SKY
"Okay class, mag aral ng mabuti. Dismiss!"
Iniligpit na ng panghuling guro namin sa hapon na ito ang mga ginamit nya para review-hin kami sa Science at dali-daling umalis. Pagkalabas naman niya ay saka pa lang kaming lahat nagsipag tindigan maliban sa isa.
Tulog?
Nilapitan ko siya at babatukan na sana pero biglang may pumigil sa kamay ko. Pagtingin ko ay si Vincent pala habang nakangiti sakin. Unconsciously, nasamaan ko sya ng tingin at parang wala lang naman yun sa kanya dahil nakangiti pa din sya. Pero nung mahuli ko ang sarili ko na ganoon kasama ang tingin ko kay Vincent ay naiiwas ko bigla ang paningin ko at tumama naman yun kay Jae na mas masama pala ang tingin dahil salubong pa ang kilay nya.
"Kemi" naibalik ko ang tingin kay Vincent nang simulan na nyang gisingin si Ake.
Hindi ba sya nangangalay sa posisyon nya? Nakatulog talaga sya ng ganyan?
Paano ba naman kase ay nakaupo nga sya pero tuwid at nakalapat pa sa sandalan ng upuan ang likod nya habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib nya. Pero ang sunod na ginawa ni Vincent ang siyang nakapagpalabas sa akin sa loob ng silid na iyon.
Nakita ko lang namang niyakap nya si Ake at inilapit ang labi nya sa tenga nito. Dahil dun kaya napalabas ako agad at hindi na inalam ang sunod na nangyare.
Hindi ako martyr.
Napapikit ako ng mariin at naikuyom ang kamay ko. Napamulat lang ako ng may magsalita ng 'Fuck' sa likod ko. Pagtingin ko ay si Jae pala.
I sigh.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang nararamdaman nya para sa babae na yun. Lalake din ako at halata sa mga kilos nya lalo na kapag nasa paligid si Ake. Pero ang hindi ko lang alam ay kung aware syang pareho kaming may nararamdaman sa babae na yun. Sana nga lang ay hindi makaapekto sa pagiging magkaibigan namin ito.
"Anong meron dyan sa lupa?" napatingin ako sa kanan ko at nakita ang babaeng may dahilan kung bakit abnormal ang kabog ng dibdib ko.
Kasalukuyan syang nakatingin sa lupa kung saan hindi ko namalayang napatitig na pala ako kanina.
Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko?
Kahit may nakapaskil na mapang asar na ngiti sa labi nya ay hindi ko parin mapigilan ang sarili kong titigan sya. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kanya.
Napaiwas lang ako ng tingin nang unti unting magsalubong ang mga kilay nya.
"Huwag kase masyadong pahalata" bulong ni Jiro at tinapik tapik pa ang balikat ko habang natatawa.
"I don't know what you're talking about" sagot ko at nagkibit balikat lang naman sya habang may nakakalokong ngiti sa labi nya.
I sigh
"So, nadala nyo ba yung importante kong ipinapadala?" tanong ni Ake.
Sabay sabay na kami ngayong naglalakad papunta sa parking lot.
"Yung notes? Oo naman Ake" ipinakita pa ni Kevin ang dala nyang notebook kay Ake pero hindi naman ito tinapunan ng tingin ng huli.
"Yung snacks ang tinutukoy ko" seryosong sagot ni Ake habang diretsong nakatingin sa daan.
Sabay sabay kaming napatigil sa paglalakad ganun din ang grupo nina Ayato maliban sa tatlo na sina Ake, Vincent at Kuya Tojiro na halos bumunghalit na sa kakatawa habang nakaakbay kay Ake.
Napatingin ako sa mga kagrupo ko at kina Ayato pero pare-pareho lang silang mga naguguluhan. Napapailing na napakamot sa kilay nalang si Jiro habang inaaya kaming sumunod na kina Ake.
...
Naabutan namin silang nakatigil hindi kalayuan sa parking lot kaharap si Samantha (remember yung nagbato ng pancake at ako ang tinamaan sa mukha -.-) kasama ang bestfriend nya na si Naomi at ang boyfriend nito na si John at ibang mga kaklase nila.
"Excuse me" mahinahon na pakiusap ni Ake but Samantha just flipped her hair.
"Not so fast bitch!" she crossed her arms at tinaasan pa ng kilay si Ake. Wala namang pakialam yung huli at parang bored na bored pa sa nangyayari. Si Vincent ay kunyaring may tinitingnan sa kaliwa habang si Kuya Tojiro naman ay nakatingin sa lupa, nilalaro ng paa ang maliliit na bato habang nasa mga bulsa ng pants ang kamay. Kami, nakatingin lang at nag aabang sa mga mangyayari.
"Kamusta ang pagiging malandi? Lahat ba sila.." itinuro nya pa kaming lahat. "Nakaisa na?" at tumawa sya ng nakakairitang tawa.
On cue, parang lahat ay naging seryoso lalo na si Vincent at Kuya Tojiro. Yung tipong isang maling salita lang ay may biglang bubulagta.
Isinuklay ni Ake ang kamay nya sa buhok at biglang nawala yung kaninang nabuong delikadong tensyon.
Humakbang nang isang beses palapit si Ake kay Samantha pero halos nangangatog ang tuhod na napaatras ang huli. Nang kumalma ay pilit nyang pinagmukhang mataray ang sarili na nagawa naman nya pero hindi naitago ng mga mata nya. Bakas sa mata nya ang takot sa hindi ko malamang dahilan.
"So, napagrausan kana nilang lahat?" ngumiti sya ng nakakaloko.
Halos nag-aabang lang kaming lahat sa susunod na mga mangyayare. Hindi pa din kase nagsasalita si Akemi.
Pero matapos ang ilang segundo narinig namin ang pagbuntong hininga ni Ake. Siguro may tinitimbang syang desisyon sa isip nya.
"Kayo" sa wakas nagsalita na din si Ake. Itinuro nya si Samantha at Naomi. "Matalik na magkaibigan". "Sila" itinuro nya si Samantha at John. "Nagtatalik na magkaibigan"
Halos nawindang ang lahat sa rebelasyon na isiniwalat ni Ake ngayon lang maliban syempre sa dalawang katabi nya. Tila inaasahan na nila ang sasabihin ni Ake dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon sa mukha nilang dalawa. Yung ibang nakarinig sa sinabi ni Ake lalo na ang mga kaklase nila ay nagsimula ng magbulungan.
"T-totoo ba ang sinabi nya?" hindi makapaniwalang tanong ni Naomi sa dalawa. Hindi naman makatingin ang boyfriend nya sa kanya at naihilamos nalang ang palad sa mukha. Si Samantha naman ay dali daling lumapit at hinawakan sa balikat ang bestfriend nya.
"N-no..of course not! Wag kang maniwala sa sinasabi ng babae na yan!" idinuro at bumaling naman sya kay Akemi. "Hoy! Wag mong sirain ang relasyon nila at relasyon namin ng bestfriend ko dahil lang dyan sa paratang mo na wala namang pruweba. Ikaw itong iba iba ang katalik sa kanila.."
SLAP!
Napasinghap ang lahat sa nangyari. Ang bilis. Sobrang bilis nang pangyayari. Isinampal lang naman ni Ake kay Samantha yung hawak nya na hindi ko alam kung paano nya nakuha.
"Here" iniabot ni Ake kay Samantha yung ipinang sampal nya at pahablot naman nya itong kinuha.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Samantha at nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa isang parisukat na bagay. Base sa sukat at uri ng papel ay nakatitiyak akong larawan yun.
"No..no..no" halos paulit ulit at pabulong na sinasabi ni Samantha.
Hinablot at tiningnan din ito ni Naomi pero napahagulhol nalang sya at nabitiwan ang hawak na picture. At dahil sa pagkakabitaw nya ang nakita namin kung ano ang nasa larawan.
Literal na isinampal lang naman ni Akemi kanina ang pruweba na hinahanap nya. Makikita sa larawan ang magkapatong at hubo't hubad na katawan ni Samantha at John at may nakalagay pa na date kung kailangan yun nangyari.
May inihagis pa si Ake sa ere bago umalis na syang pinagkaguluhan nang mga estudyante lalo na kami na mga kyuryos sa nangyayare. Makikita sa mga larawan ang iba't ibang posisyon sa pakikipagtalik. Meron pa na nakaexpose talaga ang mga ari nila at ang mas malupet ay hindi lang isang beses nila itong ginawa at hindi lang sa iisang lalake nakipagtalik si Samantha. Halos lahat ay boyfriend nang mga kaibigan nya.
Sumunod na kami kay Ake na natutulog na pala sa loob nang kotse.
Ibang klase talaga
Napakamot nalang nang batok si Kuya Tojiro at sinenyasan na sumunod kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME