Chapter 6

48 6 1
                                    

AKEMI

"Hmm" ungol ko sabay hampas sa kung sino mang sumusundot sa ilong ko. Narinig ko naman na may humagikgik pero hindi pa din ako nagmumulat ng mata. Antok pa ko.

"Ano ba! Kitang natutulog yung tao eh" salita ko habang nakapikit pa din. Tumagilid naman ako at niyakap ang unan ko at idinantay din ang paa ko.

Hmm, kelan nga ako naglaba? Ang bango kase ng unan ko tyaka parang tumigas. Tumigas?

Napadilat agad ako at tiningnan ang yakap kong unan na humahagikgik.

Teka may laughing pillow na ba ngayon?

"hahaha, Pffttt Ake, walang laughing pillow" sabi ng unan ko. Unan? Inangat ko naman ang tingin ko at.

"Waaaah! Tojiiiii" dinamba ko agad sya ng yakap kaya napahiga sya sa kama. Bale, nasa ibabaw nya ako at yakap yakap sya ng mahigpit. Hahaha, bakit ba namiss ko to eh. Tawa nang tawa naman sya habang yakap yakap pa din ako.

"Waaaaaah" sigaw ko pa din, pero dahil nakayakap nga ako sa kanya ibig sabihin sa tenga nya ako napasigaw kaya ayun napabangon sya at napahawak sa tenga pero dahil nakadagan nga ako sa kanya, ibig sabihin nadala din ako sa pagbangon nya at nakaupo na ako ngayon sa lap nya.

"Hahaha, ^_^V" tawa ko sa kanya habang naka peace sign pa.

Bigla namang bumukas ng marahas ang pinto kaya napatingin din ako dun. Si Jiro pala at nasa likod nya ang Death Gang.

"Ohayou Gozaimasu!" masayang bati ko sa kanila.

Sila naman nanlalaki ang mata. Hindi siguro makapaniwala sa posisyon namin ni Tojiro. Eto namang isa tawa nang tawa, kaya ayun piningot ko ang tenga. Loko din ee, gagatungan pa pero... Niyakap ko ulit sya.

"Wag ka ng aalis ulit ah, Tojiro" bulong ko sa kanya. Naramdaman ko namang yumakap din sya saken at tumango tango.

"Ehem!" sabay sabay na tikhim nung nasa pinto kaya nagbitaw na kami ni Toji at pinalabas ko naman sila dahil maliligo muna ako.

TOJIRO

Ngayon na ang uwi ko sa Pilipinas para surpresahin si Ake. Tapos na kase ang misyon ko na patayin ang mga espiya sa emperyo. Dapat si Ake ang gagawa nun pero dahil nga sa aksidenteng nangyari noong ibinigay sa kanya yung misyon, sa akin nalang ibinigay ni Master Riko 'yon. Si Master pala ang ama nina Ake, Kakashi at Ichigo.

Habang nasa airport ako, tinawagan ko naman ang kapatid ko para sunduin ako, madami din kase akong dala lalo na mga sandata kaya hindi yun pwedeng basta isakay sa public taxi. Sabi nya, yung van nalang daw ang dadalhin nya at kasama ang gangmates nya para may makatulong sa pagbubuhat at miss na din nila 'daw' ako. Sus, mga pasalubong ko lang naman ang namiss ng mga mokong na yun.

Maya maya pa may nakita akong anim na lalaki na may bitbit na banner, nakasulat ang pangalan ko at anu yun? Teddy bear? Mga sira ulo talaga. Sinenyasan ko nalang sila na lumapit saken para mabuhat na ang mga gamit ko at pinagbabatukan na din sila isa isa. Ang dami kaseng kalokohan ang nalalaman pero kahit ganto tong mga to, namiss ko din sila, hahaha.

"Hoy mga loko, ayos na sana ang pagsundo nyo nang may banner pero bakit may teddy bear pa?" singhal ko sa kanila.

"Eh, Kuya sila nakaisip nyan hindi ako" sabi ni Jiro.

"Hahaha, pero sige akin na, ibibigay ko nalang kay Ake" nakangiting sabi ko habang hawak yung teddy bear at naglakad na papunta sa van. Sila na ang bahala dun sa mga gamit ko.

Nang maisakay na nila ang mga gamit at makasakay na sila, pinaandar na ni Jiro ang van. Siya kase ang driver.

"Kuya Tojiro sabi mo kanina ibibigay mo yan kay Ake. Sinong Ake?" Tanong ni Jiro.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon