AKEMI
Nandito na nga kami sa mall at tawa ako nang tawa. Paano ba naman kase ang dami nilang alam na kalokohan. Pinagtitinginan na nga kami. Bigla naman akong napatigil sa pagtawa at paglalakad ganun din sila. Alam kong naramdaman din yun ni Toji, ewan ko nalang sa Death Gang. Nakatingin lang kase sila sa amin eh at parang naguguluhan.
"Ano yun Ake? Kuya?" tanong sa amin ni Jiro. Alam nga pala nya na assassin kami.
"Ano yun Jiro? Ake? Kuya Tojiro?" naguguluhan ding tanong ni Kaizer.
"May nakamasid sa'tin" bulong ko sa kanila. Tumango naman si Toji.
"Nakamasid? Baka isa lang yan sa mga customer dito?" sabi ni Joon Jae.
"Hindi pa pumapalpak ang pakiramdam ko. Malakas ang presensya nya kaya hindi sya basta basta. Act cool. Wag kayong papahalata. Maglakad lang kayo nang normal. Toji, ikaw muna ang bahala sa kanila" tumango lang naman si Toji.
"Bakit? Saan ka pupunta Ake?"
Hindi ko nalang pinansin si Sky at pasimpleng umalis. Tahimik akong pumunta sa kinaroroonan ng taong nakamasid sa amin.
Hindi mo matatakasan ang isang Akumu. I smirk.
SOMEONE
"Boss nandito siya sa mall may kasamang pitong lalaki. Si Akumu lang po ang namumukhaan ko boss.. opo.. sige, Boss Shin.. patawad po sa pagbanggit ng pangalan nyo.. opo mamanmanan ko siya nang mabuti" ibinaba ko na ang tawag kay boss at tiningnan ulit kung nasaan sila.
Nagpalinga linga pa ako at hinanap si Akumu.
"Asan na yun?"
"Looking for me eh?" malamig na tanong sa akin nung nasa likod ko.
Pagharap ko, isang malakas na sapak sa mukha ang natanggap ko sa kanya. Nakasumbrero sya na halos matakpan na ang mukha nya.
Bago pa ako makabunot ng baril, isang malakas na sapak na naman ang natanggap ko kaya nahilo ako at ramdam ko din na pumutok ang labi at kilay ko.
"Hindi ka magaling magmanman" nakakakilabot na bulong nya saken at hiniwa ang braso ko gamit ang kunai nya kaya napahiyaw ako sa sakit.
Sasagot pa sana ako pero ramdam kong itinarak nya ang kunai sa lalamunan ko. Kita ko pang sumirit ang dugo ko sa mukha nya at parang nasiyahan pa sya sa ginagawa saken.
"A-aacck p-patayin m-mo n-nalang acck-ko" hirap na hirap na sabi ko.
"Shi'ne" ang huling narinig ko bago nya laslasin ang leeg ko.(Die)
AKEMI
Lintek na demonyong Shin yun sya parin pala ang nasa likod nito, pero natuwa akong paslangin yung espiya na yun. Hays, paano ba 'to?
Ipinunas ko muna ang kamay ko na may dugo sa damit ko at tinawagan si Tojiro.
"Toji! Puntahan mo ako dito. Tsk!" yun lang at ibinaba ko na ang tawag. Matatrack nya naman kung nasaan ako.
Umupo nalang ako sa katawan nitong pinatay ko. Hindi kami nakikita nang mga tao dahil andito kami sa isang stall na sarado at mukhang ginagawa palang kaya walang napapadpad dito.
Dumating na din naman si Tojiro kasama yung anim at mukhang nagulat pa sa inuupuan kong katawan ng tao na walang ulo at braso at sa mukha ko na puno ng dugo.
May naisip naman akong kalokohan.
Ngumisi ako sa kanila at dahan dahang lumapit habang dala dala ang kunai ko. Mukhang natakot naman silang anim kase umatras sila saken.
"Ake!!" saway saken ni Tojiro. Napasimangot nalang ako.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Aksiyon"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME