Chapter 24 - Bangungot

21 3 0
                                    

AKEMI

Tapos na ang lahat nang panghapon naming klase at nasa may gate na ako ng school, iniintay si Toji. Iisang sasakyan lang kase ang ginamit namin kaninang umaga pagpasok at sa kasamaang palad ay ako ang nakiangkas. Isasabay na nga sana ako ng Death Gang kanina pero anim sila at iisang sasakyan lang din ang gamit nila, kay Jiro. Ewan ko ba sa mga yun, may kanya kanya namang sasakyan nakikigaya ding makiangkas.

Nagtitipid sa gas?

Wala naman si Vincent, nung umaga pa absent.

Kaya nagdesisyon akong maglibot nalang muna at maghanap nang tindahan nang pagkain. Kanina pa kase kumakalam ang tiyan ko sa gutom.

Habang naglalakad ay kinuha ko na din ang cellphone ko at itinext si Toji na mauuna na ako sa kanyang umuwi. Wala naman akong natanggap na reply sa kanya kaya itinago ko na sa bulsa ng uniform ang cellphone ko. Yes, may uniform na kami. Ang cute nga ng style eh, parang sa anime. Pero mas cute ang sa'ming mga babae kase blouse na white sya pero may linings ng black pati yung pinaka cape sa likod ay kulay black na may linings naman ng white. Kulay black ang necktie na may linings din ng white. Maigsi nga lang yung palda kase hanggang mid thigh sya at kelangan mong mag cycling dahil masisilipan ka talaga. Kulay black din ito together with a pair of black socks na hanggang tuhod at black shoes. Oh diba anime na anime ang datingan.

Sa paglalakbay ko upang makahanap ng makakain, charot lang. Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa park. May mangilan ngilan na mga bata pero karamihan ay matanda na kakalabas lang nang opisina at yung iba siguro ay hinintay tumago si haring araw. Yung iba naman ay mga kaedaran ko at mukhang galing pa sila sa school, dahil ang karamihan ay mga nakauniporme pa. Marami rami na din ang stall nang mga pagkain at iba pang tindahan na nagbubukas lang kapag pagabi na. Kaya parang nagningning ang mga mata ko sa nakikita, hindi pa man natitikman ay batid kong masasarap, dahil pati mata ko ay nabubusog na.

Nakangiting naglakad ako at nilagpasan ang magagarbong stalls at nilapitan si Manang na kasalukuyang nagpapabaga ng uling.

"Magandang gabi po, Manang!" nakangiting bati ko sa kanya at umupo sa wala ng sandalang upuan na sadyang nakalaan sa mga customer na katulad ko. Nginitan ko rin ang kasama nyang batang babae na sa tingin ko ay apo nya, na sinuklian din naman ako ng ngiti.

Tila nagulat si Manang sa presensya at biglaang pag upo ko pero kalaunan ay ngumiti din sakin.

"Magandang gabi din, Ineng. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" nakangiting bati at tanong sakin ni Manang habang nagpapaypay nang pinapabagang uling.

"Bibili po ako Manang nang paninda nyo" sabi ko kay Manang habang nakangiti at sa paninda nya nakatingin.

"Alin Ineng dyan at ilan?" tanong ni Manang.

"Lahat po yan Manang" magiliw at nakangiti kong baling kay Manang.

Tila nagulat na naman si Manang dahil nabitawan nya ang kanyang pamaypay at nanlalaki ang mga hindi nya makapaniwalang mata na nakatingin sakin. Natauhan lang si Manang nung iabot nang apo nya ang kanyang pamaypay.

"Sus, ginoong bata ka! Sigurado ka ba, aineng?" hindi talaga makapaniwalang tanong ni Manang.

"Opo, Manang. Siguradong sigurado po ako" nakangiting sabi ko kay Manang. "May pambayad po ako Manang" ipinakita ko pa kay Manang ang pera na dinukot ko sa bulsa ng palda ko habang nakanguso.

"Hala, Ineng. Pasensya na kung mali ang dating sayo ng reaksyon ko. Alam kong may maipambabayad ka base sa uniporme mo, pero hindi ko lang talaga inaasahan na may bibili pa sa paninda namin ngayon at pinakyaw pang lahat" hinging paumanhin ni Manang.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon