AKEMI
"Kung gusto mo pa akong makita na humihinga,gigising kana diyan dahil kanina pa ako pinapatay ng masasamang tingin ng mga manliligaw mo. Psh!" parang irita pang sabi nya sa mismong tenga ko.
Natawa ako sa isip ko habang nakapikit pa din pero napakunot ang noo dun sa tinutukoy nyang 'manliligaw' daw. Hindi naman talaga ako natutulog kahit antok na antok. Ipinagpapahinga ko lang ang isip ko dahil sa sunod sunod na pagrereview.
Kunwaring nag inat pa ako at dahil nakayakap nga sya sakin at magkadikit ang mukha namin ay nasuntok ko ang mukha nya.
Sinadya ko yun, hehe!
Kaya naman nung pagharap ko ay sapo sapo nya ang mukha nya.
"Oh? Napaano ka?" kunwaring gulat na tanong ko na tinakpan pa ang bibig at pinabilog ang mga singkit kong mata para magmukhang gulat na gulat talaga.
"Alam kong sinadya mo Kemi. Aww!" nakita ko ngang mapula sa parte ng ilong na sapo naman nya ngayon.
I smirk
Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko. Pagtingin ko ay kami nalang palang tatlo nina Vincent at Tojiro sa loob ng room. Luminga linga pa ako. Wala na talaga.
"Ganun ako katagal nakaupo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Nakaupo ka lang sa lagay na yun?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Vincent.
Iiling-iling naman si Tojiro na lumapit saken at inakay na ako palabas ng room.
Sa labas ay nakita ko si Sky na nakatingin sa lupa kaya naman nacurious ako, lumapit sa kanya at tiningnan din kung ano ang meron dun sa lupa. Napangiti ako nang mapang asar.
Wala namang interesante
Naramdaman kong nakatitig sya saken. Kaya naman mula sa pagkakatingin ko sa lupa ay unti unting nagsalubong ang kilay ko.
"Let's go!" yaya ni Tojiro at inakbayan ako patungo sa parking lot. Sumunod na din naman ang grupo nina Ayato at Jiro. Para na naman kaming susugod sa gyera dahil doble ang bilang namin.
Maya maya ay nakasalubong namin si Samantha. Bakit ba nakakapasok pa to dito? Mas bagay sya dun sa bar. Kung suotin nya ang uniform nya ay hindi tama. Nakaunbotton ang tatlong butones sa blouse nya na kitang kita ang pumuputok na dibdib. Yung maigsing palda ay lalo pa nyang pinaigsi na kita na talaga ang underwear nya.
Typical Slut
"Excuse me" mahinahon na pakiusap ko.
"Not so fast bitch!" tinaasan pa nya ako nang kilay.
Ang boring naman
Nagugutom na ako eh. Kaya nga tinanong ko sila kung dala nila yung importanteng ipinapadala ko na snacks. Tapos wala pala.
"Kamusta ang pagiging malandi? Lahat ba sila.." itinuro nya pa ang grupo nina Ayato at Jiro. "Nakaisa na?" at tumawa sya ng nakakairitang tawa.
Naaawa ako sa babaeng ito dahil hindi nya alam ang mga pinagsasabi nya. Hindi nya alam na namimiligro ang buhay nya. Hindi nya alam kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa kong paslangin sya.
I sigh
Isinuklay ko ang kamay sa buhok ko para bigyan si Tojiro ng signal na okay lang ako dahil nararamdaman ko na anumang oras ay bubulagta ang babaeng ito. Bawal pa namang kumitil dito sa loob ng school.
Humakbang ako nang isang beses palapit sa kanya at tinitigan sya sa mata at nagsmirk. Kitang kita ko ang pangangatog ng tuhod nya pero pinagmumukha nyang matapang ang sarili nya.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME