Chapter 17 - Riko Takeno

27 3 0
                                    

AKEMI

"Let's go?" anyaya saken ni Toji.

Inilagay ko lang ang huling tupperware sa plastic bag at lumapit na sa kanya.

"Let's go!" nakangiting sagot ko at umuna na sa kanya sa pinto.

"Oyy! Akemi Takeno! Paano mo naitago 'to saken? Ha?" ipinakita pa nya ang dalawang malaking plastic na hawak nya. Napangiti nalang ako.

Pagkatapos kase naming mangaroling ay nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan lang. Gusto pa nga nyang sumama pero pinauna ko na syang umuwi at ipinadala ko na din si Akari, yung pusa sa kanya.

Pero lingid sa kaalaman nya na dumiretso ako sa mall para bumili nang mga pang regalo. Doon ko na nga din ipinabalot sa mall para hindi hassle at hindi ako kapusin sa oras.

Sinadya kong umuwi ng late, yung tulog na si Toji. Pagkadating ko sa bahay ay agad kong idiniretso sa kwarto ko ang mga regalo at itinago. Naabutan ko nga dun si Akari na mahimbing na natutulog sa kama ko. Dito pala sya pinatulog ni Toji. Napangiti naman ako bigla at bahagyang hinaplos ang katawan nya.

Nagpalit lang ako nang damit at dumiretso sa kusina. Bumili din kase ako ng pwedeng ihanda sa Pasko. Gumawa lang ako ng coffee jelly, bread roll at graham. Alam ko namang mas madaming handa sa mansyon.

5pm na kami nakarating ni Toji sa mansyon ng mga Takeno. Dito nakatira si Hayashi-sama, Outo-san, Ichigo and Kakashi nii-chan, ang mga pinsan ko at ang mga Assassin na naglilingkod sa pamilyang Takeno maliban sakin.

Bago ka makapasok sa loob ng nagtataasang gate ay sasalubungin ka muna ng mga Assassin na naka-assign dun. Mahigpit ang seguridad sa mansyon ng mga Takeno, hindi ka basta basta makakapasok unless kilala ka. At dahil kilala na kami dito, lalo na ako, walang hirap kaming nakapasok. Kahit nasa loob ng kotse at umaandar ay nagbow parin sila bilang pagbibigay galang.

Ipinark na muna ni Toji ang sasakyan bago kami bumaba, kinuha muna rin namin ang mga regalo at yung mga pagkain na ginawa ko. Sinalubong kami nang mga tagasilbi. Pero hindi sila mga ordinaryong maid o katulong lang dahil ang lahat ng tao dito ay puro mga Assassin.

"Konbanwa, Akemi Dono, Tojiro Senpai. Nasa dinning area po silang lahat" nagbow din silang lahat sakin. Nginitian ko lang naman sila and greet them..

"Merry Christmas!" they also greeted me and Toji. They insist pa nga na sila na ang magdadala nang mga bitbit namin, but I refuse.

Unconsciously, napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Toji "Tara na hehe" sabi ko.

"Natatakot ka ba, Ake?" tanong nya.

"Sinong takot? Hindi ako takot, ah. Hehe"

"Eh bakit nung sinabi mong tara na, hindi man lang tayo umalis sa pwesto natin. Alanganin pa ang tawa mo at mahigpit ang hawak mo sa braso ko. Masakit ah!" reklamo nya. Napaharap naman ako sa kanya bigla habang may malungkot na ekspresyon sa mukha.

"Eh, kung umuwi nalang kaya tayo Toji? Dun nalang tayo magcelebrate dalawa" feeling ko kase hindi parin ako welcome dito at dissapointed parin sakin si Dad. Nakakalungkot.

Bigla namang pumwesto sa likod ko si Toji at bahagyang itinutulak ako para maglakad sa direksyon ng dinning area.

"Ano ka ba Akemi Takeno! Andito na tayo oh! At andito rin sina Senpai at ako, kasama mo ko Ake. Kaya wag kang matakot, hmm? Hahaha! Let's go, lakad na" itinuntong ko nang mahigpit sa sahig ang paa ko para mapigilan ng friction ang pagtulak sakin ni Toji.

"Toji naman eh! Tara na kase!"

"Kaya nga Ake! Tara na sa loob, gutom na ako" pilit na itinutulak parin nya ako.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon