AKEMI
"Bilisan mo Vincent, late na late na tayo!" naiiritang sigaw ko kay Vincent habang tumatakbo.
Kung bakit naman kase tinopak 'to at nag dessert pa!
"Hahaha! Late na late lang Kemi, walang tayo"
Aba! Loko 'to ah! Nakikiuso pa.
"Eh, kung paliparin ko kaya sayo 'tong kunai ko? Psh!"
"Hahaha, hintay naman kase Kemi! Alam mo namang kakakain lang natin. Inaatay na ako" sinulyapan ko sya at nakahawak nga siya sa tagiliran nya.
Bale, nasa malawak na field kase kami at nauuna ako sa kanyang tumakbo.
Ang laki naman kase nang school nina Toji, siguro kapag may nag cutting class dito, hindi agad nila makikita
Tapos yung next class pa namin ay sa third floor pa. Malaki nga ang school, wala namang elevator! -.-
Binagalan ko nalang ang pagtakbo at sinabayan sya.
"Psh! Inaatay? Sigurado ka bang inaatay ka sa lagay na yan? Pero nakakatawa ka pa ah! Ice ka den" -.-
"Pwede naman kasing umakyat nalang tayo sa puno para mabilis na makarating sa room o kaya naman mag cutting nalang tayo tapos i-tour mo ako! Nice idea right?" nakangiti pang sabi niya habang winiwiggle ang kilay niya.
Huminto ako sa pagtakbo at humarap sa kanya, napahinto rin naman sya sa pagtakbo at naguguluhang nakatingin sakin.
"Hmm.. nice idea Vincent" nakangiti ko pang sabi sa kanya at..
"Aww! What was that for? Bakit mo naman ako binatukan?"
"Maganda ang mga ibinigay mong suhestiyon, pero hindi maaari. Mapapagalitan na naman ako ni Toji sa pag akyat sa mga puno at mas lalong ayokong pagalitan ng mga Kuya ko kaya.." nakasimangot na sabi ko sa kanya at hinila sya patakbo.
"Takbuhin nalang natin, malapit na naman eh"
"Bakit nga pala hindi mo pinakain sakin yung adobo na may pinya kanina?" tanong ko kay Vincent habang tumatakbo at lumilinga.
"Dahil allergic ka"
"Sa adobo? Hindi kaya! Ilang beses na akong naipagluto ni Toji...."
"Sa pinya"
"Huh?" napatingin ako sa kanya na parang hindi naniniwala.
"Seryoso. May allergy ka sa pinya! alam din yun ng mga Kuya mo at ni Tojiro"
Sasagot pa sana ako pero nasa tapat na pala kami nang classroom namin.
"Anong subject ngayon Vincent?"
"History" casual na sabi nya.
Bago ko pa man masabi ang 'patay' at bago ko pa man mapigilan na buksan ni Vincent ang pinto ay huli na, nabuksan na nya. Buti nalang naging maagap ako at nahila ko agad si Vincent pero nadaplisan ako sa may balikat kaya dumugo ng onti.
"Miss Takeno and Mr. Fuentabella! You're too early for tomorrow!" sarcastic na sabi ng History Prof namin.
Psh! Terror pa naman 'to.
"Obviously! Yes, Sir" sarcastic din na sabi ni Vincent pero sa dumudugong balikat ko siya nakatingin at nakikita ko sa mata nya na..galit sya?
"We're very sorry, Sir! Promise next time hindi na po mauulit" sincere na paumanhin ko. Alam ko naman na kasalanan talaga namin.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Vincent at mukhang kumalma naman siya. Mananapak na eh!
"Yeah, Yeah, whatever! Hindi na talaga mauulit, Miss Takeno because you, two? Pupunta kayo sa Deans office. Now!!!"
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Acción"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME