AKEMI
"Hmm..pwede na" komento ni Ayato matapos makitang suot ko na ang uniform na ipinahiram sakin ni Aya. Parang napilitan lang syang magkomento at yun lang ang tanging nasabi nya.
"Yun lang ang masasabi mo Kuya? Pwede na?" hindi makapaniwalang sabi ni Aya. "Ang ganda kaya ni Ate. Parang isinukat ang uniform ko sa kanya" nagniningning pa ang mga mata ni Aya habang nakatingin sakin at nakangiti ng maganda. Nginitian ko nalang din naman sya pabalik.
Mabuti nalang rin at nakablack doll shoes ako nun, pwede ng iterno sa uniform dahil siguradong walang magkakasya sakin kung pati sapin sa paa ay hihiramin ko kay Aya.
Wala naman talaga akong pakielam kung anong maging itsura ko sa uniporme na ito, ang mahalaga ay makapasok ako at malaman kung kamusta na si Akari at Tojiro.
Matapos mag agahan ay sabay sabay na kaming pumasok sa school nina Aya. Syempre pagkababa palang namin ng sasakyan ay nagtutumi-tili ang mga kababaihan, hindi dahil sakin o kay Aya kung hindi dahil sa lalaking may wirdong buhok.
Habang nilalampasan namin ang mga makabasag eardrum na mga babaeng ito, palibhasa ay nahuhuli ako, hindi nakalampas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila tungkol sakin. Kesyo kay bago bago palang daw nung transferee ee nilalandi ko na.
I mentally roll my eyes
Hindi rin nakaligtas sakin ang masasama nilang tingin. Wala naman akong pakielam dun dahil mas kilala ko parin ang sarili ko, kung alam lang nila.
I unconsciously smirk for that thought
"Tinatakot mo sila" bigla ay nagsalita si Ayato. Napatingin ako sa kanya na diretso lang ang tingin sa daan habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pants nya at sa mga kababaihan na bigla nalang tumahimik. Wala na din pala si Aya.
"Asan na si Aya?" luminga linga pa ako sa paligid habang naglalakad kasabay ni Ayato.
Itinuro nya lang ang pinakamalapit na daan para mabilis na makarating sa building ng mga first year.
Kanina ko lang nalaman na first year lang pala si Aya. Matangkad kase sya para sa isang first year though mas matangkad pa din ako sa kanya.
Matapos nun ay wala na kaming imikan na nagpatuloy sa paglalakad. Nung makarating na kami sa gitna ng field ay huminto ako kaya huminto din sya.
"Ahmm.." nakamot ko pa ang batok ko. "Thankyou nga pala kagabi sa pagpapatuloy at pagpapatulog sa bahay nyo kahit biglaan lang yun at hindi pa natin kilala ang isa't isa" nag bow pa ako sa kanya tanda na sincere talaga ang pagpapasalamat ko. Kahit na alam kong may kakaiba sa grupo nila at hindi sila mga ordinaryo, as long as wala silang ginagawa sa akin na masama ay ayos lang na nasa paligid ko sila kahit nawiwirduhan talaga ako sa kanila.
Nung umayos na ako ng tayo at tumingin sa kanya ay may nakakaloko ng ngiti sa mga labi nya. Napataas naman ang kilay ko sa inasta nya.
Ayaw nang pasasalamat?
"Kung ganon ay..." binitin nya pa ang sinasabi nya. "Gusto mo pang kilalanin natin ang isa't isa?" Ayun na naman yung nakakalokong ngiti nya.
"May sinabi ba akong ganon?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Kasasabi mo nga lang ee" natatawa pang sagot nya.
"Pwes, mali ang pagkakaintindi mo kung ganon"
"HAHAHAHAHAHA! BUUUURN!"
Sabay kaming napatingin ni Ayato sa hindi kalayuan sa may puno at mula sa likod nito ay lumabas ang mga weirdo din na kasama nya habang mga nakahawak sa tyan at tila mauutas na sa kakatawa. Maliban dun sa isa na wala man lang karea-reaksyon.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME