Chapter 31

18 3 0
                                    

TOJIRO

Dali dali akong pumunta sa mansyon nang mga Takeno. Hindi ko na sinundan yung mga lalaki na nanloob sa unit namin ni Ake. Bukod sa wala naman silang gawa sakin ay mukhang alam ko na kung sino ang nagpadala sa kanila.

That bastard!

"Senpai Tojiro" bating bungad sakin ni Leo.

"Hinahanap ko si..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko, ng mula sa itaas nang receiving area ay makarinig kami ng ingay.

"Kuya..bakit ba mukhang nagmamadali ka? Antok pa ako eh!" reklamo ni Kakashi na humihikab pa.

"Just do what I say Kaze" sagot naman ni Ichigo na idiniin pa ang bansag kay Kakashi habang nagsusuot nang leather jacket pagkatapos ay pumasok ulit sa loob nang kwarto nya.

Si Kakashi naman ay kakamot kamot sa batok na sumunod sa kapatid na pinasok ang magkakatabing kwarto na mukhang alam ko na kung kanino.

Habang parang tanga akong nanunuod dito sa baba, pabalibag na bumukas at lumabas sa kwarto nya si Ichigo bitbit ang paborito nyang katana.

Sa magkakatabing kwarto naman na pinasok ni Kakashi ay isa-isang lumabas ang Phantom Six na mga nakapantulog pa at naghuhumikab. Huling lumabas ng kwarto si Sakura na pupungas pungas pa ang mata sa kaantukan.

Ang sumunod na nangyari ay syang ikinalaki ng mata ko at ikinagising nang diwa ng mga kagigising lang na mga Assassin.

Bitbit ang katana, tinalon lang naman ni Ichigo ang mataas na grand staircase ng mansyon nang mga Takeno at lumanding mismo, dito mismo, sa harapan ko.

"What are you staring at Tojiro? Let's go! My sister's life is in danger! Damn that bastard!" hindi ko man nakikita sa mukha nya pero ramdam na ramdam ko ang galit sa boses nya.

Nakakapagtaka naman ata...

I mentally slap my forehead.

Hindi ko nga pala naipaliwanag nang maayos ang nangyareng sitwasyon sa kanya kanina. Hindi ko nasabi na wala naman doon ang kapatid nya. Bukod kase sa pagmamadali ko sa pagpunta dito, ay may tinawagan pa ako, kaya ang nasabi ko lang sa kanya ay..

Pinasok kami.

Gusto kong matawa sa ka OA-yan nang pinuno ng mga assassin pero hindi akma sa sitwasyon.

"Pero wala doon si Ake..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng itutok nya ang katana sa leeg ko.

"Ang sinasabi mo ba ay nakuha nila ang kapatid ko?"

Ang advance naman mag isip nito.

Naipilig ko ang aking ulo at napailing sa kalokohang pumasok sa isip ko.

Umayos ka Tojiro!

Singhal ko sa aking sarili.

Unti-unti ng naglalabas nang itim na aura si Ichigo na syang bumabalot sa pagkatao nya. At ang sitwasyong ito ang mas delikado kaya dapat ayusin ko na ang sagot ko.

"What the hell are you doing Kage" isang baritonong boses ang nagpatinag sa umuusbong na tensyon sa pagitan namin ni Ichigo. Nanggagaling ito sa likod ko.

Si Master Riko Takeno.

"Your sister is safe. So put that sword down and follow me" ibinaba na nga ni Ichigo ang katana at walang emosyong sumunod sa kanyang ama.

"You also Tojiro and the rest of Phantom Six members" ang sunod na narinig ko nalang ay ang pagbukas at pagsara ng pinto ng dojo.

Napatingin ako sa taas at hindi man kita pero alam kong nandun parin ang ibang Phantom Six na hindi ko na pagtatakhang naramdaman ang presensya ni Master Riko.

Iiling iling na bumaba si lokong Mitsuhiko mula sa grand staircase habang may nakakalokong ngisi sa labi na inakbayan pa ako at hinila papunta sa loob nang dojo. Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila nalang.

"What's this all about Dad? I'm supposed to find now my sister, who's life is in danger!"

Hindi talaga kakalma ang isang Ichigo Takeno hanggat hindi nya nakikita ang kapatid nya.

"I already told you that she's fine. Ano ang hindi mo maintindihan doon Ichigo?" kalmadong pahayag ni Master Riko.

"Pwede bang ipaliwanag nyo nalang?"

Sumabat na si Kakashi na tila naguguluhan sa nangyayari.

"She's in the house of Shadow Reaper's leader, that's why she's safe" kaswal lang na pahayag ni Master Riko.

"WHAT?" si Mitsuhiko. "She's in the house of what? That's bullshit!"

I sigh

Ang intense ng mga pangyayari, amp.

"Kalma lang mga apo, pwede? Hahaha!"

Mula sa isang madilim na parte na kwarto sa loob ng dojo, ay lumabas si Hayashi-sama na may bitbit na isang CD?

"Mga inaantok pa siguro kayo kaya may ipapapanood ako sa inyo na syang ikagigising ng mga diwa nyo. Hahaha!"

Halos lahat kami na nasa loob ng dojo, maliban sa dalawang elder ay nagtaka sa kung ano man ang ipapapanood sa amin ni Hayashi-sama.

Sa umpisa ay may naglalakad na babae at mukhang estudyante base sa suot na uniporme na pamilyar sa akin. Hindi ko lang makita kung sino yung babae dahil nakatalikod sya sa camera o kung ano mang gadget na ginamit para makakuha ng video. Ang sunod ay biglang may limang lalake na namumukhaan namin dahil nakaharap sila sa gawi ng camera.

Mukhang kilala ko na kung sino yung babae.

Nakakabigla ang sumunod na pangyayare dahil naging madahas at madugo ang laban na kung titingnan ay walang laban yung limang lalake.

Sa huling footage ay naging malinaw na at kitang kita na namin ang duguang mukha nung babae.

Si Akemi

At halos hindi na namin kinaya ang sumunod na nangyari. Tumalikod na ako sa malaking monitor na nasa dojo at hindi ko na tinapos ang video. Ewan ko lang kay Ichigo.

"Hahahaha! Mukhang gising na gising na kayo ngayon mga apo!" tuwang tuwa pang pahayag ni Hayashi-sama.

Ang weird talaga ng family nila.

"Kaya pala..." ang narinig ko na tanging naiusal lang ni Sakura.

"W-what happened to her?" hindi makapaniwalang tanong ni Suichi.

"Katulad nang nakasaad sa propesiya" si Hayashi-sama.

Naging matunog naman ang pagngisi ni Ichigo.

"No. Haha of course.. No. Bata pa ang kapatid ko" walang emosyong pahayag ni Ichigo.

"Of course..Yes! Hindi naman mapipigilan nang pagiging bata nya ang propesiya. At alam mo yan Kage"

Natahimik ang lahat nang nasa loob nang dojo lalo na ako.

Hindi ko alam ang tungkol sa propesiya na sinsabi ni Hayashi-sama.

Hindi ko alam kung yung propesiya ba na sinasabe nya ay makakabuti o makakasama.

At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ni Ake sa usaping to at ang tungkol sa kanya.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon