TOJIRO
"HAHAHAHAHAHAHA" tawa ko habang nanonood nang basketball sa tv kasama si Akari.
Sino ba naman kase ang hindi tatawa ng hard kung yung basketball naging rambol? Psh! Tapos 3 vs 5 hanggang sa naging 1 vs 5 nalang? Ano ba namang klaseng laro to?! Tsk!
Pinatay ko nalang yung tv kesa naman masayang pa yung kuryente namin.
"Meow! Meow! Meow!" napatingin ako kay Akari na dinidilaan ang kamay ko. Kanina pa sya ngumingiyaw pero hindi ko lang pinapansin dahil natutuwa nga akong manood ng wrestling este basketball pala.
"Gutom kana ba, Akari?" tanong ko sa kanya habang buhat sya at naglalakad patungo sa kwarto ni Akemi. Dun kase nakalagay ang cat food ni Akari.
"Meow! Meow!" ngiyaw na sagot naman nya, as if naintindihan nya ang tanong ko.
Inilapag ko muna si Akari at nagtingin sa sadyang lalagyanan nang pagkain nya.
"Ubos na? Parang kakabili lang ni Ake nung isang araw ah?" taka akong napatingin kay Akari na mukhang naintindihan na naman ang sinabi ko dahil biglang nalungkot ang mukha nya.
Eh? May attitude nga ang pusang 'to.
Napakamot nalang ako sa batok ko at napagpasyahang bumili nalang nang hapunan namin ni Ake sa labas at bilhan nalang din si Akari ng imported cat food dahil kapag nalaman ni Ake na ginutom ko ang pusa nya tiyak na lagot ako dun.
Oo, imported ang pagkain ng pusang yan kahit tuyo at itlog ang ulam na ipakain sa akin ni Ake basta ang pusa nya ay may imported food ayos lang.
Charot lang!
Syempre baby namin 'to kaya dapat lang na mamahalin ang pagkain.
Hindi na ako nagtagal sa mall. Bumili lang naman ako ng pagkain ni Akari at nagtake-out nalang sa isang restaurant nang hapunan namin ni Ake.
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at dun ako dumaan sa rooftop. Dito kase dumaan si Ake nung umuwi syang duguan at ngayon alam ko na kung bakit dito sya dumaan, para hindi sya makita ng mga tao sa baba na ganun ang itsura nya. Akalain mong naisip nya yun kahit wala sya sa sarili nya? Kakaiba talaga.
Tumalon talon at lumambitin lang ako sa mga balkonahe habang hawak si Akari at yung pinamili kong pagkain sa kaliwa kong kamay hanggang sa marating ko ang balkonahe ng kwarto ni Ake.
Pero bago ko pa mabuksan ang pinto sa balkonahe ay may naramdaman na agad akong kakaiba at maraming presensya kasunod nang mga kaluskos sa loob at tila pagbukas nang mga pinto ng kwarto.
Ano naman kaya ang hinahanap nang mga 'to?
Bago pa nila ako makita ay nakatalon na agad ako sa may rooftop. Eksaktong may nagbukas nang pinto sa balkonahe at may lumabas na dalawang bulto ng tao. Laking pasasalamat ko na hindi nag iingay si Akari dahil kapag nagkataon ay lagot na, kahit kaya ko naman silang itumba lahat, pero ayaw ko lang na magkagulo ang mga tao at marumihan ang ari-arian ko.
"Wala namang tao dito" sabi nung isa.
"Parang may nakita kase akong anino dito kanina" sabi naman nung kasama nya.
Mula dito sa pinagtataguan ko ay kitang kita ko sila pero hindi nila ako nakikita. Hindi rin malakas ang pakiramdam nila gaya ko pero ramdam ko ang presensya nila. Sampu. Sampu silang lahat. Hindi sila mga assassin gaya ko pero alam kong may mga de calibreng nakatago sa ilalim ng jacket nila, bagay na hindi napansin ng mga gwardiya at tao sa baba. Hindi rin naman sila mga magnanakaw dahil wala naman silang kinukuha at ginagalaw na gamit.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Acción"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME