko sana na maghanap kayo ng part-time or summer job though mga mayayaman na kayo.."
"Yung parents lang namin Prof" pagpuputol ni Toji sa sinasabi ni Sir Jayme kaya naman nasiko ko sya na syang ikinadaing nya. Napailing nalang si Sir habang nakangiti.
"Katulad nga ng sinasabi ko, makakatulong ito sa inyo at sa mga future activities natin. Hindi ko naman kayo pinipilit dahil alam kong hindi lahat sa inyo ay sanay sa mahirap o kahit sa pinaka madaling gawain na kailangang iutos pa sa mga kasambahay nyo. Wala akong pinepersonal dito class, ang sa akin lang ay advice, nasa sa inyo at kayo parin naman ang magdedesisyon. So, paano class, dismiss!" nakangiting pagtatapos ni Sir sa sinasabi nya.
Para sa akin ay may point si Sir, though kahit hindi nya sabihin ay ginagawa na namin, ewan ko lang sa iba, sa paraan nga lang na hindi katanggap tanggap para sa iba dahil kailangan na maduguan ang mga kamay namin para kumita.
"Let's go Ake! Nagugutom na ako" nakasimangot na aya ni Toji habang nakahawak sa tyan nya.
Sinimangutan ko din naman sya pabalik.
"Bakit kase hindi ka kumain kanina?" masungit na tanong ko habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
Kasama ko si Toji, Vincent, ang Death Gang at ang grupo ng mga weirdo sa pangunguna ni Ayato. Kaya naman pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad patungo sa cafeteria. Daig pa namin yung grupo na pupunta sa gyera kaya sama-sama.
Napatakip si Toji ng kamay sa magkabila kong tenga dahil alam nya na ayoko ng sobrang ingay. Paano ba naman kase, palibhasa ay puro lalake ang kasama ko, pagkapasok pa lang namin sa cafeteria ay mga nagsipag tilian na ang kanya kanyang fans club nang mga lalake na 'to.
Agad akong hinila ni Toji at inakbayan nang makita namin si Manang.
"Nagmamadali kase ako kanina. Yan ang sagot ko sa tanong mo" pinisil pa ni Toji ang ilong ko habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Psh!
"Hello po, Manang!" masiglang bati ko kay Manang na sinabayan pa ng pagkaway.
"Ay!" parang nagulat pa si Manang dahil napahawak pa sya sa dibdib nya. "Hello din Ineng! Kamusta na? Talaga palang napaka ganda at napaka laki ng eskwelahan ninyo ano? Tuwang tuwa at excited palagi na pumasok ang mga apo ko. At sobrang nagpapasalamat sila lalo na ako sa iyo, sa inyo" nakikita ko nga na sobrang saya ni Manang at maluha-luha pa nyang hinawakan ang kamay ko.
Hinawakan ko din ang kamay nya pabalik.
"Naku si Manang naman! Haha! Wala po yun. Maliit na tulong lang po yun"
"Hindi maliit na tulong iyon Ineng! Para sa amin na salat sa buhay ay napaka laki ng ganoong bagay" napunasan pa ni Manang ang naglandas na luha sa pisngi nya.
"Napaka-bait po talaga nitong mapapangasawa ko no Mana--Aray naman Vincent!" napatawa nalang si Manang matapos makatanggap nang batok si Toji mula kay Vincent na nasa likod pala namin.
Hindi ko na naman sya naramdaman.
Napatingin ako bigla kay Vincent. Hanggang ngayon, nahihiwagaan pa din ako sa kanya, kung bakit parang kilalang kilala nya ako. Pero hindi naman ako nakakaramdam nang panganib mula sa kanya.
"Aray!" napahawak ako sa noo ko bigla. Pinitik na naman nya.
"Ganun ba ako kagwapo para matulala ka ng ganyan?" inilapit pa nya ang mukha nya habang iginagalaw galaw ang kilay nya at may nakakalokong ngiti sa labi nya. Napasimangot nalang ako.
Hangin!
"Hindi mo nabanggit Ineng na may kakambal ka pala"
Sabay kaming napatingin ni Vincent kay Manang na nakabalik na pala sa pwesto nya habang may maganda at inosenteng ngiti na nakapaskil sa labi nya.
"Po? Manang?" napatingin pa ako kay Vincent at kay Toji at napatawa.
"Si Kuya Ichigo at Kuya Kakashi lang po ang kapatid ko Manang. Haha!" natatawa pang sabi ko kay Manang.
"Hindi ko alam kung malabo na ba talaga ang mata ko Ineng pero malaki ang pagkakapareho ninyong dalawa. Ay, hindi bale na nga lang haha! Pagpasensyahan nyo na ang matanda at kung ano ano ang napapansin ko. Sya sige at maupo na kayo doon at ipapahatid ko na lamang itong mga pagkain sa lamesa ninyo" inumpisahan na ulit ni Manang ang ginagawa katulong ang dalawang assistant na inirequest ko kay Toji.
Ngayon ko lang napansin na hindi na pala namin kasama ang Death Gang at ang grupo nina Ayato. Hindi na din maingay ang mga kababaihan at mga kabadingan na nagtitili kani-kanina lang. Napansin ko din na parang may nag iba sa dalawa pero binalewala ko nalang.
"So, anong balak nyo?" biglang tanong ko sa dalawa.
"Huh?" sabay pa nilang sabi.
"Psh! Ang sabi ko, anong balak nyo? Malapit na ang major exams natin"
"Ee di magrereview" sagot ni Toji.
"Ganyan ba ang epekto ng gutom sayo? Hays!" muntikan ko na syang mabatukan kung hindi lang sya nakailag.
"Kung magreview nalang kaya tayo ng sabay sabay? I mean group study?" ayun na naman yung paglapit nya ng mukha sakin at pagpapagalaw nang kilay.
Ahh..Ganyan pala ang gusto mo ha!
I smirk. Humalumbaba ako at nilabanan ang tingin nya.
"Gusto ko din yang naisip mo. Good Idea!" ginaya ko ang ginawa nyang pagpapagalaw nang kilay.
"Kung hindi ko lang talaga naisip na kambal kayo kanina ay bagay na bagay kayo sa isa't isa"
Bigla namang napabuga ng iniinom si Toji. Katabi ko kase sya at nasa harapan ko naman si Vincent. Hindi ko namalayang andito na pala yung mga pagkain na inorder namin kay Manang at andito na din si Manang.
"Talaga po ba Manang?" nagugulat kong tiningnan si Vincent matapos nyang hawakan ang kamay ko at dahan dahang ipinag intertwine.
"What's going on here?"
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME