AKEMI
Tulad nga ng sinabi nina Kuya Ichigo kanina, pagkadating namin sa unit ko ay inayos nila at pinalitan ang Sofa namin.
Hehehehe pwede ko na ulit sirain HAHAHAHA! charot lang.
Nagdecorate muna din kami dito since first time kong makakapag celebrate nang Pasko dito sa Pilipinas. Binilhan din nila ako ng Christmas tree kaya tuwang tuwa lalo akong magdecorate.
Yung ibang pang-decoration na binili ay ipinadala na nina Kuya sa mga Assassin sa mansyon. Mas malaki syempre dun kaya madami ang decorations na kakailanganin.
Hindi nagtagal at umalis ma din sina Kuya matapos makapagdecorate. Tulad din ng hinala ko kanina, hindi na ako makakapag dinner dahil sa kabusugan at ganun din naman si Toji Hahaha!
Pero bago ako matulog may bigla akong naalala.
"Ang mga regalo pala!" nasabi kong bigla.
Napatingin naman sakin si Toji na papahiga pa lang sa kama KO. Makikitulog daw kase sya at baka daw bangungutin sya sa sobrang kabusugan.
Sa akin pa talaga sya tumabi ah! Yun ngang magkakasunod na doorbell daw nina Kuya kagabi eh hindi ko narinig, yung ungot pa kaya nya? Baka deads na sya nasa dreamland pa ko?
HAHAHAHA! charot lang. Wag nyo kong isusumbong kay Toji ah? ^_^V
"Oo nga no? nakalimutan ko rin eh pero may oras pa naman tayo para makabili ng pang regalo Ake" sabi ni Toji na nakahiga na, pumikit na nga sya eh.
"Paano ko kaya sila mabibigyan ng gift?" inuga uga ko si Toji baka kase tinutulugan na ako.
"Eh di bumili ka Ake, madami ka namang pera" nakapikit parin sya habang sinasabi yan. Tinampal ko naman ang noo nya kaya napamulat sya bigla at napahawak sa noo nya
"Aww! Ake!"
"Speaking of! Ang galing mo Toji Hahaha! may bigla akong naisip!" bigla akong naexcite. Kinindatan ko naman si Toji na nanlalaki ang mata habang nakaturo sa mukha ko. Hahaha! Bading -.-
"Are Are! Are Are! No! Not again Ake!" (Woah! Woah!) nginitian ko naman sya nang malapad.
"Ngayon nalang naman ulit eh, Toji. Pagbigyan mo na ako, hmm?" nag beautiful eyes pa ako sa harap nya at wala naman syang nagawa kundi mag sigh nalang. Hahaha! I won.
Dali dali kong hinanap ang number ni Jiro sa phone ko pero wala pala akong number nya.
"Oh!" abot sakin ni Toji nang cellphone nya. Nakita ko naman agad na number yun ni Jiro.
"Aishiteru, Tojiro-kun" nakangiting sabi ko sa kanya. Nag iwas lang naman sya ng tingin. Psh! (I love you, Tojiro)
Nung makuha ko ang number ay ibinalik ko na ulit sa kanya ang cellphone nya at idinial ang number ni Jiro. Hindi man lang umabot ng dalawang ring at sinagot nya agad.
"Moshi moshi?" sagot nya sa kabilang linya. Medyo maingay ang background.
"HELLO, JIRO!!!" sigaw ko bigla.
Nahulog naman si Toji sa higaan sa gulat. Tinawanan ko lang sya nang walang sound. HAHAHAHAHA!
Feeling ko nailayo ni Jiro ang cellphone nya dahil sa sigaw ko. Narinig ko kaseng nagmura sya. Hihihi ^_^V
"Ake? Si Ake ka ba?.....Sinabi mo bang Ake Jiro? Si Ake ba yan?" narinig ko si JJ sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME