Chapter 34

11 3 0
                                    

JIRO

"Bakit naman kase humiwalay pa tayo kina Ake?" narinig kong tanong ni Jae. Pagtingin ko sa kanya ay nakanguso sya habang nakalingon pa rin sa direksyon nina Ake.

Gross

"Alam mo naman na may kinakausap pa sila at gutom na gutom na kami tapos tigkokonting oras lang ang break natin dahil nang sunud-sunod na review, nasa pinakamataas na floor pa ang room natin at wala namang elevator" mahabang paliwanag ni Kevin. Hindi ko mahulaan kung may kasamang sarkasmo sa sinabi nya.

Pero tama sya. Tigkokonting oras nga lang ang break namin dahil nang sunud-sunod na review. Masyado nilang minamadali dahil sa malapit na ang bakasyon. Tinanong ko si Kuya Tojiro kanina kung bakit nga ba minamadali pero ang sabi nya lang ay,

"Si Dragona ang umasikaso nyan. Magiging unfair nga naman daw sa mga students kung ako ang aasikaso dahil estudyante din ako"

Tama nga naman sya. Magiging unfair yun sa amin dahil masisilip nya agad kung ano ang nilalaman nang mga test papers. Pero that's Kuya Tojiro, kesehodang masilip man nya o hindi ang nilalaman ay mag eexcel pa din sya dahil matalino sya. Baka nga kung sya ang umasikaso nun ay nagpiring pa sya.

At tama din sya na nasa pinakamataas na floor pa ang room namin at wala namang elevator. Hindi ko alam kung nagtitipid lang ba sila Dad o sinadya nilang ipagawa ang malaki at malawak na eskwelahan na to ng walang elevator.

Kung hindi nyo kase napapansin, na ang mga normal o karaniwang tao lang ang nasa pinakamababang palapag at kami naman na nabibilang sa tinatawag na Code X o Gangster, Assassin, Reaper, Mafia or Yakuza ang mga nasa pinakamatataas na palapag. Hindi naman to matatawag na diskriminasyon para sa mga pangkaraniwang tao dahil para sa kanila din naman yun. Dahil kung hindi nyo naitatanong ay may kakaibang topak si Dad na hindi rin namin minsan nagugustuhan. Paano ba naman kase ay naglagay sya ng mga patibong sa pinakamatataas na floor kung saan kami nabibilang, kung saan ang mga nasa Code X lang ang nakadadaan. Hindi rin minsan ito naaactivate kaya nagugulat ang iba at ang akala nila ay may pumupuntirya sa kanila pero wala namang tao.

Sabi kase ni Dad, dati daw ay exclusive lang ito originally sa mga anak nang assassin na namatay sa digmaan noon at sa mga hindi pangkaraniwang tao katulad nang mga nabibilang sa Code X pero naisip nila na sayang nga naman ang oportunidad at panahon na makapag aral para sa mga pangkaraniwang tao.

Kung itatanong nyo kung paano nakakadaan ang mga Prof para makapagturo sa amin, yun ay sa kadahilanang hindi pangkaraniwan ang mga guro dito. Mga well trained Assassin sila at talaga namang sa butas nang karayom dumaan para lang mapili na makapagturo sa eskwelahan na ito. Kaya kung hindi nyo napapansin ay hindi masyadong magulo at madugo ang paligid dahil sa kanila at nakasaad naman iyon sa pinirmahan nila. Ang mga kabilang sa Code X ay kinakausap privately at ipinapaliwanag ang mga patakaran katulad nang sinabi kay Ake sa mga naunang chapter. Dahil kapag nilabag nila ang mga patakaran lalo na ang pumatay ay maaari silang maexpel at ang masama pa roon ay may tutugis pa sa kanila para paslangin.

Hindi din kase biro ang pumasok sa eskwelahan na ito. Dumadaan lahat sa tinatawag na examination at kapag nakapasa, maaari na syang makapasok. Talino at behavior naman ang tinitingnan at mahalaga sa pag aaral at hindi kung gaano kaganda at kamahal ang brand nang sasakyan, kung gaano kamahal nang isinusuot na damit o alahas o kung gaano karangya ang buhay at nagpapalakpakang salapi dahil kung tamad ka namang mag aral ay balewala lahat nang nabanggit. Pero paano nga ba nalalaman kung nabibilang ang estudyante sa pangkaraniwan o dapat ba syang ibilang sa Code X? Simple lang, sa pinaka last part nang examination paper ay may tanong na "What is the passcode?" nakasulat ito sa morse code at kakaibang uri ng ink ang ginamit sa pinakahuling tanong. Ito ay maihahalintulad sa binubunot na papel para makakuha ng makulay na sisiw kapag fiesta pero hindi na ito kailangang basain pa at ang mga nabibilang lang sa Code X ang may kakayahang makita ito at makaunawa sa nais ipahiwatig nang katanungan. Pero hindi lahat ay alam ang tungkol sa bagay na ito. Hindi lahat ay alam na pinagsama sama ang mga nabibilang sa Code X. Tanging ang mga owner lang ang nakakaalam at syempre kayo dahil sinabi ko pero sshhh lang kayo.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon