Chapter 20 - Back to School - Part 2

20 3 0
                                    

JIRO

"Asan na kaya si Ake? Afternoon class nalang ang maaabutan nya. Absent ba sya? Gusto ko na syang makita! Lider!" sigaw sa mismong tenga ko ni Joon Jae.

Naiimagine kong nakanguso sya ngayon kahit nakaubob ako. Gross!

"Hahahaha! nababakla kana naman pre! Hahahaha!" halos maglupagi na si Steven sa sahig, kakatawa.

Kahit lunch break na, andito parin kami sa classroom. May dala namang pagkain 'tong si Kaizer na kasya sa'ming anim kaya hindi na kami nag abala pang pumunta ng Cafeteria at wala rin kami sa mood para pumunta dun, matutuliling lang ang mga tenga namin dahil sa tili nang mga babae at dahil wala rin naman si Ake.

"Tawagan mo nalang kaya! Psh!" si Sky. May napapansin talaga ako dito, dati pa.

"Tama! Tama ka, Sky! Lider!" malakas na tawag sakin ni Joon Jae na parang dalawang bundok ang layo namin sa isa't isa.

"Tawagan mo na!" nakangiti pa sya nang malapad nyan.

"Ang lakas ng tama mo kay Ake ah Hahaha!" si Kevin.

"Kaya nga! Sa lakas ng tama, nakalimutan na kung sino ang inuutusan nya! Hahaha!" si Kaizer.

Natawa nalang ako sa mga komento nila. Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang mapangiti nalang ako bigla.

"Err.. ang creepy ni lider! Bakit ka bigla biglang ngumingiti?" si Joon Jae.

Clueless na nakatingin lang din sakin ang ibang gang mates ko.

"Andyan na sya" nakangiti, naiiling na sabi ko.

"Sinong andyan n---" hindi na natapos ni Sky ang sasabihin nya, nang eksaktong may narinig kaming kalabog sa may bandang likuran ng kwartong inuukupa namin.

"Psh! Mali ang tantya ko!"

At nag takbuhan sila.

AKEMI

10 minutes nalang matatapos na ang lunch break at pagkatapos nun ay magsisimula na ang afternoon class. Hindi na ako pwedeng ma-late o umabsent, mahuhuli ako sa mga lesson.

Kaya naman, sinamantala ko ang pagkakataong lunch break pa at nasa cafeteria pa ang mga tao at humanap ng puno na malapit sa classroom namin sa 5th floor.

Wala namang kahirap hirap na nakaakyat ako sa itaas at eksaktong may nakabukas na bintana sa room namin. Kinalkula ko ang layo nang puno at bintana at kung saan dapat ako maglalanding. May mga nakaharang din kaseng upuan.

Eksaktong pagtalon ko, may nagbato sakin ng shuriken. Kahit split seconds lang yun, nakita ko kung ano ang ibinato at kung gaano kalakas ibinato sa direksyon ko pero nasalo parin ng kanang kamay ko, yun nga lang nawalan ako ng balance at nasagi ang ilang upuan na nakalikha nang kalabog.

"Psh! Mali ang tantya ko"

Dapat kase wala akong masasaging upuan. Dahil sa nangyari, isang upuan lang dapat ang masasagi ko, kung hindi ko sinalo yung shuriken.

Pero kung hindi ko din naman gagawin yun, mas malaking damage ang mangyayari. Mababasag ang bintana, madadamay ang mga normal na tao sa baba. Aalarm sa Dean's office, lagot ako sigurado kay Toji at yung ang nakakainis.

"AKEEEEEEE!!!!" nanlaki ang mata ko at nabigla sa mga bulto nang tao na tumatakbo palapit sakin.

Eh? May testigo?

Pero bago pa sila makalapit sakin..

"Op! Op! Op!" pigil ko sa kanila.

"Y-yung kamay mo Ake!" turo ni JJ sa kamay ko, na ngayon ko lang napansin na dumudugo na pala.

"Ahh!" ang tanging nasabi ko habang tumatango at pinagmamasdan ang hawak kong shuriken.

"Kemi!" natigilan ako at napako ang paningin sa hawak na shuriken. Naalala ko na naman ang narinig ko nung gabing yun.

"Kemi! Ayos ka lang ba? Shit! Anong nangyari dyan?" kinuha nya ang kamay ko at natigilan, kalaunan ay kinuha ang shuriken at tinalian ng panyo ang kamay ko.

"Ayos ka lang ba? Hindi ba masakit?" sunod sunod na tanong nya. Napangiti nalang ako.

OA parin amp!

"Ayos lang ako! Mukha ba akong nasaktan? Hahaha!" tinapik ko lang ang balikat nya and mouthed thankyou at nagtungo na sa upuan ko.

Dumating na kasi ang Prof namin kasunod ang mga estudyante at kakaiba na naman ang tingin nila sakin pero nag iwas ng tingin matapos makita ang kamay ko na may panyo at nababalot na nsng dugo. Yung iba nakangiti at binati ako.

Plastic! Nalaman lang nila na kapatid ko si Kuya Ichigo.

Umupo na din naman si Vincent sa tabi ko na biglang natahimik. Nagkamustahan lang kami ni Jiro at iba pang Death Gang.

I miss their company *^_^*

SOMEONE

"Loko ka talaga, Reaper! Hahaha!" tumatawang sabi ni Rage habang pinaglalaruan ang hawak nyang mansanas.

"Ang lupet nya, Shiver" namamanghang sabi ni Gunner.

Nakahalumbaba pa talaga sya habang sinasabi yan. Hindi naman sya pinansin ni Shiver na kumuha lang ng mansanas at kinain.

Andito kami ngayon sa itaas ng puno, malapit sa 5th floor. Magpapahinga lang sana kami at kakain ng mansanas pero may nakaagaw ng atensyon ko.

"Buti kamo hindi sya nahulog, kung hindi lagot tayo pare-pareho! Mga loko!"

"KJ mo talaga, Knuckles!" binato ko sya ng mansanas pero sinalo nya lang at kinain.

Binalingan ko naman yung isang nakahalukipkip at nakasandal sa puno.

Tulog?

"Zero" tawag pansin ko sa kanya. Nakita ko namang nangunot ang noo nya.

"Nakita ko na sya. Ang target natin"

Nakita ko kung paanong dahan dahang nagmulat ang mga mata nya. Tiningnan nya ako ng blangko, pero naninigurado.

"Akemi Takeno"

Bigla syang tumayo at tumalon sa kabilang puno.

"Let's go!" yun lang ang sinabi nya at tumalon na pababa nang walang nakakapansin.

Wala naman kaming nagawa at sumunod nalang din kami sa kanya. Sinulyapan ko pa ang pinasukan nya at tuluyan ng umalis.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon