AKEMI
"Okay class, dismiss!" yun lang at umalis na ang Lec namin bitbit ang laptop at marker nya.
"Let's go, Kemi! Ipagamot na natin sa clinic yang kamay mo" aya sakin ni Vincent.
"Oo nga, Ake! Lagot sakin ang nagbato ng shuriken na yun sayo!" natawa naman ako kay JJ, nakatingin pa sya sa kawalan habang sinasabi nya yan, na parang kaharap nya ang nagbato sakin ng shuriken at para narin syang sina nii-chan, mga OA!
"Hahaha! Kilala mo ba kung sino?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Huh?"
"Eto" inilapit ko pa sa mukha nya ang kamay kong may panyo na nababalot na nang dugo.
"Kilala mo ba kung sino ang nagbato?" nakangiting tanong ko pa sa kanya.
Napakamot naman sya sa batok at mas lalo akong napangiti. Inakbayan ko lang sya at tinapik ang balikat nya, parang nanigas naman sya sa ginawa ko.
"Malalaman din natin kung sino ang nagbato nang shuriken. Pero bago yun, kumain na muna tayo bago mag start ang last subject" ngumiti pa ako nang malapad sa kanila.
Naiiling na sumunod din naman sila. Psh! -.-
Naglalakad na kami ngayon patungo sa cafeteria nang may mga lalaking lumapit kay Jiro. Nauuna kase ang Death Gang at nasa huli kaming dalawa ni Vincent.
Napatingin ako kay Vincent pero nagkibit balikat lang sya kaya lumapit nalang kami sa kanila
"Lider! Ipinapatawag kayo nang Dean"
"Ni Kuya? Bakit daw?" tanong ni Jiro.
"Pati ba ako ipinapatawag nya?" singit ko sa usapan nila.
"Death Gang lang ang ipinatawag nya, ang nagngangalang Akemi ay hindi"
"Hahaha! Sige sige pupunta na kami" bumaling sya saken. "Ake! mauuna na muna kami. Tara Death Gang"
Magpapaiwan pa sana si JJ pero hinigit sya nina Kaizer at Steven, nagulat pa ako nung makisali si Sky sa paghila at umalis sila nang tumatawa.
"MGA LOKO!" sigaw ko pa sa kanila
Napatingin naman ako kay Vincent na humahagikgik sa tabi. Nakatakip pa ang kamay nya sa bibig habang ang isa ay nasa may tiyan nya na parang sinusuportahan ang siko nya.
Parang beki!
"Aww! Masakit ah!" singhal ko sa kanya habang sapo sapo ang noo ko na pinitik nya.
"Quit it, Kemi!" nag makeface nalang ako sa kanya, nang may bigla akong maalala.
Dali dali ko syang hinila at patakbong nagtungo sa direksyon ng parking lot. Inilabas ko ang remote key ng kotse ko at agad na binuksan ang backseat at may kinuha doon.
VINCENT
Sinilip ko nang bahagya kung ano ang kinukuha ni Kemi at nakita ko ang isang paper bag.
Girls stuff?
"Oh!" abot nya sakin nung paper bag habang sa ibang direksyon nakatingin, ibinangga pa nya sa dibdib ko ang paper bag na muntik ko nang hindi masalo.
"Ano 'to?" tanong ko habang sinisilip ang laman. May nakita akong tupperware at regalo?
"Aish! Akin na nga!" inagaw nya pabalik ang paper bag at isa isang inilabas ang laman.
"Ito coffee jelly" itinaas nya yung tupperware. "Ito naman..." nag alinlangan pa sya kung ilalabas nya yung regalo "Ito naman r-regalo.. regalo!" iniabot nya sakin yung hindi kalakihang regalo na ikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME