Chapter 14 - Christmas Preparation...

35 4 0
                                    

TOJIRO

*DINGDONG DOORBELL*

"Hmm" ungol ko kasabay ng pagtalukbong ng kumot sa mukha.

*DINGDONG DOORBELL*
*DINGDONG DOORBELL*

"Aish!" inis kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at padabog na hinila ang orasan sa side table.

5:30am

"Sino naman kaya yung nagdo-doorbell ng ganito kaaga?" salubong ang kilay na nakipag titigan ako sa pinto na parang tumatagos ang paningin.

*DINGDONG DOORBELL*
*DINGDONG DOORBELL*
*DINGDONG DOORBELL*
*DINGDONG DOORBELL*

Inis na inis akong bumangon at tumayo dahil sa sunod sunod na doorbell ng kung sino man yun. Nagulo ko pa ang buhok ko dahil sa inis bago mag suot ng T-shirt.

Lagot sakin ang istorbong 'to!

Naalala ko si Ake. Psh! Imposibleng magising yun. Tulog mantika eh -.-

"OO NA! OO NA! OO NA! ANDYAN NA!!!"

Salubong na salubong ang kilay ko habang binubuksan ang pinto at dahil sa inis, hindi ko na tiningnan sa intercom(na kami lang ni Ake ang meron) ang kung sino mang bwisit na umistorbo sa tulog ko. Napapapikit at hikab pa ako dahil sa antok.

"What took you so long para buksan ang pinto?" napamulagat at nagising bigla ang diwa ko at parang binuhusan ng malamig na tubig sa boses na yun.

"S-senpai" nauutal na tawag ko sa kanya.

Bigla kong naisip si Vincent. Shit! Bakit naman kase hindi nagsasabi ang mga to. Oo 'MGA' kase andito ang Phantom Six.

"Mukhang antok na antok ka pa ah! Pinuyat ka ba ni Ake?" si lokong Mitsuhiko habang nakangiti nang kakaiba.

Pinandilatan ko naman sya ng mata. Fuck! ang sama ng tingin sakin ni Senpai Ichigo at Kakashi.

Siniko naman sya bigla ni Sakura kaya napadaing sya at biglang nagpeace sign. GAGO!!!

"Ahh...hehe..." nakamot ko ang batok ko.

Namo ka Tojiro! Para ka namang may ginawang masama at nahuli ka sa akto sa ikinikilos mo! Nakakabakla TnT

"What is it Tojiro Mitsuki?" nakakalokong tanong ni Kakashi habang may nakakalokong ngisi sa labi at habang pinag lalaruan ang isang dagger sa kamay nya.

Bakla man pakinggan Assassinations pero bigla akong napatakbo at napasigaw habang nakasuko ang dalawang kamay papunta sa kwarto ni Ake.

"HUWAAAAAAAAH!! AKE! AKE! AKE! HELP! HEELPPP!!!" kinalampag ko nang kinalampag ang pinto nya pero bigla kong naisip na hindi pala sya nagla-lock ng pinto kaya pumasok na ako ng tuluyan sa loob.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" narinig ko pa ang malakas na hagalpakan nina Sakura, Mitsuhiko at Suichi.

Namyu all -.-

"FUCK! WHAT HAPPENED HERE?!"

Hindi ako nagulat sa sabay na pagmumura nang magkapatid kundi sa gising na gising na si Ake na humihikab pa at sa katabi nyang.... unan?

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon