AKEMI
"Shin please, please listen to me first" pagmamakaawa ko sa kanya habang tumatakbo para sundan sya.
Shit! Naiiyak na ako.
"Stay away from me, Akemi" malamig at puno ng poot na sabi nya saken habang naglalakad ng mabilis.
"Shin please listen to me first. It's not what you think.. please let me explain first" nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha.
"Aishiteru Shin-kun"(I love you Shin) tumigil naman sya pero hindi lumingon saken.
"Stay away from me.. killer" napaupo nalang ako habang nakatingin sa papalayong likod nya. Ang sakit.
No no no
Hindi ko pinatay ang kapatid nya.
"NO!!" nagising ako bigla na pawis na pawis. Yung panaginip na ayoko nang maalala.
Nagulat nalang ako nung may nagpahid ng luha sa pisngi ko at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Ssshh.. tahan na.. sleep now, my Ake" naramdaman ko pang hinalikan nya ang noo ko at hinaplos haplos ang buhok ko, with that, nakatulog na ulit ako.
TOJIRO
Napabuntong hininga ako habang tinititigan ang natutulog na mukha ni Ake. May bakas pa nang natuyong luha sa pisngi nya. Kumuyom ang palad ko sa galit.
That Fucking bastard!
Kung pinagpaliwanag nya lang si Ake noon...
"Ayos lang ako Toji. Don't worry. Wakatta?" Nakangiting sabi nya. Gising na pala to. Ganun ba kalalim ang iniisip ko? Napangiti nalang din ako at bigla syang niyakap ng sobrang higpit.
"Andito lang ako, Ake. Hindi kita iiwan. Kahit ilang demonyo pa yan o kahit si Kamatayan, kakalabanin ko para sayo" seryoso at sinserong sagot ko sa kanya. Ginulo naman nya ang buhok ko at niyakap din ako nang sobrang higpit.
"Arigatou Gozaimasu Tojiro-kun"(Thankyou so much) sinsero din na sabi nya. Maya maya
"Labas kana Toji at magluto. Gutom na ako, hahaha" tingnan mo 'to ang seryoso na kanina at feel na feel ko pa yung pagyakap, pero sige na nga.
"Oo na, sige na lalabas na para makaligo kana din baka ma late ka pa at may panis na laway ka pa dyan, hahaha" nagtatakbo na ako palabas ng kwarto bago pa nya ibato ang kunai nya at eksaktong pagkasarado ko nang pinto..
Hoo!
Tumusok ang kunai sa pinto. Muntik na ako dun.
Napapailing nalang ako at nagkakamot ng ulo na tumungo sa kusina para magluto.
AKEMI
Kasalukuyang nandito ako ngayon with the Death Gang sa classroom hinihintay ang pagdating ng Prof namin. Kanina, inihatid ako dito ni Tojiro. Nagulat pa nga ako nung sinabi nyang sya na ang magmamanage nitong school at may surprise pa daw sya saken.
Hindi pa ba yun ang surprise nya?
"Good morning class, sorry kung late ako. Ipinatawag kase kaming mga Prof ng bagong Dean. So, anyways we have a transferee" sabi nang Prof at pumunta sa pinto. Transferee?
Hindi ko nalang pinansin at humarap nalang ako kay Jiro.
"Jiro alam mo ba na si Toji na ang mag mamanage nitong school?" tanong ko kay Jiro.
"Oo, actually kagabi lang. Gusto kase nang parents namin na dun nalang daw sila sa bahay dahil matanda na daw sila. Psh, pero kung kumilos naman parang teenager pa din."
"BWAHAHAHA" hagalpak na tawa ko. Nakabusangot kase ang mukha nya habang sinasabe nya yung huling part.
"MISS AKEMI!!!" napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa Death Gang na nagpipigil ng tawa. Nakatingin na din pala saken ang mga kaklase ko, bago ko ilipat ang tingin sa Prof namin na nanggagalaiti sa galit, nanlalaki pa nga ang butas ng ilong at mata nya eh.
"Ayos lang, Miss. Tapos na naman kaming magpakilala" naagaw ng boses na yun ang atensyon ko.
Toji?
Pero mas naagaw ng katabi nya ang atensyon ko. Anong ginagawa nya dito?
"Kemi!" nakangiti at kumakaway na tawag saken ni Vincent. Oo, si Vincent nga na hindi ko maramdaman agad ang presensya.
"O-okay you may seat now and we will continue our lesson..." sabi nang Prof at nagsulat na sa white board.
Nangungunang umupo sa tabi ko si Vincent kaya walang nagawa si Toji kung hindi palipatin ng upuan si Jiro at sya na ang umupo sa upuan kanina ni Jiro na katabi ko.
Bale si Vincent-Ako-Tojiro-Jiro-Sky sa unahan naman namin nakaupo ang iba pang Death Gang.
"Anong ginagawa nyong dalawa dito lalo kana Vincent?" kunot noong tanong ko kay Vincent na nakangiti na naman.
Smiling face?
"Ito yung surprise ko sayo Ake, dito na din ako mag aaral while managing the school" bulong saken ni Toji.
"Kasama ba sya sa surprise mo?" bulong ko din sa kanya.
"Oyy, naririnig ko kayo ah" singit naman ni Vincent. Psh! Hindi ko nalang pinansin at tinaasan ng kilay si Toji.
"Hindi ah. Hindi sya kasama sa surprise ko, bigla nalang syang sumulpot kanina. H-hindi ko nga kilala yan" nakaiwas ng tingin na sabi ni Toji. Hmm. Tumingin ulit ako kay Vincent.
"Dito na din ako mag aaral Akumu" bulong nya sa tenga ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
Bakit ba ganito ang epekto nang lalaking 'to saken?
Humarap nalang ako sa unahan at kunyare nakikinig sa Prof.
Hoo! Ang init.

BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME