AKEMI
KINABUKASAN...
Naalimpungatan ako ng maramdamang may nakadagan sa bewang ko at dinidilaan ang mukha ko. Pag mulat ko, nakita ko si Akari sa tabi ko, sya pala yung dumidila sa mukha ko.
Napangiti ako at hinaplos haplos ang maputi at malambot nyang balahibo.
"Meow" napangiti pa lalo ako, mukhang gusto nya ang paghaplos ko sa balahibo nya.
Napatigil lang yun nang maramdamang gumalaw ang nasa likod ko. Nakatagilid kase ako at nakadagan ang kamay nya sa bewang ko. Sa pag aakalang si Toji yun, na lage naman nyang ginagawa, nakangiti akong bumaling sa kanya pero ang ngiti ay napalitan nang pagkakunot nang noo ng hindi si Toji ang nakita.
Bumungad kase saken ang mukha ni Kuya Ichigo na nakakunot din ang noo. Gamit ang dalawang thumb ay inunat ko ang nakakunot na noo nya kaya napangiti ako ng naging maaliwalas ang mukha nya. Mukhang ngayon lang sya nagkaroon nang payapang tulog.
Hinalikan ko ang noo nya and whispered "Good morning" bago ko dahan dahang tanggalin ang kamay nya na nakayakap sa bewang ko para hindi sya magising.
Nagpunta lang ako saglit sa banyo para maghilamos saka lumabas nang kwarto. Nagkagulatan pa nga kami ni Toji dahil naabutan ko syang nasa harap nang pinto ng kwarto ko at bahagyang nakataas ang kamay, siguro para buksan ang pinto.
"Good morning Toji!" masayang bati ko sa kanya.
Matagal na napatitig naman sya sa mukha ko, more like sa mata ko. I wave my left hand in front of his handsome face at mukhang natauhan naman sya.
"Good morning Ake! Akala ko kailangan pa kitang gisingin eh! You know? Tulog mantika. HAHAHAHA!"
Aba't lokong 'to!
Hahabulin ko na sana sya para batukan nang may magdoorbell. Binelatan lang nya ako at sinenyasan na pagbuksan ang kung sino man yun dahil nagluluto sya.
Tsk! Kung hindi lang talaga masarap ang luto nya, nakuu!
Nagtungo na ako sa may pinto pero bago ko pagbuksan ang kung sino man yung walang tigil sa pagdodoorbell sa labas ay tiningnan ko muna sa intercom.
Ano namang ginagawa nya dito? Mamaya pang tanghali ang pasok nang High School at College ah!
Ganun kase sa Seirin University pareho lang ang schedule ng High School at College pwera nalang sa mga Elementary. Dahil friday ngayon naka-civillian lang kami at mamaya pang tanghali ang mga classes kaya naman andito pa kami ni Toji well pati si Kuya Ichigo at ito ngang kapapasok lang sa loob na si Sakura. Yep! si Sakura na nakabusangot ang mukha.
"Couz naman! Hindi nyo ba naririnig dito sa loob ang tunog nang doorbell? Hello? Masakit na ang daliri ko kakapindot!" reklamo nya habang maarteng ipinapagpag ang daliri nya na ipinampindot nya ata.
"Magandang umaga din naman sayo pinsan" sarcastic na bati ko sa kanya.
Napangiwi syang tumingin sakin pero naiiwas din agad ang tingin. Binalewala ko nalang yun at pumunta na sa dinning para magbreakfast. Sumunod naman sya sakin. Nakaprepared na lahat kaya umupo nalang ako at nagthumbs up kay Toji na kinindatan lang ako at naupo na din.

BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME