Chapter 29

14 3 0
                                    

AKEMI

FLASHBACK

Nakarinig ako ng yabag na papunta dito sa kusina.

"Tamang tama ang dating mo. Katatapos ko lang magluto ng sinigang na baboy Toji---Kuya Strawberry?" nagulat ako ng hindi lang si Toji ang makita ko kundi pati ang buong Phantom Six.

"Mga Kuya!" masayang tawag ko kina Kuya Ichigo at Kuya Kakashi.

"Ang daya mo naman couz! Magshoshopping ka pala, hindi mo man lang sinabi sakin" parang nagtatampo pang sabi ni Sakura. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Correction! Naggrocerieeees ako at hindi nagshopping" bumaling ako kay Toji na nakangiwi na ngayon.

"Sorry" hinging paumanhin nya dahil siguro hindi sya nakasunod kanina sakin sa mall at naiintindihan ko naman yun. Pinat ko lang ang ulo nya at nginitian. Binalingan ko naman ang iba.

"Kainan na!" masayang sabi ko sa kanila.

Nagsipagkainan na nga kami na nauwi sa kwentuhan kung ano ang nangyari sa mall tapos nagmovie marathon at doon na nga kami mga nagsitulog sa may sala.

END OF FLASHBACK

Pauwi na ako ngayon sa condo. Nilalakad ko lang. Yes, basta trip kong maglakad kahit malayo ay nilalakad ko lang. Kung saan ako nanggaling? kina Manang. Inihatid ko lang yung uniform nung kambal dahil bukas na sila papasok at bukas na din magtitinda si Manang sa school kaya nakakaexcite.

Panigurado busog na naman ang mga dragons ko, mwehehehe.

Inaalok ko nga si Manang na susunduin ko nalang sila bukas pero ang sabi nya ay masyado na daw nakakahiya at abala sakin. Magtatricycle nalang daw sila tutal ay malapit lang naman kaya hindi ko na pinilit.

Paliko na ako ng may maaninagan ako sa may hindi kalayuan sa pwesto ko. Hindi ko na sana papansinin dahil gutom na ako at baka away tambay lang yan pero..

"TULONG! TULUNGAN NYO KO! ANO BA! BITIWAN NYO NGA AKO! ISUSUMBONG KO KAYO SA KUYA KO!"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Kalimutan mo na muna ang gutom mo, Akemi" bulong ko sa sarili at tahimik na nilapitan sila.

"HAHAHAHA! Miss konting pakisama naman" sabi nung isang totoy sa kaliwa na nakahawak sa braso nung dalagita.

"Oo nga naman Miss! Matapos mo kaming sampalin kanina? Patira nalang kami, pambayad utang manlang sa sampal mo kanina, liligaya ka pa" sabi naman nung isang totoy sa kanan na nakahawak sa kabilang braso naman nang dalagita na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan nang katawan nya.

"EWWWW! ANG PANGET NYO! ANG PAPANGET NYO! HUMANDA KAYO SA KUYA KO! TULOOOONG!"

"Pwede bang tigil tigilan mo ang pagsigaw babae ka! Nakakarindi! Ang sakit sa tenga ng boses mo alam mo ba yun?" akmang sasampalin sya ni totoy na nasa kanan pero agad kong hinila ang likod nang damit nya ganun din ang sa isa at itinulak sila kaya tumimbawang sila sa may kalsada.

Galit na nagsipagtingin naman sila sakin.

"AT SINO KA NAMAN?" sabay na sigaw nila.

"Pwede bang tigilan nyo ang pagsigaw! Nakakarindi! Ang sakit sa tenga ng mga boses nyo alam nyo ba yun?" panggagaya ko sa sinabi ni totoy na nasa kanan kanina at kunwareng kinalikot ang tenga ko.

Akma naman nila akong susugudin pareho ng mahagip ko ang mga tenga nila at pilipitin.

"ARAY! ARAY! ANO BA! MASAKET!" sigaw nilang pareho na namimilipit sa sakit.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon