JIRO
Pagkatapos ng klase pinauna ko muna si Ake sa cafeteria at kakausapin ko muna tong mga mokong na 'to.
"Guys, listen. Makipag ayos na kayo sa kanya at tratuhin nyo siya nang maayos" sabi ko sa kanila. Nung hindi pa din sila sumagot nag salita ulit ako.
"Wakatta?"(understand?) tanong ko sa kanila. Tumango naman sila bilang pag sang ayon.
Aba! Dapat lang.
"Eh, boss paano pag may gang fight tayo?" tanong ni Kaizer.
"Hahaha, wag kayong mag alala" natatawang sabi ko.
"Ipakilala mo nalang sya sa aming lima para makahingi din kami nang tawad lalo na ako" sabi ni Kevin.
"Sige sige. Tara na nang maipakilala ko na kayo. Nasa cafeteria na yun for sure" sabi ko.
Pagkatapak na pagkatapak palang namin sa cafeteria biglang tumahimik ang paligid at maya maya lang nagtilian na ang mga babae at bakla.
Tsk! Nakakarindi naman ang mga to. Hinanap nalang ng mata ko si Ake kung nasaan.
"Asan na ang babaeng yun? Pinauna ko na yun dito ah?" tanong ko habang lumilinga linga.
"Umupo nalang muna tayo Jiro, baka nag CR lang yun" sabi ni Jae. Kaya umupo nalang kami sa usual seat namin.
Maya maya lang dumating na si Ake at umupo katapat ko. Katabi naman niya si Sky na katabi ni Jae, ang katabi ko naman ay si Kaizer, Kevin, at Steven. Bigla nalang kinuha ni Ake yung kinakain kong carbonara kaya natawa nalang ako. Yung lima naman hindi makapaniwala sa iniasta nya, hahaha. Sinenyasan ko nalang silang kumain na at mamaya nalang kausapin.
Habang kumakain kami nahulog ang tinidor ni Ake kaya yumuko siya para pulutin at pagkayuko niya, napasinghap nalang kami at ang mga tao sa cafeteria. Paano ba naman kase eksaktong pagyuko ni Ake para pulutin yung tinidor nya eh may nagbato ng pancake at sapul sa mukha ni Sky. Hahaha.
"Got it!" napatingin ako kay Ake nung sabihin nya yun habang nakangisi at ipinakita pa saken ang hawak niyang tinidor.
Hmm, hindi kaya sinadya nyang ilaglag yung tinidor?
Tanong ko sa isip ko. Hahaha, as expected sa isang assassin, malakas ang pakiramdam niya. Sinulyapan nya si Sky at halos gumulong na sya sa kakatawa. Yung mukha kase ni Sky, asar na asar na.
"Sky! Oh my gosh! Oh my gosh! Hindi ko sinasadya! Im sorry! Sorry" natatarantang sabi ni Samantha at parang naiiyak na kakapunas sa mukha ni Sky.
"Fucking bitch! This is all your fault!" sigaw ni Samantha kay Ake, si Ake naman tawa parin ng tawa. Pasaway talaga.
Nakita kong tinabig ni Sky ng malakas ang kamay ni Samantha kaya ayun nagtatakbo palabas ng cafeteria. Magsusumbong na naman yun sa Kuya nya.
Speaking of Kuya bigla namang dumating ang mga kuya ni Ake kasama si Suichi.
"Kamusta na si Ake?" tanong ni Suichi saken habang pinunasan ang luha ni Ake dahil sa kakatawa. Kakaiba talagang babae.
"Ayos naman ako Suichi. Pfftt" natatawa pa ding sagot ni Ake. Hinila naman siya patayo ni Kakashi at inakbayan at bahagyang ginulo gulo ang buhok niya.
"Ingatan niyo 'tong pasaway na prinsesa ko ah" sabi ni Kakashi.
"Makakaasa ka" sagot ko sa kanya.
"Psh! Anong pasaway? Hindi kaya" sabat naman ni Ake at sumimangot pa.
"Seryoso ako Jiro, kung hindi kayo ang mananagot" seryoso ngang sabi ni Kakashi.
"Don't mind him" bulong sakin ni Ake.
"Una na kami, Princess" paalam ni Kakashi kay Ake at ginulo ulit ang buhok nya.
"Psh! Sige alis na kayo" pagtataboy ni Ake sa kanila habang nakapout.
Pagkatapos nun sabay sabay na din kaming umalis sa cafeteria. Nauuna naman si Ake samin.
"Ang lagkit!" asar na asar na sabi ni Sky.
"Punasan mo nalang Sky. Pfftt" natatawang sabi ko at tinawanan din naman siya ng barkada. Narinig ko pa ngang humahagikgik din si Ake sa una.
Sumunod nalang kami sa kanya na pumunta at sumandal sa may puno, nakiupo din kami dun habang nakatingin kay Ake. Malaki naman tong puno kaya nalililiman kami at hindi mainit.
"Ehem" bigla namang tumikhim si Kevin.
"Ah, Akemi Takeno. Sila nga pala ang gangmates ko sa Death Gang. Siya si Heo Joon Jae, Eto naman si Kevin Lim beside him is Kaizer Gray Lee, yun naman si Steven Park yung nagbato ng kunai sayo kanina. At si Sky Takanaro, yung nabato nang pancake kanina. Hahaha" pakilala ko sa kanila isa isa with matching turo pa.
"Sorry nga pala Akemi sa inasta namin sayo. Sana maging friends tayo" sabay sabay na sabi nung lima kay Ake na nakasandal pa din sa puno at nakapikit. Tulog ba to?
"Apology accepted. Yes, we can be friends" nakapikit pa din na sabi niya. Yung lima naman parang nakahinga nang maluwag.
Nagpahinga lang kami dun saglit at maya maya nag bell na, kaya ginising na namin si Ake at sabay sabay na kaming pumunta sa sunod na klase.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME