ICHIGO
"K-kuya Tojiro, kamusta na si A-ake?" naghahabol ng hininga na tanong ni Jiro kasama ang ibang Death Gang.
Mukhang tinakbo nila papunta dito. Tiningnan ko lang sila nang blangko lalo na yung Joon Jae. I smirk ng makita kong nag iwas sya ng tingin. Psh!
Tumingin muna sakin saglit si Tojiro bago sagutin ang kapatid.
"Ayos na naman sya, ginagamot na ang mga galos at sugat nya"
"Sugat? Bakit? Ano ba ang nangyari? Sino ang may gawa nun sa kanya?!" sigaw ni Joon Jae.
"Ako. What will you do?" blangkong tanong ko sa kanya.
"IKAW?!! KAPATID MO SYA---" nanggagalaiting sigaw nya pero naputol dahil ni Ake.
"Hey JJ? Nii-chan? Doustano?" (What's wrong?) nagtatakang tanong nya. Nakaalalay pa si Vincent sa kanya. Psh!
"Nandemonai, Akachan. Let's go Phantom Six. Toji, ikaw na ang bahala sa kanya" (Nothing, Baby)
Umalis na kami dun. Kailangan kong makausap si Otou-san.
"Kuya, paano na yan? Mukhang mahihirapan na tayong paglayuin sila?" nababahalang tanong ni Kakashi. I sigh
"Mukhang ganun na nga pero kailangan parin nating makausap si Otou-san tungkol dito. Kaligtasan parin ni Ake ang pinag uusapan natin"
Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. pupuntahan namin si Otou-san at Hayashi-sama.
"Senpai" si Leo. Isa sa mga magagaling na Assassin namin.
"Where is Outo-san and Hayashi-sama?"
"They are in the Dojo, Senpai"
Nauna na akong maglakad sa kanila. This is urgent.
Dojo ang tawag sa lugar kung saan kami at ang iba pang Assassin nagsasanay.
Pagkabukas ko nang pinto, si Outo-san lang ang nakita ko. Tutuloy na sana ako sa paglalakad pero biglang may nagtutok ng katana sa leeg ko.
"Ang talas no apo? HAHAHAHA! You should've seen your face, its epic! HAHAHAHA"
That's Hayashi-sama ang lolo namin. Alam nyo na kung kanino nagmana si Baby Ake -.-
"Hahahahahahaha. Hello Hayashi-sama"
"Oh! Hello mga apo. Where is my favorite apo?" tanong ni Hayashi-sama. Samantalang blangko ang mukha na nakatingin lang samin si Outo-san habang umiinom ng paborito nyang wine.
"It must be important. After all hindi magsa-sama sama ang Phantom Six kung hindi ito importante. Am I right? or Am I correct?" nakasmirk na sabi ni Outo-san.
Yeah, tama sya. Hindi kami makukumpletong anim kung hindi importante ang misyon o ang pag uusapan.
"Hmm...Interesting. Hahahaha! So where is Akumu?" tanong na naman ni Hayashi-sama habang kumakain ng carbonara.
"Nasa clinic pa po nang school. Ehem! Nagka misunderstanding lang po pero ayos na sya. Hehehe, kasama nya po si Tojiro" nagkakamot sa ulo na sagot ni Kakashi.
"Yeah, pero hindi yan ang ipinunta namin dito" nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na ganun parin ang ginagawa. I sigh.
"And what is it Kage?" tanong ni Outo-san.
"It's about Sei" inabangan ko ang magiging reaksyon nila but what do you expect to the two legendary Assassin of Takeno's -.-
"Ahh! You mean, Vincent? HAHAHAHA! What about him?"
"Nagiging malapit na sila sa isa't isa. Wala ba tayong gagawin? At dahil sa kanya muntikan ko nang masaktan si Ake--"
"Are you jealous? Besides yun naman dapat ang mangyari. Hindi ba Ichigo? At sa inyong anim na narito, ikaw ang dapat na mas may alam at makaintindi. Kung sayo nangyari yun? Alam kong ganun rin ang gagawin mo. Tapos na ang usapang ito"
Walang mababakas na emosyon habang sinasabi yan ni Outo-san. Mukhang wala na kaming magagawa.
Paalis na sana kami nang biglang magsalita ulit si Dad.
"Hangga't wala pang nangyayari, wala pa tayong gagawin. Kaya nga nandyan si Tojiro, kayong Phantom Six at andyan ka, alam kong hindi nyo pababayaan ang Baby ko.. ehem si Akemi"
Pagkasabi nya ng mga katagang yun, straight nyang nilagok ang alak. Psh! Riko Takeno, isang legendary assassin na hindi nagpapakita ng emosyon at kinatatakutan sa larangan ng pag patay, ay ama parin namin.
Napangiti ako pero sa isip lang. I just wave my right hand at umalis na kami.
"Hahaha, si Ojii-san talaga pabebe pa" natatawang sabi ni Sakura habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Ganun talaga si Dad at alam nyo naman sa mundong ginagalawan natin, magpakita ka lang ng emosyon, talo ka" seryosong pahayag ni Kakashi.
Hinarap ko sila nung nasa parking lot na kami.
"Phantom Six. Narinig nyo naman yung sinabi ni Outo-san kanina. Kaya ngayon may misyon na tayo at yun ay bantayan ang pasaway naming kapatid na pinsan nyo. Pero gagawin lang nating natural dahil alam nyo naman na ayaw nya ng binabantayan ang mga kilos nya at malakas din ang pakiramdam nun. Kaya natural lang. May tiwala pa din ako sa kanya na hindi sya mapapahamak. Nasa dugo na natin ang maging malakas"
"Eh paano si Vincent?" tanong ni Mitsuhiko.
"Hindi siya banta" pagkasabi ko nun, sumakay na ako sa sasakyan at pinaharurot paalis.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME