Chapter 5

55 6 1
                                    

AKEMI

Pagkatapos na pagkatapos ng klase hindi pa man kami nakakalabas ng room ay hinarap ko na agad si Jiro. Kanina ko pa kase gustong magtanong kaso mukhang istrikto yung Prof kaya nag intay nalang ako nang labasan at ito na nga yun.

"Ahm.. Jiro" tawag pansin ko kay Jiro. Yung lima naman pumalibot samin.

"Sore wa nani arimasu ka Ake?"(what is it) tanong ni Jiro. Yung lima nakikinig lang.

"Sabi mo kanina dun sa may puno na gangmates mo sila sa Death Gang. Ano ba yun? At bakit ilag sa inyo ang ibang estudyante?" kaswal na tanong ko kay Jiro.

"Ahm.. ano kase yun Ake.." nag aalangang sabat ni Kevin na palipat lipat ang tingin sa amin ni Jiro.

"Kase ganito yun Akemi hehe" sabat naman ni Kaizer na may pilit na tawa.

"Gangster kami Ake. Death Gang ang pangalan ng grupo namin at kami ang Rank 1 sa underground. Pfft" sabi ni Jiro na nagpipigil ng tawa, dahil siguro sa mukha nung dalawa, si Kevin at Kaizer na nanlalaki ang mata at nalaglag na ata ang panga sa sahig hahaha.

Hindi siguro makapaniwala na kaswal lang din yung sinabe ni Jiro samantalang silang dalawa ay nag aalangan pang sabihin. Akala siguro nila matatakot ako. Psh! Baka sila pa ang matakot saken.

Nagkibit balikat nalang ako at inaya na silang lumabas ng classroom. Si Jiro naman nabaliw na ata kase tawa nang tawa. Tinatawanan nya parin kase yung mukha ni Kevin at Kaizer habang sina Jae, Sky at Steven ay napapailing nalang na sumunod na lumabas.

Nasa may parking lot na kami nang school ng biglang may humarang sa amin na mga lalaki. Siguro mga nasa sampu sila. Mga nakaitim at may mga dalang baseball bat at paddle.

Napaismid nalang ako sa isip habang tinitingnan sila isa isa. Ako kase ang nasa una.

Gangster eh?

Bigla naman akong hinila ni Jiro sa likod nya at bahagyang iniharang pa ang kamay sa harap ko.

"What do you want, Red Viper Gang?" tanong ni Jiro sa kanila. Yung lima naman pumunta na din sa una at hinarangan din ako dun sa mga lalaki.

Eh? Seriously? Assassin here!

Pero nanahimik nalang ako.

"We want an illegal Battle, Death Gang. At kapag natalo namin kayo kami na ang rank 1 sa underground at.." nakangising tumingin pa saken yung lider ata ng Red Viper Gang.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Lalo naman akong itinago sa likod ni Jiro.

"..and her. I want her" ngising sabi nya kay Jiro.

"Dadaan muna kayo saken bago niyo siya makuha" seryosong sagot ni Jiro dun sa lider.

Pinatabi naman muna ako ni Jiro, aangal pa sana ako pero tiningnan nya lang ako ng makahulugan. K payn. Gusto ko din naman na makita kung paano sila lumaban at matalo ang mayayabang na Red Viper Gang na 'to.

6 vs 10? Tapos may mga dala pa silang armas? Psh! Coward. They didn't know the phrase, fight fair and squre. Wala sigurong mga balls to.

Nag umpisa na ang laban, kung titingnan dehado ang Death Gang. Tumingin ako sa gawi ni Jiro at sinuntok nya at sinipa ang dalawang lalaki na sumugod sa kanya. Base sa nakikita ko, malakas yung suntok at sipa na pinapakawalan nya kase napapadaing at napapasuka ng dugo yung kalaban nya. Pulido din syang gumalaw at naiiwasan nya ang bat na ipapalo sana sa kanya at hinahampas lang nya ang leeg ng mga ito at ayun tulog na. Napangiwi naman ako.

Walang balak mapagod?

Tumingin naman ako sa iba at halos katulad lang din ng ginagawa ni Jiro sa kalaban nya, umiiwas at pinapatulog lang din ang mga ito.

Habang pinapanuod ko silang lumaban, naramdaman ko na may dalawang presensya sa likod ko. Humarap ako sa kanila at tila nagulat pa sila sa pagharap ko.

Akmang hahawakan na ako nung isa, nang mabilis kong pilipitin ang kamay nya at hinila yun pataas kaya narinig ko nalang na may nag 'crack' at humiyaw na sya sa sakit. Hinampas ko nalang ang batok nya at binitiwan.

Naramdaman kong papasugod sakin yung isa, aambahan ko na sana ng malakas na uppercut pero may humawak sa kamay ko para pigilan. Napaatras pa nga sya ng ilang hakbang sa lakas ng impact. Pag tingin ko isang lalaki at sya na ang nagpatulog dun sa sana ay sasapakin ko.

Maglalakad na sana ako palapit kina Jiro para tulungan sila pero nagulat nalang ako nung nasa harap ko na sya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Nanlaki ang mata kong napatitig sa nakangiti ay mali tumatawang mukha nya. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya nya.

Who are you?

Tinapik ko nang mahina ang kamay nyang ginugulo pa din ang buhok ko at ang loko lalong tumawa.

"Hahaha, ayos ka lang ba Kemi?" natatawang tanong nya.

Err? Anong nakakatawa at ano daw? Kemi? Another name eh?

"Eh ano bang nakakatawa at s-sino k-kaba?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Eh? Why am I stuttering? Am I that scared? No.no. never. And why my heart is beating fast? Nervous maybe? And why Im speaking english? Ay letche.

Hindi ko kase sya naramdaman parang sina nii-chan lang ang galawan nya.

"Hahaha, wala naman. Ako nga pala si Vincent Fuentabella" tawa parin ng tawang sagot nya. Wala daw nakakatawa pero tawa nang tawa. Nabaliw na ata.

"Mukhang ayos ka naman, Kemi" sabi nya habang sinusuri kung may sugat ako.

"Ake!!" tawag ng Death Gang saken. Tapos na pala silang makipag laban.

Tumingin ulit ako kay Vincent na nakatingin na sa grupo nina Jiro.

"Bakit kilala mo ako? At bakit mo ako iniligtas?" Naniningkit ang matang tanong ko kay Vincent.

Yumuko siya at inilapit ang mukha nya saken. Ngumiti naman sya at
"Aww!" sapo ko sa ilong ko. Paano ba naman kase pinitik nya ang ilong ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hahaha, I just and I must know Kemi. At yung pagligtas ko sayo? Sabihin nalang naten na iniingatan ko lang ang pag aari ko" sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

Nangunot naman ang noo ko. Iniingatan? Pag aari? Nag kibit balikat nalang ako at binalingan sina Jiro na masama ang tingin kay Vincent.

Anyare?

"Tara na Ake" sabi ni Jiro na masama pa din ang tingin kay Vincent. Iginaya nila ako sa kotse ko at bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kotse, narinig ko pang sumigaw si Vincent.

"Kiotsukete, Akumu"(take care, Nightmare) saglit akong natigilan.

Shit! kilala nya talaga ako?

Hindi nalang ako lumingon sa kanila at pumasok na sa kotse ko at pinaharurot na papunta sa building ng unit ko.

Pagkapark ko nang maayos sa kotse ko ay dali dali kong tinungo ang elevator at pinindot ang 666 floor o ang top floor. Wala naman akong kasabay kaya nakarating agad ako sa unit ko. 666. Yeah, I know what you're thinking. Nirequest ko to kina nii-chan, since pinauwi or should I say pinarusahan ako ni Otou-san na pumunta dito sa Pilipinas.

Pagkapasok ko, dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng tubig. Wala nang salin salin sa baso, tinungga ko agad kahit nasa pitsel pa lang.

"Paano naman nya ako nakilala? Assassin din kaya sya? Padala nung demonyong yun? Kaya ba hindi ko naramdaman agad ang presensya nya?" tanong ko sa sarili ko.

Ginulo gulo ko ang buhok ko pero itinigil ko din agad nung marealize ko na ganto din ang ginawa nung Vincent na yun.

Psh! Makakain na nga lang, nagutom ako bigla.

Nagluto lang ako ng hotdog at fried rice tapos kumain na ako. Pagkatapos kong kumain, inilagay ko nalang sa sink yung pinagkainan ko at pumunta na sa kwarto. Naligo saglit, nagbihis ng pantulog.

"Hays! Tojiro, where art thou?" and I drifted off to sleep.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon