AKEMI
Gabi na at nakapagluto narin ako ng hapunan pero wala parin si Toji. Hindi narin naman ako nagpaalam sa kanya kanina na mauuna ng umuwi.
Ayokong makita nya ang benda ko sa kamay. Bakit? Dahil makikita nya rin naman mamaya.
Charot lang!
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa sa may Sala habang nakasandal ang batok ko, nakapikit at nakapatong ang paa sa hindi kalakihang lamesa.
"Let's go!" aya ko kay Vincent at nauna ng maglakad. Nagring na kase ang bell hudyat na magsisimula na ang pang huling klase.
"Kemi!" hinila nya ang kamay ko at nabigla sa sunod nyang ginawa.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit
"Thankyou! Thankyou! Thankyou!"
"Aww!" napahawak ako sa noo ko na pinitik nya at ang loko biglang kumaripas nang takbo.
Bago ko napagtanto, nakangiti na pala ako.
Parang bata..
Hindi ko alam na ang simpleng bracelet pala na nabili ko lang sa bangketa ay gagawing ganito kasaya ang isang Vincent Fuentabella.
"Akeeeeeeeeeeeee!"
Bigla akong napabalikwas nang bangon sa gulat at napahawak sa tenga ko. Nakatulog na pala ako.
Tiningnan ko ng masama si Tojiro na nakapeace sign na ngayon. Psh! matapos ko syang intayin? -.-
Walang imik imik na naglakad ako patungo sa kusina.
"Wait! Ake! Hindi kase kita magising kanina kaya sinigawan nalang kita sa tenga. Ake!...."
Hindi ko na narinig ang boses nya. I thought hahabol sya at lalambingin ako. Psh!
Sumandok nalang ako ng kanin at ulam at lumamon na. Gutom na ako.
"Ake, ano to? At... shit! Anong nangyari dyan sa kamay mo?"
Napansin nya rin..
Tiningnan ko sya at tiningnan ko rin ang kamay ko na may kapapalit lang na benda matapos kong maligo kanina, bago nalipat ang paningin ko at nagtaka sa hawak nya.
Kinapa ko ang bulsa ko at wala nga.
"Paano napunta sayo yan?" ang tinutukoy ko ay yung shuriken na binawi ko kay Vincent.
Siguro nahulog nung nagulat ako kanina.
I just shrugged my shoulder at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Umupo naman sya sa tabi ko at pilit na iniharap ang mukha ko sa kanya gamit ang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME