TOJIRO
Kakatapos ko lang pirmahan ang huling papeles na pinapasign sakin ni Dragona este Auntie pala ng makatanggap ako ng text galing kay Ake na sinasabing mauuna na daw syang umuwi. Wala naman akong load kaya hindi ko na sya nareplayan at alam kong alam naman nya ang daan pauwi.
Kinuha ko nalang ang mga papeles at gamit ko, lampas alasingko na din kase ng hapon at pagabi na kaya kailangan ko na ding umuwi. Hindi na nga ako nakakapasok sa mga classes ko dahil busy sa mga paperworks bilang Dean, pero naiintindihan naman daw nang mga Prof namin at bibigyan nalang ako ng module para makahabol sa mga lesson, pwede din naman akong magtanong kay Ake at tingnan ang mga notes nya.
"Miss pakibigay nalang nito kay Dra--Auntie hehe tapos ko ng pirmahan lahat yan" sabi ko sa secretary ko na hindi ko alam ang pangalan. Tumango at ngumiti lang naman sya kaya umalis na ako dun. Narinig ko pa nga syang tumili pagkatalikod ko.
Eh? Anyare dun?
"Tojiro!"
Napalingon ako sa tumawag nang pangalan ko. Sya pala.
"Oyy! Lokong Mitsuhiko!" tawag ko rin pabalik sa kanya habang nakangiti. Natigil sya sa pagtakbo palapit sakin at nanlalaki ang matang idinuro ako.
"I-ikaw! Anong itinawag m--"
Parang nakakita ako ng usok sa namumula nyang mga tenga kaya sinimulan ko ng tumakbo patalikod habang tumatawa at hindi nga ako nagkamali ng tumatakbo din syang lumapit sakin.
"Run for your life, Mitsuki!" nanggagalaiting sigaw nya habang ako naman ay tawa parin nang tawa na tumatakbo ng patalikod.
Pikon amp!
Nangunot ang noo ko ng tumigil sya sa pagtakbo at mas nangunot pa ng sa hindi kalayuan ay nakita ko si Sakura at ang Phantom Six na tumatawa.
Asan ang Lider nila?
Nalaman ko ang sagot sa tanong ko nung bigla nalang akong tumaas sa ere at masakal nang bahagya.
"Maaatrasan mo ko" walang kasing lamig na bulong nya na nakapagpataas nang balahibo sa batok ko at balewalang inihagis ako sa lupa na naagapan ko naman dahil nakapag balance agad ako.
"Psh! Parang hindi nya ako nasakal gamit ang damit ko, ah!" bulong ko habang nakahawak sa leeg.
"What is it Tojiro Mitsuki? Hindi ko marinig" walang paglagyan ang sarkasmo sa tinig nya. Nabatukan ko ang mamamatay na sa pagtawang si lokong Mitsuhiko. Kala mo ah! I smirk.
"Tojiro nasaan nga pala si Hime?" tanong ni Kakashi habang sa daan nakatingin at pinaiikot sa daliri nya ang kanyang kunai.
Sabay sabay na naming tinungo ang direksyon nang parking lot habang nangunguna as usual si Ichigo senpai na animo'y palaging nababalutan nang itim na aura. Buti kamo at wala na yung mga palaging tumitili kapag dumadaan kami lalo na s'ya.
"Nagtext sakin kanina na mauuna na daw syang umuwi" sabi ko nalang. Nakita ko syang tumango tango.
"Where's Vincent?" biglang tanong ni Ichigo senpai habang diretsong nakatingin sa daan at nakapamulsa ang parehong kamay.
"Iduno" sagot ko sabay sipol.
Maghapon kase akong nasa office at walang ibang ginawa kundi magbasa at pumirma. Narinig ko naman ang matunog nyang pag smirk.
"Okay! Somehow alam ko kung nasan sya" sabi ko sabay buntong hininga. Tsk! Wala talagang makakalampas sa isang Ichigo Takeno.
Pagkarating sa parking lot ay nagtanguan at nagpaalaman lang kami sa isa't isa at sumakay na sa kanya kanya naming sasakyan.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME