JIRO
Nagkatinginan kami nang mga ka gang ko. At alam kong pare pareho kami nang tanong sa isip. Anong ginagawa ni Vincent dito? Hindi lingid sa kaalaman namin na Assassin din siya at sikat sa underground bilang soloist. Wala siyang group, wala din sa rank pero madami ang humahamon sa kanya kahit wala naman silang napapala. Brutal siya kung lumaban, ganun na ata talaga ang mga Assassin.
Itong limang mokong kong gangmates, ewan ko ba kung bakit natulala pa nung makita nila si Ake at yung brutal nyang pinatay na nakamasid sa amin. Siguro dahil pangalawa pa lang si Ake sa mga Assassin na nakita nila. Hindi man nasaksihan ang pagpatay pero nakita parin nila kung paano sya pumatay.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi sya kilala ni Ake samantalang hindi din naman nakamaskara si Vincent kapag lumalaban. At ang mas nakakapagtaka ay kung bakit "Kemi" ang tawag nya kay Ake.
Pinaningkitan ko nang mata si Vincent. Napatingin naman sya saken at nginitian ako at bumalik na din agad sa pakikinig sa Prof. Psh!
AKEMI
3... 2... bilang ko sa isip ko at eksaktong tumunog ang bell, nagtatakbo na agad ako palabas ng room kahit hindi pa nakakalabas ang Prof namin.
"Hmm" nakapikit na sambit ko matapos lumanghap ng sariwang hangin with matching dipa pa nang kamay. Psh! Feeling ko masosuffocate ako sa room.
"Ano yang ginagawa mo Kemi?" napamulat ako sa boses na 'yon at nagulat sa sobrang lapit ng mukha nya saken.
"V-vincent... w-wala pakielam mo ba. Alis nga dyan ang lapit eh" hinawi ko ang mukha nya gamit ang kamay ko. Natawa naman sya. Baliw -.-
"Asan sina Toji?" tanong ko sa kanya. Lumingon pa ako sa likuran kung andun ang Death Gang pati si Tojiro, wala.
"Nasa cafeteria na. Sunod nalang daw tayo" sabi nya.
"Anong tayo? Kasama ka?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Unti unting nawala naman ang ngiti sa labi nya and I saw pain and longing in his eyes. Why?
Ngumiti din sya agad nung mapansin na nakatitig ako sa mata nya. Peke.
"Sige, Kemi. Pumunta kana sa cafeteria, inaantay kana nila dun" pagkasabi nya nun ay tumalikod na agad sya at naglakad habang nakalagay sa bulsa ang kamay nya.
Naguilty naman ako at nakaramdam ng... sakit habang nakatitig sa papalayong likod nya.
Hays ang harsh mo kase Akemi ayan tuloy.
"Wait... Sandaleeee" habol ko sa kanya at mabilis na hinawakan ang kamay nya. Tumigil naman sya at humarap saken na peke parin ang ngiti.
Bakit ba may epekto saken ang lalaking to.
"Sorry" nagkakamot pa nang batok na sabi ko. Napasimangot nalang ako nung marinig kong tumawa sya. Psh! Loko talaga.
"Halika na nga, gutom na ako" hila ko sa kanya habang nakahawak pa din sa kamay nya. Pagkadating namin sa cafeteria ay pinagtitinginan kami nang ibang estudyante at ang iba ang sama pa nang tingin. Psh! Pakielam ko. Gutom na ako.
Inilinga ko nalang ang paningin ko at hinanap sina Tojiro na nakaupo sa usual seat ng Death Gang. Malaki at mahaba yun kaya kasya kahit ilan ang umupo. Hinatak ko ulit si Vincent, hindi naman sya nagrereklamo, kaya siguro ayos lang sa kanya na hatakin ko sya kahit saan. Mahirap na baka atakihin na naman ng kaabnuyan ang isang to at mag walk out. Naku!
"Hindi mo ko hinintay" nakasimangot na bungad ko kay Toji na nagpeace sign lang. Umupo nalang ako sa tabi nya, madami naman silang inorder kaya hindi na ako pumunta sa pantry para pumila.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
حركة (أكشن)"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME